(Ikalawang bahagi) Kaugnay pa rin ng isyu ng Brigada Eskwela, nais kong ibahagi ang isang nakaka-inspire na kuwento ng isang gurong malapit sa akin. Ito ay kuwento ng isang pamangkin na kahit Psychology major siya ay mas pinili niyang maging guro sa Grade 6 sa isang public school sa probinsya. Narinig ko kasi na siya’y nagso-solicit sa pinsang kababata niya na ngayon ay isa nang abogada. Para raw sa iba’t ibang materyales upang mas maging buhay at interaktibo ang kanyang pagtuturo. Bahagi pa rin daw ito ng taunang Brigada Eskwela…
Read MoreCategory: OPINYON
SUHULAN SA SPEAKERSHIP, P2-M NA BAWAT KONGRESISTA
TILA yata nagpapataasan ng ihi ang dalawa sa mga tatakbo bilang House speaker kung ang napapabalitang suhulan at bilihan ng boto ang pag-uusapan. Mantakin mo naman, nagpapirma ng isang manifesto of support si Cong. 1 na mula sa Kabisayaan kapalit ng P500,000 bawat kongresista kahit walang commitment o gustong magpalit kung sino ang iboboto bilang speaker. Aba’y hindi naman nagpahuli si Cong. 2 na sinasabing malapit sa isa sa mga anak ng pangulo at agad na nag-alok ng mas tumataginting na P1-M bawat kongresista sa kondisyong siya ang iboboto at…
Read MoreIPAGBAWAL NA ANG SMARTMATIC SA ELEKSYON!
Kamakailan ay nagpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na dapat Smartmatic ang gamitin sa eleksyon sa 2022. Pinapatibay pa nito ang tindig ng Bayan Muna noon pa na dapat nang pagbawalan ang paglahok ng Smartmatic sa eleksyon sa Pilipinas dahil sa maanomalya, magastos, at hindi kapani-paniwalang mga halalan gamit ang mga makina nila. Kung ating aalalahanin, kinontrata ng Comelec ang Smartmatic-Total Information Management Corporation (Smartmatic-TIM) para mag-supply ng 23,000 optical mark reader (OMR) machines na ginamit noong eleksyon 2016. Noon pa lamang ay sinabi na ng Bayan Muna na…
Read MoreSMARTMATIC ANG TOTOONG COMELEC
Pinababasura na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang paggamit sa Smartmatic ngunit itong Commission on Elections (Comelec) pag-aaralan pa umano kung mayroong legal basis ang ibig ng pangulo. Hindi natin alam kung alam ba ng Comelec ang sitwasyon nila. Taga-imprenta na lamang sila ng balota. Printing press na lamang ang Comelec. Hindi ba nila nahahalata ‘yun? Smartmatic na ang tunay na Comelec dahil ito ang gumaganap na Comelec sa ating mga halalan. Smartmatic na ang bumibilang at nagsasabi kung sino ang mga nanalo sa halalan. Ano pa ang silbi ng…
Read MoreMODERNONG SISTEMA NG RAIL SA BANSA, TAYO’Y MANIWALA AT MAGTIWALA
Unti-unti nang naisasakatuparan ng kasalukuyang administrasyon ang kanilang pangakong solusyon sa problema sa transportasyon ng ating bansa. Ayon sa mga balita, tuluy-tuloy din ang pag-andar ng iba pang imprastrakturang pang-transportasyon gaya ng NLEX-SLEX Connector Road at ng Manila Harbour Link. Ayon sa Japan International Cooperation Agency (JICA), kung walang gagawing aksyon ang gobyerno, tinatayang aabot sa P6 bilyon kada araw ang gastos ng bansa sa transportasyon pagdating ng taong 2030. Ang mga manggagawang Filipino na kumikita ng minimum wage ang pinakatatamaan kung ang pagsikip ng mga daan sa Metro Manila…
Read MoreMGA NAGTATANIM NG BUKO HINDI NA MABUBUKULAN SA AMERIKA
Ayon sa dating Pangalawang Kalihim ng pagsasaka noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na si Ernesto Ordoñez, lumaki na raw nang todo ang pagkalugi ng mga magsasaka ng niyog dahil daw sumobra na ang bagsak ng presyo nito dahil sa pagbagsak ng presyo ng mantikang galing sa niyog sa pandaigdigang merkado. Halos 95 porsyento kasi ng mga itinatanim na niyog sa ating bansa eh ginagawang mantika na ibinebenta sa Pilipinas at sa ibang bansa. Ang Pilipinas daw ang may pinakamalaking produksyon ng niyog para sa paggawa ng mantika, ayon…
Read MoreBRIGADA ESKWELA
(Unang bahagi) Galing ako sa pamilya ng mga guro. Ilang mga tita, mga kapatid, mga pamangkin, at mga asawa nila ay pawang mga edukador. Kaya’t bata pa ako ay may muwang na ako sa mga gawain ng mga guro. Bagamat ‘di naman ako nag-major ng Education, dahil Psychology ang naging kurso ko mula undergrad hanggang graduate school, nauwi rin ako sa larangan ng edukasyon pagkatapos ng mga gawain sa NGO (non-governmental organization) sector. ‘Yun nga lang, mas pinili kong maglingkod sa kolehiyo at unibersidad, taliwas sa maraming kapamilyang pinili sa…
Read MoreBANGKAY NI EMERLITA GONZALES, NAIUWI NA SA PILIPINAS
Bukas ay ang aking unang pagdalaw at pagdalo sa tangapan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa regular na flag raising ceremony sa imbitasyon ni OWWA Adminsitrator Hans Cacdac. Sa aking unang pakikipagpulong kay Administrator Cacdac ay kasama ko ang anak ni Emerlita Gonzales, ang OFW na namatay dahil sa atake sa puso sa loob mismo ng Bahay Kalinga. Matatandaan na noong nakaraang artikulo ng Ako OFW ay nanawagan ako sa mga kinauukulan upang mabigyan ng pansin at aksyon ang madaliang pagpapauwi ng bangkay ni Emerlita na halos dalawang…
Read MoreILLEGAL DRUGS SA BANSA DUMARAGSA
Bakit sa kabila ng mahigpit na kampanya ng ating gobyerno sa illegal drugs, hindi pa rin ito na nasusugpo o nababawasan man lang at parang lumalala pa ang problemang ito? Ang anti-drug campaign ay isa sa mga flagship program ng kasalukuyang administrasyon kung saan ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte noong umupo siya na kanyang tatapusin ang problemang ito sa loob lamang ng anim na buwan. Subalit nabigo siya at humingi ng extension matapos nitong matuklasan na ang problema ng droga sa buong bansa ay mas malala pala kaysa sa kanyang…
Read More