(Ikapitong bahagi) Sinasabi na ang usapin sa bigas ay tumutukoy sa isyu ng kakulangan nito. Ibig sabihin, hindi natutugunan ang pangangailangang konsumo ng mga mamamayang Filipino ng butil na ito. Masalimuot at mapagdedebatehan ang puntong ito. Sabi ng ilan, wala namang kakulangan dahil may supply naman, ‘yun nga lang ang halaga ng mga ito ay sobrang mataas at hindi na kinakaya ng mga nasa laylayan ng lipunan. Kaya nga’t naglabas ng variety na mura noong mga unang panahon. Pero kahit ang mumurahing variety na ito ay nakitang kinakapos pa rin.…
Read MoreCategory: OPINYON
PAMBANSANG BUDGET 2020: BUDGET PARA SA PAGPATAY, PAGPAPAYAMAN NG IILAN
Tutol ang Bayan Muna sa pag-apruba ng Kongreso ng pambansang budget sa taong 2020. Tutol ang progresibong partido sa budget na para sa pagpatay, sa pagsikil sa karapatan ng mamamayan, at ang budget na batbat ng pondong pork barrel. Sinusuhayan ng panukalang badyet 2020 ang madugong track record ng administrasyong Duterte sa pamamasalang. Ito ay pag-igting sa giyera laban sa droga, sa anti-insurgency, sa paglabag sa karapatang pantao, at pagsugpo umano sa kriminalidad. Umakyat ng 40% ang badyet para sa Defense ngayong taon. Ang PNP ay binigyan ng P184.9 billion,…
Read MoreMAY TRADISYUNAL NA HAMON PA RIN SA KAPASKUHAN
T’yak may tradisyunal na hamon pa rin at hindi magbabago ang presyo nito ngayong Pasko sa kabila ng isyu sa African Swine Fever (ASF). Pero dahil hindi maiiwasan ang pagbabawas ng produksyon ng hamon, ang t’yak namang maaapektuhan ay itong tinatawag na seasonal employees dahil siguradong hindi na muna sila kukunin ngayong Kapaskuhan, ayon na rin Philippine Association of Meat Processors Inc. Nagkaroon ng pagtigil o pagputol ng produksyon dahil sa total ban na ipinataw sa baboy at produkto mula sa Luzon, probinsiya ng Cebu at Bohol. Pero sinabi ng…
Read MorePAGPATAY SA MGA FILIPINONG ABOGADO, DAPAT TUTUKAN NG GOBYERNO
Hinimok ng iba’t ibang grupo ng mga abogado mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang administrasyong Duterte na protektahan ang mga Filipinong abogado laban sa dumaraming kaso ng pag-atake na may kaugnayan sa giyera kontra droga ng gobyerno. Pitumpo’t anim (76) na international lawyers’ groups at 76 na abogado mula sa 49 bansa ang nananawagan sa kasalukuyang administrasyon na gumawa ng mga kinakailangang hakbang upang matigil na ang pagpatay sa mga abogado sa Pilipinas. Bilang vice chair ng House Committee on Justice sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, hinihikayat natin…
Read MoreTOTAL REVAMP SA BILIBID KAILANGAN
Panahon na ang total revamp sa National Bilibid Prison (NBP) dahil sa mga natuklasang matinding anomalya sa ahensiya kung saan halos lahat ng mga kalokohan at kabulastugan ay involved ang mga tiwaling tauhan at opisyal nito. Sa aking analysis, hindi lamang panahon ni President Rodrigo Duterte ang nangyayaring anomalya sa loob ng Bilibid sa buong bansa, kundi noong panahon pa ng mga nagdaang pangulo ay marami nang kawalanghiyaan at pinagkakakitaan ng mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor). Taong 2013 nang isabatas ang Good Conduct Time Allowance (GCTA) sa pamamagitan…
Read MoreREPORMA SA BUWIS DAPAT TUTUKAN
Aprubado na ng Kongreso ang reporma sa buwis na inihain upang matustusan ang pondong kinakailangan para sa mga programang pang-imprastraktura at serbisyong panlipunan ng pamahalaan. Ang House Bill 4157 o Corporate Inome Tax and Incentives Rationalization Act (CITIRA) ay naglalayong dahan-dahang pababain ang singil ng corporate income tax. Ang CITIRA ay ang bagong bersyon ng Tax Reform for Attracting Better and High-Quality Opportunities (Trabaho) na mula sa 17th Congress. Ito ay nakilala noon bilang TRAIN 2. Maganda ang iminungkahi nitong si Buhay Hayaang Yumabong (Buhay) party-list Rep. Jose “Lito” Atienza.…
Read MoreBANTAY OFW MOBILE APP, IMPORTANTE PARA SA MONITORING NG MGA OFW
Hunyo 2018 nang unang inilunsad ng Advocates and Keepers Organization of OFW (AKOOFW) Inc. ang Bantay OFW mobile application na libreng maida-download mula sa Android Playstore ng mga OFW o ng mga papaalis pa lamang ng bansa. Layunin ng Bantay OFW Mobile application na makumusta ang lahat ng mga OFW na nakapag-download nito kada-linggo upang maiparating ng mga OFW ang kanilang kalagayan o sitwasyon sa ibang bansa. Tuwing araw ng Biyernes, ay may matatanggap na mensaheng “Kumusta Kabayan?” ang sinumang mayroong Bantay OFW Mobile app na maaaring sagutin ng “Mabuti” o…
Read MorePANUKALANG BUWANANG P10-K SA MGA NANAY, PAGTUTURO NG KATAMARAN?
Nakatawag pansin sa akin ang panukalang batas na inihain sa Kamara ni Star for All Season at kasalukuyang Batangas Rep. Vilma Santos-Recto na naglalayon na pagkalooban ang mga nanay ng tig-P10,000 buwanang financial allowance. Sakaling maging batas na ito, maraming mamamayang Filipino ang matutuwa lalo na ang mga kababaihan dahil maging nanay ka lang, tatanggap ka na ng P10, 000 monthly allowance mula sa gobyerno. Parang ang saya-saya ng buhay. Ito ay nasa ilalim ng House Bill (HB) 4070 o “Providing for Compensation for Stay-at-Home Housewives and Homemakers” na iniakda ni…
Read MoreANG MASALIMUOT NA USAPIN SA BIGAS
(Ikaanim na bahagi) Hindi matapus-tapos ang usapin natin sa kontrobersiya na puting butil sa bigas. Sa iba, ito’y kaibigan. Sa iba, ito nama’y parang kaaway. Para sa mga naghihikahos, ito ang laging sentro ng hain sa hapag. Mawala na ang iba, huwag lang ito. Masarap ang ulam ng Filipino, mula sa pinakapayak hanggang sa mga pinakamagarbo basta may kanin. Oo, sa maraming Filipino, walang saysay at hindi maaaprubahan ang lasa o sarap ng isang putahe hanggang hindi ito naisasama sa mainit at magandang pagkakaluto na sinaing. Ngunit para sa ilang…
Read More