MGA KAWING-KAWING NA USAPIN SA EDUKASYON

Psychtalk

(Ikapitong Bahagi) Ang information and communications technology o ICT ay dagdag na salik na nagpatingkad ng hati o divide sa lipunan at sa larangan ng edukasyon. Upang maabot  ng mga kasalukuyang henerasyon ng guro ang mga Generation Z, at para na rin mapagdugtong  ang umiiral  na gap sa classroom, sinabi sa nakaraang artikulo na dapat may pag-angkop na maganap lalo na sa bahagi ng mga guro. Ang pag-angkop na tinutukoy ko ay sa larangan ng pagtuturo na nakaangkla sa pagiging creative lalo na sa paggamit ng information and communication technologies…

Read More

MVIS TESDA CERTIFICATE SA REGION 3 PEKE!

Misyon Aksyon

Misyon Aksyon, pakikalampag ang TESDA Region 3 Guiguinto, Bulacan dahil nagbibigay ng pekeng certificate ang mga empleyado nito bilang patunay na sila ay kuwalipikado at nagtapos sa kasanayan bilang isang technician sa LTO ng Motor Vehicle Inspection Service (MVIS). Katunayan po isang mayor ang sumulat sa tanggapan ni Usec. LTO Edgar Galvante para ipa­siyasat ang nasabing certificate mula sa Guiguinto na siya ay kuwalipikado bilang isang Motor Vehicle Emission Control Technician (MVECT) noong March 10. Paano mabibigyan ng tamang pagsusuri ang lahat ng sasak­yan na isa sa requirements ng LTO…

Read More

MATTEO AT ROBIN

MAGING WAIS KA

Marami ang nagulat at humanga sa umano’y pagiging makabayan at katapangan ng dalawang sikat na artista na sina Matteo Guidicelli at Robin Padilla na kasalukuyang nagsasanay bilang Philippine Army Reservists. “Walang hihigit sa tapat na paglilingkod at pagtulong sa kapwa sundalo at sa bayan lalo na kung may banta laban sa seguridad at agresyon mula sa mga dayuhang bansa,” ani Matteo. Para naman kay Robin, ang kanyang pagpasok ay pagbibigay ng huwaran sa mga kabataang Filipino na seryosohin ang paglilingkod at pagmamahal sa bayan. Kaugnay dito ay pagsertipika ni Pangulong…

Read More

NAKAKAINIS SI ISKO

BAGWIS

Sa totoo lang hindi ako natutuwa rito sa mga pinaggagawa ngayon ni Mayor Isko Moreno sa Maynila. Wala pang isang buwan siyang nakauupo bilang mayor eh ang dami na niyang nagawang pagbabago para sa kanyang mga nasasakupan. Maging ang mga dumi ng tao sa monumento ni Andres Bonifacio ay nalinis na niya. Nagawa na rin niyang maaliwalas ang Quiapo at Divisoria. Halos araw-araw ay nakikita natin si Isko na umiikot sa kanyang mga nasasakupan upang tingnan kung paano niya mapabubuti ang kaayusan sa kanyang lungsod. Nakakainis na ‘yan! Sobra na…

Read More

HUWAG NA

SA TOTOO LANG

Ang pahabain pa ang termino ng mga kongresista bilang pagnanais ng isa ring kongresista ay hindi naman na kailangan at isang malaking “huwag na”. Naroon kasi ang pagnanais na mula sa dating 3 taon ay ninanais itong gawing apat na taon with no term limits, o limang taon na may term limits. Sa ilalim kasi ng 1987 Konstitusyon, ang mga mi­yembro ng House of Representatives ay pinapayagan na maglingkod sa isang termino na tatlong taon at hindi hihigit sa tatlong magkakasunod na termino. Ang tanong kasi ng publiko diyan ay…

Read More

EXCITED SA KANYANG PAGBABALIK

EARLY WARNING

Excited ang mga residente ng Lungsod ng Malabon sa pagbabalik ni Congresswoman Jaye Lacson-Noel bilang kanilang kinatawan sa Kongreso dahil batid nila na sobrang malapit ang huli sa kanila, very accessible ika nga, well kaya naman siya’y kanilang muling iniluklok sa puwesto. Bukod sa marami s’yang naisabatas na may interes-nasyunal noong s’ya pa ang nasa Mababang Kapulu­ngan, ‘di maikakatwa na halos ganun din ang dami ng kanyang mga naging akda kung saan mismong mga tagalungsod ang direktang nakinabang. “Maraming salamat sa muling pagsuporta upang ako’y maibalik sa Kongreso. Sa inyong…

Read More

PRES. DUTERTE DADALO SA ARAW NG PASASALAMAT SA OFW NGAYON

AKO OFW

Tuloy na tuloy na ang pagdiriwang ng Araw ng Pasasalamat sa OFW ngayong araw ng Biyernes, July 12, na gaganapin sa Grandstand sa loob mismo ng Camp Aguinaldo sa EDSA, Que­zon City. Ang pagdiriwang na ito ay para sa lahat ng OFW, dati at mga bago pa lamang na magiging OFW at pati ang mga kapamilya nito. Ito ay dadaluhan mismo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kung kaya ang lahat ay inaanyayahan na dumalo upang personal na makasa­lamuha ng pangulo ang a­ting mga Bagong Bayani. Nagsama-sama ang iba’t ibang departamento…

Read More

IMPEACHMENT KAY PRRD SAYANG LANG

FOR THE FLAG

Halatang parte lamang ng propaganda ang mga patutsada ni Gng. Leni Robredo at ng mga grupong makakaliwa na pag-file ng impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Una ay walang ground. Ang nangyaring banggaan ng barko o bangka riyan sa Recto Bank ay isang maritime incident na walang kontrol ang pa­ngulo ng Pilipinas, katulad na walang kontrol ang pangulo sa mga disgrasya sa mga lansangan. Ibig sabihin ba kung magkabanggaan ang isang kotseng may diplomatic plate at isang motor sa EDSA ay impeachable offense na rin. Nananaginip ba ang…

Read More

“SOLOMONIC” DECISION NI PRRD SA SPEAKERSHIP

SIDEBAR

Maituturing na “Solomonic” ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagpili ng speaker sa Mababang Kapulungan sa gitna ng pagtatapos ng termino ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo. Term-sharing ang na­ging formula ni Pangulong Duterte kung saan si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano ang unang uupong speaker sa loob ng 18 buwan samantalang si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ay magiging speaker sa susunod na 22 buwan o hanggang Hunyo 30, 2022. Habang naghihintay pa ng kanyang term-share si Velasco, siya ang magiging chairman ng makapangyarihang Committee on Appropriations kung…

Read More