MAGPASENSYAHAN MUNA

SA TOTOO LANG

Umaaray na nang husto ang mga tao sa ilang mga bayan sa Rizal dahil sa pipe laying na isinasagawa rito ng isang kompanya para umano rin sa ikagaganda ng kanilang serbisyo sa kanilang mga consumer. Sa tingin natin ay tama lamang na magkaroon ng pipe laying kung kinakailangan lalo na ang makikinabang din nito ay mga libu-libong mga tao sa lugar o mahigit sa 150,000 kabahayan at hindi na maaapektuhan ng kakulangan ng suplay ng tubig. Pero natural din na hindi maiiwasan na may mga mag­rereklamo rito kaya tama ring…

Read More

AGARANG AKSYON NG QC JUDGES SA DENGVAXIA CASE

EARLY WARNING

MABILIS ang naging sagot ng ilang Quezon City judges sa mosyon ng Public Attorney’s Office sa pangunguna ni PAO chief Persida Acosta na i-consolidate ang ilang civil suits laban sa French drug maker Sanofi Pharmaceutical Inc. at distributor Zuellig Pharma Corp. na isinampa ng mga kamag-anak ng ilang bata na namatay makaraang maturukan ng kontrobersyal na Dengvaxia vaccine. Isa lang ang naging tugon nina Branch 84 Judge Luisito Cortez, Branch 104 Judge Catherine Manondon, Branch 215 Judge Rafael Hipolito, Branch 100 Judge Editha Mina Aguba, Branch 220 Hose Paneda, at…

Read More

OWWA NAGKALOOB NG TULONG KAY OFW EMERLITA GONZALES

AKO OFW

Kahabag-habag ang naging itsura ng bangkay ni Emerlita Gonzales noong siya ay aking nakita habang inaayos pa sa punerarya ang kanyang mga labi. Magugunita na si Gonzales ay isa sa mga OFW na tumakas sa kanyang malupit na employer at tumakbo sa Bahay Kalinga sa konsulado ng Jeddah, Saudi Arabia at inatake sa puso na naging dahilan ng kanyang pagkamatay. Halos buong araw na inantay ng pamilya ang  pagtunaw ng yelo na bumalot sa buong katawan ni Gonzales na nasa morge sa Saudi Arabia simula pa noong Enero. Halos magkatabi-tabi­ngi…

Read More

PARI MGA TAO RIN LAMANG

FOR THE FLAG

Ilang mga pangalan ng pari ang lumabas na umano’y nakikipag-usap kay alyas ‘Bikoy’ na s’yang naglabas ng mapanirang video series na pinamagatang “Ang Totoong Narco-list.” Nais umano ng mga pari na nabanggit ni Bikoy na pabagsakin ang pamahalaan. Bukod diyan, ilang mga pari na rin ang napabalitang nang-abuso ng mananampalatayang Katoliko. Isang napakalaking eskandalo noong panahon ni Pope Benedict ang pagkakabulgar ng mga pang-aabuso ng founder mismong pari ng isang sekta sa loob ng Katolisismo, na maaaring naging totoong dahilan ng pagbibitaw ng nasabing papa. Normal na reaksyon po ‘yan.…

Read More

BASURA AT STREET PARKING ANG PROBLEMA SA MAYNILA

SIDEBAR

Kung mayroong isang isyu na naging sanhi ng pagkatalo ni President-Mayor Joseph Estrada sa Maynila sa kanyang hu­ling pagtakbo, ito ay ang problema sa basura na hindi niya nabigyan ng solusyon. Alam ito ni Mayor-elect Isko Moreno kung kaya ang problema sa basura ang pangunahing isyu na dinala niya sa kanyang kampanya. Kabilang sa solusyon ni Mayor Isko ang waste segregation. Ang ibig sabihin lang nito ay kailangang ihiwalay ng lalagyan ang mga nabubulok at ang mga puwedeng i-recycle gaya ng plastic, karton at mga papel. Dating basurero si Ma­yor…

Read More

BAKIT HINDI KASAMA ANG PARTY-LIST SA RANDOM MANUAL AUDIT?

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Para sa Bayan Muna, kabalintunaan ang hindi pagsama sa party-list sa isinagawang Random Manual Audit sa nagdaang eleksyong 2019. Ang Random Manual Audit o RMA ay proseso ng pagtitingin kung pareho ang basa ng resulta ng botohan ng mga makinang ginamit, sa pagkakataong ito ay ang mga Vote Counting Machines o VCMs, at sa basa na gamit ang mga mata ng mga tao. Ito ay isinasagawa upang tiyakin na tama ang bilang na ginawa ng mga makina. Kung may pagkakaiba sa bilang ng tao at ng makina, ito ay kailangang…

Read More

DATING MAKATI CITY MAYOR BINAY INALAT NA NAMAN

PRO HAC VICE

Ang tadhana nga naman kung magbiro ay talagang iindahin mo ano? Katulad na lamang ni dating Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay Jr. makaraang matalo ng kanyang kapatid na si Abegail Binay-Campos ay may panibagong dagok na namang dumating laban dito. Ito’y matapos namang katigan ng Court of Appeals ang naging desisyon ng Ombudsman na nagpapataw kay dating Mayor Binay na guilty sa kasong ‘serious dishonesty’, ‘grave misconduct’ and ‘conduct prejudicial to the best interest of the service’ kaugnay sa maanomalyang kontrata o pagtatayo ng Makati Science High School Building na…

Read More

POWER STRUGGLE SA SENADO

SIDEBAR

Kay Senator-elect Imee Marcos ng Nacionalista Party una nating narinig na may mga nagtutulak sa kapartido niyang si reelected Sen. Cynthia Villar na kunin ang Senate presidency at palitan si Senate President Tito Sotto ng Nationalist People’s Coalition (NPC). Sa isang panayam sa ANC unang binunyag ito ni Marcos at para makaiwas-pusoy dahil nga kapartido niya si Villar ay itinuro si Senator-elect Francis Tolentino ng Partido Demokratikong Pilipino- Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na siyang kapural sa pagtutulak kay Villar para maging tagapangulo ng Senado. Mauugat ang planong pagpapalit ng liderato…

Read More

AYAW SA BASTOS, EH BAKIT ANG IBANG OPISYAL?

TINGNAN NATIN

SUMOBRA ang banat ni Erwin Tulfo kay Dept. of Social Welfare & Development (DSWD) Sec. Rolando Bautista nang tumanggi itong magpa-interview sa kanyang teleradyo program. Tingnan Natin: hindi dapat dumaranas ng ganoong pang-aalipusta hindi lamang si Bautista kundi kahit na sinong tao, mayaman, mahirap, sibilyan o militar. Pero itong panghihimasok ng Association of Generals and Flag Officers (AGFO) sa isyu, tingin natin, ay wala sa lugar. Ang pambabastos ni Tulfo kay Bautista ay hindi laban sa Sandatahang Lakas, patungkol ito kay Bautista bilang miyembro ng gabinete ng pamahalaang sibilyan ni…

Read More