Dapat repasuhin ang batayan sa pagpapalaya sa mga bilanggo o ang Republic Act 10592 na mas kilala sa tawag na good conduct time allowance (GCTA). Nitong nakaraang linggo ay umani ng batikos mula sa netizens sa social media at naging mainit na usapin ang napabalitang paglaya umano ni dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez sa New Bilibid Prison. Kung pagbabatayan ang naging kaso ng dating alkalde, malinaw na hindi siya kwalipikado sa GCTA Law kaya hindi siya dapat mapabilang sa 11,000 na mapalalayang bilanggo ngayong taon. Dahil na rin sa…
Read MoreCategory: OPINYON
MALING-MALI ANG CPP-NPA-NDF!
HINDI natin masisisi ang mga magulang na kabilang sa League of Parents of the Philippines (LPP) na manawagan sa mamamayang Filipino na labanan ang Communist party of the Philippines (CPP), New People’s Army (NPA) at National Democratic Front (NDF) dahil sa sobrang pagmamahal sa kanilang mga anak. Ayaw ng LPP na mamundok at humawak ng mga baril ang kanilang mga anak bilang miyembro ng NPA dahil walang maidudulot na magandang buhay sa kanila ang pagtira sa kabundukan o liblib na lalawigan. Wasto ito, sapagkat maraming malinis, maayos at mapayapang paraan…
Read MoreMAGING BAHAGI NG SOLUSYON, HUWAG NG PROBLEMA
Ang pagdaan ng bagyo sa ating bansa ay hindi na naiiba para sa ating mga Filipino. Taun-taon ay umaabot sa karaniwang bilang na 20 na bagyo ang tumatama sa atin. Ito ay dahil sa lokasyon natin sa Pacific region. Nito lamang nakaraan ay tumama sa Gitnang Luzon ang isang bagyo na pinangalanang Typhoon Jenny. Ito na ang ikasampung bagyong tumama sa Pilipinas na nagdala ng malakas na pag-ulan at pagbaha sa silangang bahagi ng Luzon. Upang mas makapaghanda ang mga tao sa Metro Manila, itinaas ang signal ng antas ng…
Read MoreSPHINX INTERNATIONAL GROUP, TINATAWAGAN NG PANSIN; BANTAY OFW HELP CENTER, ILULUNSAD NA
Isang sumbong ang aking natanggap sa pamamagitan ng ating Bantay OFW Mobile Apps na kung saan ang ating kabayani na si Geraldine Ortillo na kasalukuyang nasa Riyadh, Saudi Arabia ay humihingi ng tulong. Ayon sa salaysay ni Ortillo, mahigit limang buwan na siyang hindi binabayaran ng kanyang sweldo. Malapit na rin siyang umuwi ng Pilipinas at nababahala na siyang tuluyan na pauwiin na hindi bayad ang kanyang pinaghirapan. Ang problemang ito ni Ortilla ay nagmula pa nang siya ay unang dumating sa kanyang employer at tila nakagawiian na diumano ng…
Read MoreMAGSASAKA UMIIYAK SA EPEKTO NG RICE TARIFFICATION LAW
Ilang buwan pa lamang ang nakakaraan nang ipatupad ng gobyerno ang Rice Tariffication Law, nag-iiiyak na ang ating mga magsasaka sa negatibong epekto nito sa kanilang hanay. Ito ang pagbasak ng presyo ng palay sa bansa. Sumisigaw na sila na luging-lugi, hindi na sila nakakabawi at tila minamasaker na sila dulot sa pagbagsak ng presyo ng palay, at hindi naman sila tinutulungan ng gobyerno. Ito na ang sinasabi ko sa ilang isyu ng ating kolum na magiging kawawa talaga ang mga lokal na magsasaka sa nasabing batas, dahil ang talagang…
Read MoreANG MASALIMUOT NA USAPIN SA BIGAS
(Unang bahagi) Wala na yatang panahong hindi mainit o masalimuot ang talakayan pagdating sa usapin ng bigas mula nang ako’y magkamuwang, lalo na itong huling dalawang dekada. Minsan, nariyan ang kakulangan ng bigas, sobrang taas ng presyo, habang lalabas na may nabubulok na tone-toneladang bigas sa imbakan ng isang ahensiya ng pamahalaan. May mga panahon ding parang blockbuster na pelikula ang bigas na pinipilahan ng mga tao sa iba’t ibang tindaan sa maraming bahagi ng bansa. Sa mahabang panahon, nakasentro ang mga usapin sa mataas na halaga, at madalas ay…
Read MoreVIP ESCORT SA LIBING DAPAT IPAGBAWAL NA!
Misyon Aksyon, sana po mabigyan ng pansin ng Malacañang na ipagbawal na ang pag-e-escort sa mga nililibing na mga patay dahil mistulang pag-aari nila ang kalsada dahil sa bilis ng kanilang escort na hagad. Gaya po ng isang pangyayari na dumaan sa kahabaan ng Qurino Highway SJDM Bulacan na may isang opisyal na ililibing ay kung makahawi ng motorista ang mga hagad ay wagas. Alam naman nila na ang trapik sa NCR ay grabe na. Paano naman iyong mga sasakyan nilang iniwan sa tabi o kaya sa intersection lalong nagkakabuhul-buhol.…
Read MoreONE WAY EDSA?
Kung mayroong isang ahensya ng gobyerno na mahirap pamahalaan, ito ay ang DOTr (Department of Transportation). Lahat ng uri ng transportasyon pandagat, panghimpapawid, pangkalye, railway systems, ay responsibilidad nito. Kaya’t kung may trahedya sa dagat, sa himpapawid, aksidente sa daan at railways kasama sa sisi ang ahensya. Subalit sa araw-araw ang pinakamalaking delubyo na kanilang kinakaharap ay ang reklamo sa malalang trapik, hindi lang ang publiko ang apektado pati na ang ekonomiya ng bansa. Iba’t ibang administrasyon na ang nagdaan, at marami na rin ang kalihim na namuno rito subalit…
Read MoreTUNAY NA LINGKOD-BAYAN
Bagama’t wala na sa pamahalaan ay aktibo pa rin sa paglilingkod sa bayan itong si dating DILG Secretary Mel Senen Sarmiento. Iba talaga kapag nananalaytay sa iyong dugo ang serbisyo publiko kaya’t hindi na ako nagtaka noong malaman natin na aktibo pa rin siya sa pagtulong sa ating mga kababayan. By the way, alam ninyo ba na itong si Secretary Sarmiento ang orihinal na may-akda at ang may orihinal na konsepto sa nilagdaan kamakailan ni Pangulong Duterte na Republic Act 1392 na nagbibigay sa limang national performing arts companies (NPAC)…
Read More