Naging mas malakas noong 2018 ang mga negosyo at kabuhayan sa mga rehiyon ng Pilipinas sa pangunguna ng Bicolandia na nagtala ng pinakamalaking antas ng paglaki ng ekonomiya nito. Pero ang National Capital Region o Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon pa rin ang may pinakamalaking kontribusyon sa buong ekonomiya ng ating bansa dahil halos kalahati ng kita ng buong bansa ay nanggaling sa tatlong rehiyon na ito nu’ng isang taon. Sa pinakahuling balita ng Philippine Statistics Authority (PSA), naging lider ang Bicolandia kung tutuusin ang 8.9 porsyento na paglaki…
Read MoreCategory: OPINYON
SALAULA TAYONG MGA PINOY
(HULING BAHAGI) Nitong nakaraang kolum natin ay ikinuwento natin ang kawalan ng disiplina ng ilan sa ating mga kababayan sa bayan ng Sagada. Ito ‘yung mga naninigarilyo kahit sa pampublikong lugar at mga nagtatapon ng basura kung saan-saan sa halip na ilagay ito sa tamang lagayan. Ganitung-ganito rin ang ating obserbasyon sa isla naman ng Bantayan sa lalawigan ng Cebu. Pasimuno ang ating mga kababayan sa pagiging salaula. Ang nakakalungkot ay napakaganda nitong Bantayan. Pino at maputi ang mga dalampasigan at napakarami ang maaaring pasyalan maliban pa sa mga inaalok…
Read MoreGIYERA SA BASURA NG CANADA
Mga taong 2013 at 2014 bumaha sa bansa ang mga container na naglalaman ng mga basura na galing sa Canada. “Recyclable scrap plastics” ang deklarasyon ng mga importer ng basura sa bill of lading na siyang isinusumite sa Bureau of Customs para sa kaukulang buwis kung mayroon man. Umabot sa 103 shipping containers na naglalaman ng basura mula sa Canada ang nakarating sa Pilipinas sa pamamagitan ng Port of Subic at Port sa Manila at hanggang ngayon ay nakasalansan ang mga shipping containers habang naghihintay na maibalik sa bansang Canada.…
Read MoreHUSTISYA PARA KAY COUNCILOR TOTO PATIGAS SR.!
Abot-langit ang aming poot at pighati sa walang-awang pagpaslang kay Bernardino “Tay Toto” Patigas Sr., incumbent city councilor ng Escalante City, Negros Occidental. Siya ay walang-awang pinagbabaril habang siya ay lulan ng motorsiklo noong Lunes, ika-22 ng Abril. Siya ay 72 taong gulang. Hindi lamang ordinaryong public servant si Tay Toto. Siya ay survivor ng Escalante Massacre noong 1985, ito ang pamamaril sa kilos-protestang isinagawa sa ika-13 taon ng Martial Law. Nasa 20 katao ang namatay sa insidente. Binigay ni Tay Toto ang kanyang buong buhay at lakas sa paglilingkod…
Read MoreMAHIGIT P60-M UTANG SA SBMA
KAHIT manipis ang laman, hindi malinaw ang source, at hindi beripikado, pinasabog ng Malacañang sa pamamagitan ng Manila Times ang “Matrix” na anila’y bahagi ng “Oust-Duterte Plot.” Tingnan Natin: ang Manila Times ay pag-aari ni Dante Ang na umano’y PR Man ng Malacañang kaya “suspect” ang laman. Huwag na natin kantiin ang ibang aspeto ng “Matrix” ni Pangulong Duterte at spokesman Salvador Panelo, isa lang muna ang gusto nating iklaro. Pinasasara ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang Manila Times College, eskuwelahang negosyo ni Ang sa Subic Freeport, na umookupa…
Read MorePAANO NATIN AAMUIN ANG INANG KALIKASAN?
(Unang Bahagi) Ayon sa mga pag-aaral, medyo mahirap pero ‘di pa naman huli para amuin o patahanin natin ang nag-aalburutong Inang Kalikasan. Kung hindi lang sarili natin ang ating iisipin at pagtutuunan natin ang kapakanan ng mga darating na henerasyon, makikita natin na kailangang may dapat gawin. At may magagawa pa. Mahirap sa umpisa, baka suntok sa hangin din sa tingin ng iba. Puwede rin namang sakyan na lang ang pananaw ng ilan—wala nang magagawa kundi adaptation na lang. Narinig ko ito mula sa mga naniniwalang irreversible na ang mga…
Read MoreSALAULA TAYONG MGA PINOY (PART 1)
Nitong nakaraan na holiday ay nagkaroon tayo ng pagkakataon na makapamasyal sa mga sikat na pasyalan sa ating bansa. Pinuntahan natin ang napakagandang bayan ng Banaue at ang mabundok na bayan ng Sagada. Nakapunta rin tayo sa isla ng Bantayan na halos wala nang matuluyang hotel dahil sa dagsa ng mga namamasyal na mga turista. Sa ating ginawang paglalakbay, dito ko napagtanto na napakarami pa rin talaga sa ating mga kababayan ang salaula at sadyang walang modo. Ang mas masaklap ay mukha namang may mga pinag-aralan ang mga ito at…
Read MoreOFW BUGBOG SARADO SA EMPLOYER AT TINATAKOT PA NG TAUHAN NG AHENSYA
Dahil sa tatlong parte ng aking expose sa anomalya sa ating embahada sa Kuwait, ay nabinbin ang mga kaso o sumbong na inilapit sa atin. Kung kaya, imbes na ang usapin sa anomalya sa Special Power of Attorney ang ating tatalakayin, ay bibigyan muna natin ng puwang ang inyong mga sumbong. Ngunit bago natin simulan ang mga panawagan ay ibig ko po na magpasalamat kay Welfare Officers Yolanda Peñaranda na nakipag-ugnayan sa ating masisipag na Welfare Officers sa Riyadh Saudi Arabia sa kanilang mabilis na pag-asikaso sa ating apat na…
Read MoreANG TAKOT SA DIYOS
Nakapanlulumo ang naganap sa Sri Lanka. Higit 300 namatay dahil sa maling paniniwala ng iilan. May solusyong panlaban sa ideyolohiyang pilit ipinapalaganap ng mga terorista: ang takot sa Diyos. Ang isang bansang walang takot sa Diyos ay nahaharap sa kapanglawan. Anumang talino ay hindi matatawag na katalinuhan bagkus ay pawang kapalaluan lamang kung hindi nag-uugat sa takot sa Diyos. Lubhang napakahalagang pag-aralan ang takot sa Diyos dahil dito umuusbong ang totoong katalinuhan at kaalaman. Napakaraming batas ng Pilipinas at patuloy na lumilikha pa tayo ng napakarami pang batas ngunit paulit-ulit…
Read More