Sa ordinaryong mga pagkakataon, ang kandidato na hindi nanalo sa eleksyon ay dapat tanggapin ang resulta ng botohan at tumanggap ng pagkatalo. Ngunit, hindi ordinaryo ang nangyaring halalan 2019. Bago pa man ang kampanya, nakita natin na nangangampanya at gumagastos na ng milyones ang ilang kandidato sa mga TV at radio advertisements. At sa loob ng 90-araw na kampanya, sobra-sobra ang naging gastos ng mga kandidato sa pinapayagan na campaign spending, kasama na ang patalastas sa TV at radyo. Nakita natin kung paano ginamit ang pera at resources ng gobyerno…
Read MoreCategory: OPINYON
AYUDA PARA SA MGA FILIPINONG INA
(Unang bahagi) Sa pagnanais ng Pilipinas na iangat pa rin ang kalagayan ng mga ina, lalo na ‘yung mga nasa laylayan, iba’t ibang batas na rin ang naipasa at pinaplanong ipasa sa Kongreso. Sa aking pagmamasid at pagtatanong sa mga kakilalang nanay at ilang komunidad sa probinsya, tila kulang ang kaalaman pa rin ng ilang nanay sa mga ito. Una sigurong dapat ipabatid sa mga Filipinong nanay ang tungkol sa batas na nagnanais ayudahan ang mga sa kanila’y nag-iisang nagtataguyod ng pamilya. Para sa kaalaman ng mga itinuturing na single…
Read MorePAGBABAGONG-BIHIS NA INAASAM-ASAM
Nakakatuwang marinig na sa pagkapanalo ni Francisco “Isko Moreno” Domagoso bilang bagong alkalde ng Maynila ay nagkaroon ng pag-asa ang mga Manileño. Hindi kasi maitatanggi ang mga hindi kanais-nais na nararanasan ng mga lokal sa naturang lungsod na ang iba sa pangunahin nilang problema ay ang mga basura, lagay ng trapiko at pagbaha. Sa isang panayam sa bagong halal na alkalde ay tinatarget nito na sasailalim sa pagiging “bagong-bihis” ang Maynila. Kasama sa pagbabagong ito ay ang buhayin ang Arroceros Park. Aniya ay sisikapin niya at ng kanyang pamunuan na…
Read MorePAGBABAGO, SIGAW NG MGA FILIPINO
Hindi pa man opisyal na naidedeklara ang pagtatapos ng bilangan para sa katatapos lamang na botohan, malinaw na agad na ang sigaw pa rin at hangad ng mga Filipino ay pagbabago. Bunsod nito, maraming maituturing na “plot twist” sa resulta ng eleksyon sa ilang mga lugar sa bansa. Maraming political dynasty ang nagwakas. Maraming bagong personalidad ang nabigyan ng pagkakataong patunayan ang kanilang sarili sa larangan ng politika. Natapos na ang 50 taong pamumuno ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada bunsod ng pagkatalo n’ya kay Isko Domagoso Moreno na isa…
Read MoreESTRATEHIYANG PAMBANSA
(Unang bahagi) Kahit sino pa ‘yang mga naiupo natin ngayong nakaraang halalan, ipangalandakan nating mga mamamayan ang isang national strategy for survival. Kinakailangang sumabak na ang bansa sa manufacturing, technology at industrialized assembly production. Aminin na nating hindi sapat ang pag-export lamang ng mga raw materials at agricultural products na humahantong lamang sa taunang trade deficit. Ang mga malalaking kompanyang naglo-locate sa Pilipinas ay i-require ng tech transfer bago payagan dito. Ibaba nang husto ang percentage ng cash reserves ng mga bangko sa bansa, upang may maipahiram na kapital sa…
Read MoreMGA TAUHAN NG EMBAHADA SA KUWAIT, SIPAIN NA
Deployment ban nga ba ang solusyon para matigil na ang pang-aabuso sa mga HSW? Sa aking pananaw ay hindi lamang ito ang dapat na maging aksyon ng ating gobyerno. Sapagkat, naniniwala ako na ang korapsyon sa loob ng embhada ng Kuwait ay isa sa dahilan sa pagwawalang bahala at pang-aabuso ng mga Arabo sa dangal at dignidad ng ating kaawa-awang mga Household Service Workers. Subukin po ninyong magtanong sa ilang mga Kuwaiti kung bakit patuloy pa rin ang pang-aabuso at pagmamaltrato sa mga kasambahay at magugulat kayo sa kanilang mga…
Read MoreDAPAT MAY MAKULONG AT MAPARUSAHAN SA VOTE BUYING
Natapos nang mapayapa at matagumpay sa pangkalahatan ang ginanap na midterm elections nitong Mayo 13, sa buong bansa, sa kabila, na inamin ng Commission on Elections (Comelec) na may kaunting kaguluhan at aberya ang katatapos na halalan. Katulad nang inaasahan, hindi pa rin nawala ang problema gaya ng pag-malfunction ng mga vote counting machines (961) at SD cards (1,665), problema sa transmission ng election returns (ER), at ilang kaguluhan, subalit, malaki pa rin ang ating pasasalamat sa Panginoon at sa mga awtoridad dahil hindi naging madugo ang eleksyon ngayon. Binabati…
Read MoreHAMON SA KALUSUGAN NG MGA INANG FILIPINO
Isa sa usaping hindi gaanong nabibigyan ng pansin ay ang kalusugan ng mga inang Pilipino, lalo na yung mga nasa mahihirap na komunidad. Hindi prayoridad ang kalusugan sa mga mahihirap na pamilya dahil nakatuon ang pagkita ng pera para sa pagpupuno ng mga batayang pangangailangan gaya ng pagkain at tirahan. Sa mga pamilyang maswerteng nakakapagbigay atensiyon sa kalusugan, una siyempre rito ang kapakanan ng mga anak o ama, at balewala na ang sa ina. Sa nakalipas na ilang taon, nakita ang pagtaas ng maternal mortality sa bansa. Umpisahan sa mga…
Read MoreRAPIST NA ADIK GUMAGALA SA TOWER VILLE; COLOR GAME SA WEST POINT
MISYON Aksyon, pakikalampag naman po ang kapulisan ng San Jose Del Monte, Bulacan sa Tower Ville 6-B ng Brgy. Gaya-gaya dahil sa gumagalang adik na rapist na muntik nang mabiktima ang walong taong gulang na batang babae na bumili lamang ng kendi sa kapitbahay. Hinawakan niya ang bata, sinakal at tinakpan ang bibig bago dinala sa isang bakanteng lote. Nangyari ang insidente noong May 15, 2019, nang makita ng isa nilang kapitbahay na nagkataong bumili rin sa tindahan kung kaya’t naalarma ang naturang rapist. Mantakin mo nadala na sa bakanteng lote ang bata…
Read More