(Unang bahagi) Sa mas naunang artikulo, bahagyang nabanggit ang pagkakaroon ng sinasabing paralelismo ng kalikasan at kababaihan. Tandaan na ang salitang kalikasan o Inang Kalikasan ay madalas ding gamitin bilang alternatibong katawagan sa ating mundo o planeta Pinapalagay na maraming katangian ang kalikasan na kawangis ng sa babae kaya’t binigyan ito ng katawagang nabanggit. Sa sinapupunan ng babae literal na nabubuo ang buhay. Sa kandungan at kandili niya lalong umuusbong habang inaalagaan ng pagmamahal ang buhay. Sa kalinga at paglingap ng isang babae lumalakas at namumunga ang mga puwersang tagapagtaguyod…
Read MoreCategory: OPINYON
HINDI KASALANAN NG MGA AMERIKANO
NAGLIPANA ngayon ang mga Amerikano sa Subic Bay Freeport (maling sabi ng marami SBMA) dala ng Balikatan, ang magkasanib na military exercises ng Sandahang Lakas ng Pilipinas at Estados Unidos. Dito kasi sa Subic ang daungan ng mga barkong pandigma ng Amerika na may mga fighter jets at iba pang gamit militar para sa pagsasanay. Maraming implikasyon ang Balikatan, mula seguridad, kapwa local at international, pang-ekonomiya, hanggang moralidad. Tingnan natin: nahahasa ang kaalaman at kakayahan ng ating mga sundalo at nalalantad pa sa mga gamit ng mga Amerikano kahit na…
Read MoreKAILAN PA KAYA MAAAPRUBAHAN ANG 2019 NATIONAL BUDGET?
Kalagitnaan na ng Abril subalit wala pa ring katiyakan ang sambayanang Filipino kung kailan mapagtitibay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P3.757 trilyon national budget bill para sa taong 2019 at kasabay nito’y apektado rin ang kabuuang operasyon ng gobyerno. Nitong Huwebes, nabuhayan na ng loob ang mga mamamayan partikular ang mga opisyal ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno nang inihayag ng Malacañang na inaasahang lalagdaan na ng Pangulo ang panukalang budget sa darating na April 15, araw ng Lunes. Subalit, nitong Biyernes, sinabi ni Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Salvador…
Read MoreMAYOR BALDO NANAWAGAN KAY DIGONG
Nanawagan kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Daraga Albay Mayor Carlowyn Baldo ng tulong makaraang makatanggap ng mga seryosong banta sa kanyang buhay kaugnay ng diumano’y pagkakasangkot nito sa pagpatay kay Ako-Bikol Congressman Rodel Batocabe. Nagpanukala ang alkalde ng Daraga Albay na rito na lamang sa Maynila isagawa ang paglilitis at hindi sa Legazpi bunga diumano ng mga seryosong bantang ito sa kanyang buhay at sa kanyang pamilya. Mas malaki aniya ang tsansa na makamit ng mayor ang hustisya kung isasagawa sa Maynila ang paglilitis upang tuluyang mabatid ng taumbayan…
Read MoreMALIBAN SA SURVEY, MAGSARILING PAGSALIKSIK DIN
Sa nalalapit na May 13 midterm elections ano nga bang klaseng paghahanda mayroon ang mga Filipino para rito? May mga listahan na ba tayo sa mga dapat na iupong mga kandidato para maglingkod sa bayan at sa mamamayan? Ilang araw na lamang ang ating bibilangin para tayo ay makaboto, kaya dapat ay maging handa tayo bago ang mismong halalan. Panay-panay na ngayon ang mga ulat tungkol sa mga survey kung sino ang mga nangungunang mga kandidato sa pagkasenador. At ayon sa mga pag-aaral ng mga political analysts ang survey ay…
Read MoreISYU SA PAG-IISYU NG VISA
Kapansin-pansin na talaga ngayon ang pagdami ng mga Mainland Chinese sa ating bansa. Kapag napadpad ka sa Parañaque, tiyak na makakasalamuha mo ang napakaraming mga Chinese. Maging sa mga office buildings lalung-lalo na sa bandang Macapagal Avenue ay sangkaterba ang mga Chinese. Halos okupado rin ng mga Chinese ang mga condominium sa gawing ito ng Metro Manila at tila nasa bansang China ka na kapag nagagawi ka rito. Sa totoo lang, wala naman sanang isyu rito at bagkus ay dapat nga tayong magpasalamat dahil dinarayo tayo ng mga dayuhan. Ibig…
Read MoreREPLEVIN, ISASAMPA SA PINAGTIWALAAN SA LUPA
Sagot kay Ginang Vic Munoz Muit sa nakaraang kolum na “Lupa na pinamana nawalang parang bula” noong April 6, sa Misyon Aksyon sa Saksi’. Nagsadya po ang Misyon Aksyon team para alamin sa bayan ng Ragay ang kalagayan ng kanilang lupang nabili sa kaniyang lola na si Claudia Ibasco. Una ay sinadya po natin ang tanggapan ng Municipal Assessor ng Ragay Camarines Sur para kumuha kung mayroon ngang pag-aari si Ibasco kaya kumuha tayo ng Certificate of Total Aggregate Land Holdings. Agad tayong gumawa ng sulat na mabigyan ng ating…
Read MoreTATAAS NA NAMAN ANG SINGIL SA KURYENTE!
Nagbabadya na naman ang mas mataas na singil sa kuryente ngayong buwan dahil sa tinatawag nilang “Yellow Alert” na anim na ulit nang idineklara sa loob lamang ng buwan ng Abril. Dapat talagang maging listo ang mga consumer tuwing naglalabas ng babalang Yellow Alert ang Meralco dahil sa kadalasan ay hudyat ito na itataas ang singil ng kuryente dahil umano sa pagbaba ng supply. Ang ginagawa ng ibang mga power players ay iuulat na sabay-sabay nasisira ang mga planta ng kuryente para sa pagtataas nila ng presyo. Noong 2013, naghain…
Read MoreESTRATEHIKONG PROGRAMA SA MGA ATLETANG PINOY
Pilipinas ang host country ng 30th Southeast Asian Games na magaganap sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa may 39 na game venue sa Subic Freeport, New Clark City, Tagaytay at Metro Manila. Huling nag-host ng SEA Games ang Pilipinas noong 2005 at sa 2019 SEAG ay 56 na sports at 523 events kung saan inaasahang hahakot ng mga medalyang ginto ang mga atletang Filipino para muling makuha ang pagiging Top 3 sa medal tally. Philippine Sports Commission ang pangunahing ahensya ng pamahalaan na nag-aalaga sa mga manlalarong Filipino at…
Read More