WATAK-WATAK NA ANG KOALISYON NI DUTERTE SA KAMARA

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Kahit nauna nang sinabi ni Duterte na hindi s’ya makikialam sa paghalal ng speaker sa Kongreso, wala siyang nagawa kundi manghimasok sa nagbabanggaang mga bato na nais makuha ang pinakamataas na posis­yon sa House of Representatives. Ito ay patunay na watak-watak ang koa­lisyon ni Duterte, na may kanya-kanyang ambisyon at manok para sa speakership. Ang pagpili ng speaker ay dapat na independiente na desisyon ng lehislatibo bilang hiwalay na sangay ng ating pamahalaan. Ngunit, nais talagang panghawakan ng gobyernong Duterte ang buong pamahalaan sa paglalagay ng kanilang mga kaalyado sa…

Read More

LIBU-LIBONG KASO PENDING SA DOJ

PRO HAC VICE

Anong paraan kaya ang gagawin ng Department of Justice upang ‘di man maresolba lahat ay mabawasan man lang ang aabot sa 12-14 na libong kaso na nakabinbin sa DOJ. Sa isang press briefing inamin mismo ni Undersecretary Adrian Ferdinand Sugay na natatambakan sila ng mga kaso mula sa petition for review at motion for reconsideration na sinampa sa DOJ na ito umano ay mula sa iba’t ibang litigant sa iba’t ibang panig ng bansa. Nilinaw naman ni Usec. Sugay na ginagawa na nila ang pinakamabisang paraan upang maaksyunan at makatugon…

Read More

KUDETANG INISYATIBA NG US

SIDEBAR

Hindi malinaw kung saan hinugot ng founder ng Communist Party of the Philippines na si Jose Maria Sison ang kanyang analisis na posibleng mag-inisyatiba ang Estados Unidos sa pagsasagawa ng isang kudeta para patalsikin sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte. Malamang na sa online edition ng mga pahayagan nakalap ni Sison ang kanyang impormasyon hinggil sa posibilidad na magkaroon ng US-backed coup sa Pilipinas na may kinalaman sa pagiging malapit ng administrasyong Duterte sa bansang China na may “trade war” ngayon sa US na nag-ugat naman sa isyu ng Chinese-owned…

Read More

HINDI NAMAN KASI TAMA ANG MAGING EPAL

SA TOTOO LANG

May mga politiko na kahit mga buhay pa naman ay naroong laging nagpapakilala at gustung-gusto na nakikita ng publiko ang kanilang mga pangalan sa kung saan-saan, maging sa mga paaralan. Talaga namang hindi na pinatawad. Ito ngayon ang nasisita ni Manila Mayor Isko Moreno sa kanyang nasasakupan. Nagbaba ito ng kautusan na tanggalin ang mga pangalan ng mga politiko mula sa mga pribado at pampublikong paaralan. Andon ang pahayag ng alkalde na huwag politikahin ang mga paaralan. Matatanggal na ang mga ganyang paepal na aktibidad. Mabuti naman kung ganoon. Hindi…

Read More

RAMDAM N’YO BA ANG PAGBABA NG INFLATION?

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Ang sabi ng gobyerno, bumaba sa 2.7% ngayong Hunyo ang dating 3.2% na inflation noong Mayo. Ang inflation ay ang pagtaas at pagbaba ng presyo ng mga produkto sa merkado. Ang tanong, ramdam ninyo ba ang sinasabi nilang pagbaba nito? Magandang balita sana kung totoong bumaba ang presyo ng bilihin. Pero sa realidad, hindi naman bumaba ang presyo ng pagkain at grocery items sa tindahan. Mahal pa rin ang presyo ng isda, karne, gulay, mantika, at iba pang pangangailangan sa bahay. Nagtataasan pa nga ang presyo ng gatas at kape.…

Read More

NILINIS LANG ANG MGA KALSADA, FOR PRESIDENT 2022 NA AGAD!

EARLY WARNING

Nakatutuwa talaga tayong mga Pinoy, ‘winalis’ lang ng bagong alkalde ng Manila na si Isko Moreno ang Recto, Divisoria at Sta. Cruz ng lahat ng traffic obstructions kasama ang illegal vendors, eh pinalulutang na agad na p’wede na siya for president 2022! Pagtagal-tagal ay hindi rin s’ya malalayo sa na­ging alkalde ng lungsod na noong una ay nagpakita rin ng ‘galing’ pero nung tu­magal balik sa bulok na sistema. Nothing personal, ika nga, at sa totoo lang bilib ako rito kay Mayor Isko. Kung anuman ang aking nasabi, ito ay…

Read More

MGA KAWING-KAWING NA USAPIN SA EDUKASYON

Psychtalk

(Ikaanim na bahagi) “Ang boring namang magturo ni ma’am/sir!” ayon sa mga mag-aaral. “Ang tamad ng mga mag-aaral ngayon, ni ayaw nang makinig, magsulat o magbasa nang mahaba,” sagot naman ng mga kaguruan. Ipinapakita sa itaas na palitan ng komento ang isang sitwasyon o katangian ng interaksyon sa pagitan ng mga guro at mga mag-aaral. Tinutukoy ko rito ang “generation gap.” Ang mga mag-aaral ngayon ay mga nabibilang sa Generation Z o mga Digital Natives, mga batang pinanganak at pinalaki sa computer age. At ang mga guro nila ay nabibilang…

Read More

MINING INDUSTRY ISASALBA?

FOR THE FLAG

Ang Pilipinas ay isa sa mga mayamang source ng mineral sa buong daigdig, nandiyan ang malakihang deposito ng nickel, gold, copper, iron at chromite. Ayon sa opisyal na estimate, nasa US$1.4 trillion ang halaga ng mga ito na nakadeposito sa bansa. Ngunit ang ating mining sector ay nag-o-operate lamang ng may 2.35 percent ng may siyam na ektaryang lupain sa bansa na may mataas na mineral potential — nasa 48 metallic mines at 61 non-metallic mines lamang ang operational. Magandang pigura ito, ibig sabihin nito ay investments, revenues, mga hanapbuhay,…

Read More

INTEGRIDAD NG PUNDASYON NG MGA GUSALI, DAPAT TUTUKAN

SA GANANG AKIN

Noong 1658, 361 taon na ang nakararaan, nang hu­ling gumalaw ang Marikina West Valley Fault. Sa loob ng 1,400 na taon ay apat na beses na itong gumalaw. Kung susuriin ang timeline na ito, maaari itong gumalaw ulit sa ating panahon. Tinatayang nasa 7.2 magnitude na lindol ang pinag-uusapan natin dito. Handa ba tayo? Handa ba ang ating mga gusali para rito? Sa pagkakaroon ng ganitong posibilidad, hindi nakatutulong na mayroong isyu ngayon sa uri at kalidad ng materyales na ginagamit sa mga gusali bilang pundas­yon partikular na ang mga…

Read More