Sa ikalawang pagkakataon, nabigyan ang Navotas ng Seal of Good Education Governance (SGEG) mula sa Synergeia Foundation. Ang una ay noong isang taon lamang sa panahon ni ex-mayor at ngayo’y Rep. John Rey Tiangco bilang pagkilala sa masidhing pagsisikap ng lungsod na mabigyan ng de-kalidad na edukasyon ang mamamayan nito. Tinanggap ni Mayor Toby Tiangco at iba pang opisyal ang parangal sa naganap na 13th National Education Summit sa PICC kamakailan. “Ang de-kalidad at holistikong edukasyon na mayroon tayo ay bunga ng sama-samang pagkilos ng ating stakeholders. Ang walang kupas…
Read MoreCategory: OPINYON
REP. ALEXIE TUTOR, BAGONG SANDALAN NG OFWs
Hulog ng langit na maituturing ang pagkakataon na personal kong makilala ang representante ng 3rd District ng Bohol na si Congresswoman Kristine Alexie B. Tutor. Setyembre 18, 2019 noong una ko s’yang makilala sa kalagitnaan ng Joint Congress Hearing para balangkasin ang mga panukala sa pagbubuo ng Department of OFW. Personal n’ya akong kinausap upang isangguni ang problema ng isa niyang kababayan na biktima ng sexual harassment na nasa bansang Jordan. Dahil sa kanyang pakiusap, ay agad ko itong pinatulungan kay Admin Hans Cacdac na sa loob lamang ng ilang…
Read MoreYES SA CABLE CAR SYSTEM
Pinag-aaralan na ang posibilidad ng paglalagay ng urban cable car system para sa bansa upang maibsan ang trapiko sa Metro Manila. Ito ay matapos magbigay ng grant na P27 milyon ang bansang France para sa pag-prepare ng isang feasibility study kung saan tutukuyin din ang mga lugar na maaaring lagyan nito sa Metro Manila. Ang pag-aaral ay isinasagawa ng dalawang French company na eksperto sa paglalagay ng cable car system. Ikinokunsidera rin ang paglalagay nito sa mga lugar na dinadagsa ng mga turista katulad ng La Union patungong Baguio at…
Read MoreMGA ANAY SA PNP ANG “NINJA COPS”
Maituturing na mga anay sa Philippine National Police ang mga miyembro nitong sangkot sa pag-recycle ng mga nahuhuling ilegal na droga at ang pagsisilbi bilang mga protektor ng mga kilalang drug lord at drug queen kapalit ng malaking pera mula sa pagbebenta ng droga. Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency Director-General Aaron Aquino, mahigit 700 pulis ang nasa sa drug watchlist ng PDEA kabilang na ang mga tinatawag na “ninja cops” na nag-o-operate rito sa Metro Manila. Bagama’t maliit na porsyento lang sa kabuuang bilang ng buong PNP na nasa…
Read MoreKAILANGANG SAGUTIN NG PALASYO ANG ISYU NG HUMAN RIGHTS VIOLATIONS
Isa na namang anti-corruption na organisasyon ang bumatikos sa record ng gobyerno ng Pilipinas sa larangan ng korapsyon at paglabag sa karapatang pantao. Para sa progresibong partidong Bayan Muna, dapat nang sagutin na ng administrasyong Duterte ang mga resulta ng pag-aaral ng Global Witness, isang international organization na nag-aaral sa kalagayan ng mga bansa sa larangan ng karapatang pantao, korapsyon, kalikasan, at iba pang mga isyu. Sa kanilang ulat, sinabi nilang matindi ang atake na ginagawa ng mga pwersa ng estado at paramilitary groups sa mamamayan lalo na sa human…
Read MorePAANO KUNG TOTOO?
Sa lumabas na ulat kahapon, naniniwala si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na babawiin ng China ang Scarborough Shoal bago magtapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022. Ito ay dahil sinabi ng ating pangulo na hindi niya mapipigilan ang China sa pagtatayo ng mga istraktura sa shoals ng Panatag o Bajo de Masinloc. Kung totoo man ito o kung tuluyang mangyayari, aba’y kawawa naman pala ang mga Filipino. Mawawalan tayo ng pag-aari. Mawawalan tayo ng karapatan at kalayaang makapunta sa West Philippine Sea. Dito ay mababalewala…
Read MoreMGA DILAWAN NA INIREKLAMO NG SEDITION AT IBA PA, KINAKABAHAN NA?
May patunay na kinakabahan na ang ilang mga ini-rereklamong dilawan. Dahil sa halos magkasunod na linggo, parehong nagpapasaklolo sa Court of Appeals (CA) ang mga ito gaya nina attorneys Theodore Te, Erin Tañada at Chel Diokno. Pinahaharang nila sa CA ang preliminary investigation na isinasagawa ng Department of Justice (DOJ) sa mga kasong kinakaharap ng mga ito gaya ng sedition, libel, cyber libel, estafa, harboring of criminals at obstruction of justice na isinampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban sa kanila dahil sa umano’y kawalan ng…
Read MoreHAZING SA PANAHON NG SOCIAL MEDIA
Sa kabila ng Anti-Hazing Law na naging batas noong 1995 bunsod ng dumaraming bilang ng mga namamatay sa hazing rites ng mga fraternity sa unibersidad, patuloy ang tradisyon nito at inasahan noon na huling biktima na ang law student ng University of Santo Tomas na si Horacio “Atio” Castillo na namatay noong 2017. Nitong nakaarang linggo ay isa namang biktima ng hazing ang namatay na si Darwin Dormitorio na isang 4th class cadet sa Philippine Military Academy kung saan nanggagaling ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines. Bago…
Read MoreKAHIT SINO ANG IUPO
Bakit kahit sino na yata ang iupo sa pamahalaan ay nanatiling laganap, paminsan ay mas malala pa ang korapsyon? Nawawala ang integridad ng isang administrasyon kapag talamak ang korapsyon dito. Katulad na lamang sa nakaraang administrasyon kaya naman wala silang maipagmalaki para sana maiangat ang mga kandidato nito pagka-senador. Nawalan kasi ng integridad. Sa ngayon ay laganap pa rin ang korapsyon ngunit nanatiling popular si Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil nakikita naman ng lahat ang kanyang pagiging seryoso laban sa korapsyon na mismong kaibigan na malaki ang naitulong sa kanya…
Read More