Dumagsa ang libu-libong manggagawa sa mainit na lansangan sa Maynila at sa mga sentrong lungsod sa mga probinsya noong Mayo uno, bitbit ang mga isyu na nagpapahirap sa mga manggagawang Filipino sa kasalukuyan: mababang sahod, mataas na presyo ng bilihin, kontraktwalisasyon, pagbuwag ng mga unyon, hindi ligtas na mga pagawaan at opisina, at iba pa. Hindi sapat—at sa katunayan ay nakaiinsulto—ang baryang panukalang umento sa sahod na ibinabato ng Malacañang at ng mga regional wage boards. Hindi nito pahuhupain ang matinding galit ng mga manggagawang Filipino na isinasadlak sa kaalipinan…
Read MoreCategory: OPINYON
140 PORSYENTONG DAGDAG SA MINIMUM WAGE
Nitong nakaraang Lunes, o dalawang araw bago ang selebrasyon ng Araw ng Paggawa, naghain ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ng petisyon sa National Capital Region (NCR) wage board na humihingi ng karagdagang P710 sa minimum na arawang sahod na nagkakahalaga ng P537. Ito na marahil ang pinakamalaking dagdag-sahod na hiniling ng TUCP at maski ng ibang grupong obrero. Ibig sabihin ay magiging P1,247 ang daily minimum wage ng mga ordinaryong empleyado sakaling aprubahan ng NCR wage board ang panukala ng TUCP na itinuturing na pinakamalaking grupo ng…
Read MoreNATARANTA ANG POLO KUWAIT; SHASO INTERNATIONAL MANPOWER TINATAWAGAN NG PANSIN
Tila nataranta ang ilang opisyales ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa aking naisulat na artikulo ukol sa paglalasingan ng ilang opisyal sa loob mismo ng kanilang opisina. Ilang tawag sa telepono ang aking natanggap na karamihan ay mga secretary at may-ari ng ahensya sa Pilipinas at sa Kuwait. Ilan sa kanila ay nagpapapadrino sa ilang opisyal at ang ilan ay nagpapatunay na alam nila ang nangyaring ito. Nagkita kami ni Department of Labor and Employment Undersecretary Claro Arrelano ng International Labor Affairs Bureau (ILAB) at napag-usapan namin ang sitwasyon…
Read MoreBALIK-KALIKASAN
Alam nating ‘di na maibabalik ang itsura ng mundo sa panahong marami pa tayong inaakyat na mga puno ‘pag bakasyon. Na ang ating meryenda ay pinitas na kaimito, chico, aratiles, duhat, siniguelas, bayabas, at iba pa sa ating bakuran. Na hindi swimming pool kundi mga batis o ilog ang palamigan kapag tag-init. Ngunit marami pa ring paraan para maipakilala at mailapit ang kalikasan sa mga batang henerasyon upang mas pahalagahan pa rin nila ito. Bagama’t maigi sana kung magawa, pero hindi natatapos sa pag-akyat ng bundok o hiking sa gubat…
Read MoreNASUSUNOD BA ANG ATING BUILDING CODE?
Nitong mga nakalipas na araw ay niyanig ng lindol ang iba’t ibang bahagi ng bansa. Dahil dito ay muli na namang lumabas ang isyu tungkol sa mga ipinapatupad na mga safety standards sa mga gusali. Kung ating titingnang mabuti ang ating umiiral na National Building Code of the Philippines, isa sa mga requirements sa pagpapatayo ng isang mataas na gusali ang pagkakaroon ng seismic recording and instrumentation machine. Sa pamamagitan ng makinang ito ay agarang magbibigay ito ng alarma kapag may naramdaman iyong pag-uga ng lupa depende sa lakas nito.…
Read MoreMGA DOKTOR NA ILEGAL
Dagsa ang pagdating ng mga banyagang doktor sa Pilipinas ngayon na inirereklamo at nakarating sa kaalaman ni Senador Richard Gordon. Kung ang talagang intensyon ay makatulong sa mga maysakit, dapat ay maging malinis ang kanilang serbisyo dahil naturingang mga doktor pa naman sila at dapat nga ay mas maayos ang galaw nila dahil wala sila sa kanilang mga sariling bansa. Ang isyu kasi ay dahil sa marami ang nakikitang Nepalese at Pakistani sa isang lokal na lugar ay kuwestiyonable ang mga ito kung may permiso ba silang legal na manatili…
Read MoreMUNDO MAY IMPEKSYON
May impeksyon ang sangkamunduhan na kumikitil sa mabuti at maganda. Ito ay terorismo. Ang terorismo ay bunga ng pagmamahal ng tao sa kapangyarihan upang makapangyari at ito ay sumusunod sa kumpas ng pagkagumon. Kung hindi uso ang kapangyarihan, walang terorismo. Kung hindi uso ang kayamanan, walang maghahangad ng kapangyarihan. Ang nangyari sa Sri Lanka ay kahayagan ng impeksyon sa ating sibilisasyon, marami ang kikitil ng buhay ng mga inosente dahil sa binaluktot na paniniwala. Nagtatago ang pagkagumon sa kapangyarihan sa likod ng serbisyo publiko at relihiyon. Nakatago ang pagkagumon sa…
Read MoreSIMBAHAN, PETROLYO AT SUWELDO
Sino bang dapat sisihin sa nangyaring bangayan sa loob ng simbahan sa Makati City, ang mga Binay o ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting? Bakit pinahintulutan nilang maging arena ang simbahan ng Katoliko? Catholic Bishop Conference of the Philippines anong say n’yo? Nganga? oOo Sa patuloy namang pagtaas ng presyo ng petrolyo sa bansa sino nga ba ang dapat managot, ang gobyerno o ang mga mapagsamantalang mga negosyante? Kailangan pa ba na si Pangulong Rodrigo Duterte pa rin uli ang magmando upang maisaayos ang tila wala nang katapusang pagsirit…
Read MoreTB DAPAT SOLUSYUNAN NG PAMAHALAAN
Nakakagulat at nakakalungkot ang balitang pasok ang Pilipinas sa Top 8 ng mga bansang laganap ang sakit na tuberculosis o TB sa buong mundo. Ito ay nasa talaan ng World Health Organization na nakita sa taong 2017 – nahahanay tayo sa mahihirap na mga bansa ring tulad ng South Africa. Sa pag-aaral, sa 100,000 katao ay may 500 sa mga ito ang may tuberculosis. At sa pagtataya lamang, sa 500 na ito ay kalahati lamang sa mga ito ang nagagamot. Eh ano ba ang populasyon ng Pilipinas ngayon? Ibig sabihin…
Read More