CAYETANO NAGMUMUKHANG DESPERADO NA

FOR THE FLAG

Hindi maiwasang magmukhang desperado si Congressman Alan Peter Cayetano sa kanyang target na maging House speaker dahil magpahanggang ngayon paulit-ulit pa rin niyang itinutulak ang term-sharing sa pagitan nila ni Cong. Lord Allan Velasco samantalang mismong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang bumawi ng kanyang naunang proposal na binitawan niya noong trip pa sa Japan. Binawi na ng pangulo ang proposal na ito, at noong nakaraang Biyernes lamang ay nagdeklara na ito sa lahat ng naglalaban-laban para sa House speakership: “Maglabu-labo na kayo.” Ang tawag sa behavior na ito…

Read More

ILABAS ANG ‘FISHING DEALS’ SA CHINA!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Tumingkad ang usapin ng pagpasok at pangi­ngisda ng China sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas matapos banggain ng Chinese vessel ang isang bangkang Filipino na F/B Gem-Ver sa Recto Bank noong unang bahagi ng Hunyo, 2019. Galit ang maraming Filipino sa pagbangga sa ating mga kababayan, lalo na sa pagpapabaya ng mga nakabanggang Chinese vessel sa 22 mangingisda nang lumubog na bangka. Marami ang nagpahayag ng kanilang galit at kondemnasyon kahit mismo sa mga opisyales ng gobyerno. Ngunit, ipinagkibit-balikat lamang ni Pangulong Duterte ang pangyayari, at sinabing “small maritime…

Read More

PANGANGASIWA SA MGA UTILITY, KANINO DAPAT?

SA GANANG AKIN

Ang opisyal na pagsisimula ng panahon ng tag-ulan ay nagbigay ng pag-asa na maiibsan nito ang lumalalang pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam. Inaasahan ding matutugunan nito ang lumalalang kakulangan sa supply ng tubig sa bansa. Hindi lamang supply ng tubig ang kulang kundi pati ang reserba ng kuryente sa bansa ay nagkukulang na rin. Patunay nito ay pag-aanunsyo ng mga yellow at red alert ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) bunsod ng manipis na reserba ng kuryente. Nagresulta rin ito sa pagpapatupad ng rotational brownout…

Read More

SEN. PING LACSON HINDI TITIGIL SA PAG-EXPOSE SA TARA SYSTEM SA BOC?

HAGUPIT NI BATUIGAS

Malaking palaisipan sa mga lehitimo at matitinong negosyante at opisyal ng Bureau of Cutoms (BOC) ang biglang pagtigil o pananahimik ni Senator Panfilo “Ping” Lacson kaugnay sa kanyang “exposé” na patuloy ang lagayan at “Tara System” sa ahensya. Sa exposé ng mambabatas, tinukoy nito ang dahilan kung bakit patuloy na nakakapasok ang mga tone-toneladang basura mula sa ibang bansa, dahil mismong mga tiwaling tauhan ng ahensya ang nagpapalusot. “Hangga’t may mga tumatanggap ng tara at tiwaling tauhan ng ahensya ay hindi mapipigilan ang pagpasok ng illegal drugs at basura mula…

Read More

OFW PINAPAKAIN NG PANIS NG EMPLOYER, EASTERN OVERSEAS MANPOWER TINATAWAGAN NG PANSIN

AKO OFW

Dumulog sa Ako OFW ang ating kabayani na si Sheila Mae Castillo upang humingi ng tulong sa kanyang kasalukuyang dinaranas sa Saudi Arabia. Sa pamamagitan ng ating Ako OFW Welfare Volunteer na si Aisya Consulelo ay ipinarating n’ya ang kanyang kumpletong detalye kalakip ang mga larawan ng kanyang kalagayan. Nakakahabag na makita s’ya sa sitwasyon na mistula s’yang itinapon na lamang sa isang palikuran o ng kanilang laundry area, na kung saan ang kanyang tulugan ay katabi mismo ng mga washing machine na may sukat lamang na sapat para makahiga…

Read More

FREE RIDE SA MRT, PNR, LRT ‘WAG LAGYAN NG TAKDANG ORAS

POINT OF VIEW

Nitong June 27, 2019 inihayag ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade na lahat ng estudyante ay makakasakay nang libre sa lahat ng tren na pag-aari ng gobyerno epektibo sa Hulyo 1, bukas. Kabilang dito ang mga tren ng Philippine National Railways (PNR), Light Rail Transit Line 2 (LRT 2), Metro Rail Transit Line 3 (MRT 3). Hindi naman kasama ang LRT 1 dahil pribado ito. Magandang balita ito para sa mga mag-aaral sa Metro Manila dahil makakatipid sila sa kanilang baon o yaong para sa pamasahe sana ay maaari…

Read More

MGA KAWING-KAWING NA USAPIN SA EDUKASYON

Psychtalk

(IKATLONG BAHAGI) Nabanggit ko nang pahapyaw sa huling artikulo ang pagdanas ko ng bullying noong ako’y nasa elementarya. Malamang kung wala itong malalim na epekto sa aking pagkatao ay hindi ko na gaanong naalala o ‘di ko na binabanggit pa. Pero ang sarili kong karanasan mismo ang magpapatunay na bagamat ‘di siya pinapansin noong mga unang dekada (kaya’t matututo kang umigpaw mag-isa lalo na kung hindi naman seryosong isyu ito para sa mga mata ng matatanda). Sadya ko namang hindi ipinaalam sa mga magulang ko noon dahil ayoko na silang…

Read More

LABANAN SA SPEAKERSHIP

BAGWIS

LALONG gumanda ang bakbakan para sa speakership sa Kamara matapos magpahayag si Pangulong Digong na hindi na siya mag-eendorso ng taong mailuluklok bilang pangatlo sa pinakamakapangyarihang opisyal ng pamahalaan. Traditionally, ang speaker ay matatawag na “President’s choice.” Bagama’t nakasaad sa Saligang Batas na isang independent body ang Mababang Kapulungan at hindi ito nasasaklawan ng kapangyarihan ng pangulo, kontrolado naman nito ang distribusyon ng mga pondong nakalaan sa ating mga distrito. Kapag ‘di kakampi ng Ehekutibo, mamumuti muna ang mata ng isang kongresista bago ma-release ang tinatawag na Special Allotment Release…

Read More

CLASS SUIT AT KASONG ESTAFA, NAKAAMBA VS ATLANTICA REALTY CORP.

Misyon Aksyon

MISYON Aksyon, isa po ako sa subcontractor ng Atlantica Realty Development Corp. na pag-aari ng isang Dr. Francisco na matatagpuan sa Suite 205 2nd floor E&V Building 1039 Quirino Highway, Brgy. Sta Monica, Quezon City na may kontrata na pabahay sa Mapulang Lupa, Pandi, Bulacan. Halos tatlong taon akong?subcontractor sa kompanya ng Atlantica,?awtomatikong kinakaltasan kami ng retention na 10% sa aming weekly accomplishment report sa aming voucher na napakabigat sa aming mga kontratista. Hanggang ngayon ay hindi ibinibigay sa loob ng tatlong taon simula nang ako’y maging subcontractor. Sana matulungan…

Read More