Dumulog sa Ako OFW sa pamamagitan ng ating volunteer na si Anne Mahinay ang ating kabayani na si May Anna Loveras. Reklamo nito, ibinenta at hindi ibinigay ang kanyang sahod na halos 3,700 riyals. Noong nasa Sharora, ikinulong siya ng kanyang unang amo sa kwarto sa loob ng limang araw ng walang pagkain. Hiniling umano niya sa kanyang amo na uuwi na lamang siya sa Pilipinas ngunit hindi siya pinayagan dahil hindi pa umano siya bayad sa mga nagastos nito sa kanya. Nagpasya si Loveras na tumakas. Paglabas umano niya…
Read MoreCategory: OPINYON
IBOYKOT ANG CHAMPION, HANA AT CALLA!
Kamakalawa, Hulyo 2, ay naghain ng mga panukalang resolusyon ang Makabayan bloc sa Kongreso upang imbestigahan ang nangyaring madugong dispersal, paglabag sa labor code, at iba pang pagsaling sa karapatan ng mga manggagawa ng Peerless Manufacturing Corporation o Pepmaco. Ang Pepmaco ay ang kompanyang gumagawa ng sabon tulad ng Champion, Hana, at Calla na may pabrika sa Canlubang, Laguna. Iniangal ng mga manggagawa ang labor-only contracting sa kanilang hanay, mahahabang oras ng trabaho, at sa paglabag ng kompanya sa safety standards. Kaya naman nagsagawa ng strike ang mga manggagawa. Ngunit,…
Read MoreHINGGIL SA “CLAIMS” AT “RIGHTS” SA SPRATLYS
Matagal nang pinagtatalunan ng mga “claimant countries” ang grupo ng mga isla sa South China Sea (West Philippine Sea sa punto de vista natin) na tinatawag na Spratlys. Maliban sa Pilipinas, kabilang sa mga may “claims” sa Spratlys ay ang China, Vietnam, Malaysia at Brunei. At bago pa man nagkaroon ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) noong 1982, nauna ang Pilipinas sa ilalim ng gobyerno ni Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa pag-okupa sa Kalayaan Group of Islands na malapit sa lalawigan ng Palawan noong maagang…
Read MoreFILIPINO AT PHILIPPINE LITERATURE
Animo hindi binigyan ng importansya at halaga ng Commission on Higher Education (CHED) at ng Korte Suprema ang subject na Filipino at Philippine Literature sa kolehiyo na kanilang parehong ibinasura. Ano ang wisdom sa likod ng ginawang pagbasura sa Filipino at Philippine Literature mula sa curriculum sa kolehiyo? Para mabawasan ba ang oras na ilalagi ng mga mag-aaral sa kolehiyo at mas mababang tuition dahil kumakain din ito ng nine units sa kolehiyo? Kung hindi ‘yun ang dahilan sa likod nito e lubhang mahiwaga ang talinong ginamit ng CHED at…
Read MoreWALA PA RING SUSPEK SA PAGPATAY KAY MAYOR TONY HALILI NG TANAUAN CITY
Nitong nakaraang Lunes, Hulyo 1, ang unang araw sa Tanauan City Hall ng bagong halal na alkalde ng lungsod na si Mayor Angeline “Sweet” Halili na panganay na anak ng yumaong Mayor Antonio Halili. Kung pagbabasehan ang kanyang mga ipinangako noong panahon ng kampanya at ang kanyang inaugural speech noong Lunes, makaaasa ang mga taga-Tanauan na lalo pang uunlad ang kanilang siyudad sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Sweet. Kahapon, Hulyo 2, ang unang anibersaryo ng pagkamatay ng butihing Mayor Tony at kung nabubuhay siya ngayon ay 73-anyos na sana ang pinaslang…
Read MoreDOJ AT SI PNP CHIEF OSCAR ALBAYALDE
Bagama’t nasa ilalim ng Malacañang ang Department of Justice at si Justice Secretary Menardo Guevarra ay alter ego ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay ‘di naman sang-ayon si Sec. Guevarra sa naging pahayag ni PNP chief Oscar Albayalde na nakahanda nitong sundin si Pangulong Duterte kung ipag-uutos nito na arestuhin ang sinumang maghahain ng impeachment case laban sa kanya. Sa panayam kay Sec. Guevarra sinabi nito na kailangan pa rin aniyang umiral ang rule of law. At kung may aarestuhin man ay kailangan pa rin ang isang warrant of arrest…
Read MorePARA SA MGA LOLO AT LOLA
Bagama’t nasa kultura nating mga Filipino ang sinasabing close family ties, may pagkakataon pa rin na nagiging isyu ito kapag nag-iiba na ang panahon lalo na para sa ating mga dumaraming senior citizens. Nangyayari ito dahil naiiba na rin ang henerasyon ngayon, gayundin ang uri ng pamumuhay kaya’t parang nababalewala at nawawalan din ng tamang atensyon para sa mga senior. At habang dumarami ang ating mga senior citizen ay nag-iiba rin naman talaga ang kanilang mga pangangailangan o hamon sa buhay. Marami na silang mga pangangailangan na hindi na tulad…
Read MoreHUSTISYA MAILAP PA RIN SA PAMILYA NG MAHIGIT 830 BIKTIMA NG ‘MV PRINCESS’ TRAGEDY
May 11 taon na rin ang nagdaan matapos ang malagim na trahedya sa dagat sa Romblon province na kinasangkutan ng M/V Princess of the Stars na pag-aari ng malapit-sa-sakunang Sulpicio Lines (kung kaya’t pinalitan na ito ng pangalan) pero lahat ng pamilya ng mahigit na 830 na mga nasawi ay patuloy pa ring nananaghoy at naghihintay ng hustisya. Kahit si Public Attorneys’ Office (PAO) Chief Persida Rueda-Acosta na matinding nakaalalay sa mga naghihirap na kamag-anak simula noon hanggang sa kasalukuyan ay hindi rin maitago ang pagkadismaya sa sobrang bagal ng…
Read MoreMGA KAWING-KAWING NA USAPIN SA EDUKASYON
(Ikaapat na bahagi) Bakit may bully sa mga paaralan? Walang bully sa mga paaralan, kung walang pumapayag na sila ay i-bully. Madaling sabihin, kung hindi ikaw mismo ang nakaranas ng sitwasyon. Bagama’t sa ilang pagkakataon, tama naman ang punto ng pangungusap sa itaas. Pero, bago natin intindihin kung bakit may pumapayag (kung mayroon nga talaga) na i-bully, subukan nating unawain, bakit may bully? O bakit ilan sa ating mga mag-aaral ay nauuwi minsan sa pambibiktima ng mga kaklase o kaibigan nila. Batay sa aking naobserbahan, at sa mga pag-aaral na…
Read More