Mismong si Dr. Erwin Erfe, hepe ng forensic division ng Public Attorney’s Office ang nagbunyag na may three phases ang Operation: Black War ng mga may gustong sirain ang kredibilidad ng Public Attorney’s Office o PAO lalo na ang head nito na si Chief Percida Rueda-Acosta na ‘di naman nagpapatinag at mas lalong determinado na suportahan ang pamilya ng mga biktima lalo na ng kontrobersyal na Dengvaxia vaccines. Sa Phase 1, lumabas ang isang Attorney Wilfredo Garrido Jr. na gamit ang unsigned manifesto kuno ng ilang PAO lawyers sa kanyang…
Read MoreCategory: OPINYON
DELIKADO ANG MAGTURISTA SA IBANG BANSA KUNG ANG PAKAY AY MAGTRABAHO
Sunud-sunod na paghingi ng tulong ang aking natanggap mula sa ilang kababayan na nagtungo sa ibang bansa gamit ang tourist visa, ngunit ang tunay na pakay ay ang magtrabaho. Nitong nakaraang Biyernes ay aking tinalakay ang masaklap na dinaranas ng mga biktima ng illegal recruiters na nag-eengganyo na magpunta sa Dubai o Abu Dhabi sa UAE gamit ang visit visa. Pagdating nila sa UAE ay may sumasalubong na pala agad sa kanila sa airport na mga ahente upang sila ay ihanap ng trabaho o employer. Ang siste, ipapasok sila sa…
Read MoreGAANO KALAKI ANG PORK BARREL SA 2020 BUDGET?
Malaking tanong para sa taumbayan kung magkano ang pork barrel sa panukalang budget sa 2020. Ang pork barrel ay natukoy nang pangunahing porma ng korapsyon sa gobyerno, dahil nilalagay nito sa kamay ng mga kongresista at mga opisyal ng gobyerno ang kapangyarihan kung saan at kung sino ang paglalaanan ng pera ng taumbayan. Hindi na tanong sa kasalukuyan kung mayroong pork barrel sa budget, kundi kung gaano na kalaki ito. Maaalala ang galit ng mamamayan sa malakihang pagnanakaw sa kaban ng bansa sa pamamagitang ng Priority Development Assistance Program, na…
Read MoreNASA KAMAY NG RTC ANG DESISYON SA VIDEOCONFERENCING NI SEN. DE LIMA
Nitong nakaraang Lunes ay naghain ng resolusyon sina Minority Leader Franklin Drilon at Senador Panfilo Lacson na magbibigay-daan sa partisipasyon sa mga deliberasyon ng Senado kay Senador Leila de Lima habang ito ay nakakulong sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame. Teleconferencing ang pamamaraan ng partisipasyon ni De Lima sa mga sesyon sa Senado at hindi na ito imposible sa digital age kung saan maglalagay ng digital camera equipment sa loob ng PNP Custodial Center at sa tulong ng mga technician ay maaaring makita ang detenidong senador ng mga kapwa niya senador…
Read MoreANG TRAHEDYA NG OFWs
Inuwi kamakailan ang mga bangkay ng dalawa sa tatlong overseas Filipino workers na biktima ng serye ng mga pagpatay sa bansang Cyprus. Ang isang bangkay ay naiwan pa roon samantalang ang bangkay ng isang anim-na-taong gulang na bata na pinatay kasama ang kanyang ina ay dinala naman sa bansang Romania sa piling ng kanyang ama. Trahedya para sa Pilipinas ang ganitong mga pangyayari, nang dahil lamang sa kagustuhang maiangat ang pamilya sa paghihirap ay pikit-matang nangarap na makasumpong ng pagkakakitaan sa ibayong dagat. Tinatantiyang nasa 10 milyon ang overseas Filipino…
Read MorePAGGALANG SA BATAS AT DIYOS, AT ANG MGA TAONG PASAWAY
Para sa mga taong may paggalang sa umiiral na batas at Diyos na walang ginagawang masama, wala akong nakitang masama kung mayroon mang presensya ng militar sa kanilang lugar. Dahil kapag mayroon ngang kaguluhan sino ba ang ating tinatakbuhan? Di ba ang mga awtoridad naman? Bakit kaya may mga taong ayaw ng presensya? Gaya na lamang ng ilang mga guro at ilang estudyante sa state universities na galit na galit sa plano ng gobyerno na maglagay ng military detachment malapit dito upang masansala naman ang mga taong may masamang balak…
Read MoreUSAPANG UNCLOS, EEZ, ECS AT HOUSE BILL 5487
Kamakailan ay naging isyu ang mga pagpasok nang walang paalam sa karagatan ng Pilipinas ng mga barko ng China kabilang na ang mga pang-komersyal at pangmilitar. Walang kapasidad ang ating Sandatahang Lakas na i-monitor ang mga sinasabing “maritime incursions” ng Chinese vessels sa ating karagatan at nagdedepende na lang ang Department of National Defense (DND) sa mga impormasyong nanggaling sa “independent sources” na may access sa satellite photos. Isa na rito ang blogger US Naval War College na si Ryan Martinson na may access umano sa satellite photos mula sa…
Read MoreANG PANANAMPALATAYA
Ang daigdig ay isinagawa at nilikha ng Diyos sa pamamagitan ng salita at pananampalataya. Ito ay ebidensya ng bagay na hindi nakikita. Ang mga tao ay may iba’t ibang pananampalataya, iba’t ibang relihiyon. Ang bawat isa ay naninindigan na ang kanyang relihiyon ay ang siyang totoo. Sa mga Kristiyano pa lamang ay hindi mo na mabilang ang mga sekta o mga relihiyong pumapaimbulog sa buhay, kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo. Ito nga, magpapasko na naman at ating inaalala at ipinagbubunyi ang kanyang paglakad sa daigdig mahigit dalawang libong…
Read MorePINASLANG ANG ISANG BABAENG LUMAD AT LIDER NG BAYAN MUNA SA BUKIDNON!
Poot at dalamhati ang nararamdaman ng mga miyembro ng Bayan Muna at ng mga katutubong mamamayan sa pagpaslang kay Bai Leah Tumbalang mula sa San Fernando, Bukidnon. Si Bai Leah ay lider ng kanyang tribo sa San Fernando, at nanindigan laban sa pagkamkam ng kanilang lupang ninuno ng plantasyon at pagmimina, at laban sa pananalasa ng mga grupong paramilitar at militar na lumalabag sa karapatan ng mga Lumad sa probinsya. Si Bai Leah ay aktibo sa organisasyong-Lumad at maliit na magsasaka na Kaugalingong Sistema Igpasindog Tu Lumadnong Ogpaan (KASILO). Binaril…
Read More