Matapos mapondohan ng higit sa P1 bilyon ang Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority (APECO), mukhang mauuwi lamang ang lahat sa wala dahil tiwangwang pa rin ang 12,923 ektaryang property na ito sa lalawigan ng Aurora. Mukhang napagkakitaan lamang nang husto ng iilan. Ito ay pinlanong gawing freeport ng nasirang Sen. Ed Angara, siya pa nga ang umakda ng Republic Act 10083, ang batas na siyang lumikha rito. May mga nagmensahe sa ating mga ka-bandila na hindi malayong 40% ng nasabing public funds na ipinasok sa APECO ay swak…
Read MoreCategory: OPINYON
NATIONAL ID SYSTEM
Sa darating na Setyembre magsisimula ang aktwal na implementasyon ng Republic Act No. 11055 na mas kilala sa tawag na Philippine Identification System Act o ang National ID System na mahigpit na tinututulan noon ng mga makakaliwang grupo. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), may inisyal na 6 milyong Filipino ang target ng PSA na makapagrehistro at mabigyan ng national ID sa mga unang buwan ng implementasyon ng R.A. 11055. Target naman ng PSA na bago matapos ang 2022 ay maiisyuhan na ng national ID ang may 100 milyong Filipino…
Read MoreWALANG TUBIG!
Nakakainit talaga ng ulo ang pagkawala ng tubig sa NCR at ilang bahagi ng Rizal at Cavite. Ang init na nga ng panahon, nawawalan pa ng tubig! Ang libu-libong kabahayan na nawalan ng tubig nitong nakaraang linggo ay ang mga sineserbisyuhan ng malalaking water concessionaires na Manila Water at Maynilad. Dalawang araw o higit pa na walang tubig, ang malala pa, sa ibang lugar ay walang abiso. Hindi tuloy nakapaghanda ni panligo o pang-inom ang ilan nating kababayan. Ngunit bakit nga ba nawalan ng tubig? Taun-taon naman ang tag-init sa…
Read MorePRANGKISA NG MANILA WATER BAWIIN
Dati-rati ay naiinis ako dahil sa mga ginagawang paghuhukay ng Maynilad sa aming lugar. Sa katunayan, isang kanto mula sa amin ay mga ginagawang “systems upgrade” ng Maynilad na nagiging sanhi ngayon ng traffic sa aming lugar. Ngunit nitong mga nagdaang araw ay napagtanto natin na tama ang ginagawa ng Maynilad. Hindi na nito hinintay na magkaroon ng krisis sa tubig ang aming lugar bago pa ito kumilos upang isaayos ang mga linya ng tubig at maglagay ng mga imbakan. Ito ang naging problema ng Manila Water. Inuna nitong inintindi…
Read MoreMULA LOBO, BATANGAS PATUNGO SA MALACAÑANG PARA TUMULONG SA ISANG OFW
Mula sa bayan ng Lobo, Batangas lulan ng kanyang tricyle ay personal na dumulog sa aking tahanan sa Sta. Rosa, Laguna ang ating AKOOFW National President na si Junn Felix Landicho upang idulog ang sinapit ng isa niyang kapitbahay na isang OFW sa Riyadh. Personal na nakiusap si Konsehal Junn Felix Landicho na aking mailapit sa Presidential Action Center sa Malacañang ang kaso ni H. C. Ramirez na kasalukuyang nakapiit sa Hair Jail sa Riyadh. Ayon sa kanyang salaysay sa akin ay nag-abroad si Ramirez sa tulong ng Dominion Overseas…
Read MoreANG KABABAIHANG FILIPINO AT USAPIN NG MIGRASYON
(UNANG BAHAGI) Mula noong kalagitnaan ng ika-20 siglo, namayagpag ang Pilipinas sa pag-i-import ng lakas-paggawa sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Unti-unti mula noon, nakita ang tuluy-tuloy na pag-angat ng kita ng pamahalaan mula sa sahod na ipinapadala ng mga manggagawa at propesyonal na nasa ibang bansa, habang bumaba ang kontribusyon sa Gross Domestic Product ng iba’t ibang industriyang lokal. At ngayon nga, isa nang malakas na pwersa ang sektor ng mga tinatawag nating bagong bayani, ang mga overseas Filipino workers (OFW). Isang napansing trend sa migrasyon ng lakas-paggawa ay…
Read MorePRAYORIDAD HINDI DISKRIMINASYON
Isang kabandila natin ang sumulat sa inyong lingkod upang ipaalam ang sitwasyon ng mga people with disability at mga senior citizen sa ating mga drugstore. Ayon sa kanya, bagama’t nakakakuha sila ng discount sa kanilang mga gamot na binibili sa mga drugstore, may mali umano sa klase ng pag-estima sa kanila. Ang inaakala nating express lane sa mga drugstore na naka-dedicate sa mga senior citizen at PWD ay nagmimistulang discrimination lane pala, ayon sa ating message sender. Sa nasabing lane ay isa-isa ang pag-estima ng mga drugstore attendant sa kanila…
Read MoreBOC CHIEF DIR. GEN. FAELDON SINUSUNDAN NG MALAS SA ILEGAL NA DROGA
Talaga bang sinusundan ng anino ng kamalasan ng ilegal na droga si dating Bureau of Customs at ngayo’y Director General ng Bureau of Correction Nicanor Faeldon? Mantakin n’yo naman nang dahil sa ilegal na droga ay nabahiran ang integridad ni Faeldon ng pamunuan nito ang Bureau of Customs (BOC) makaraang mapalusutan diumano ng kilu-kilong shabu na nahabol lamang nila sa isang bodega sa Valenzuela City. Maging ang anak nito na si Nicanor Faeldon Jr. ay minalas din makaraang makasama sa mga naaresto sa isang bahay na pinaniniwalaang drug den sa…
Read MoreKORAPSYON ANG SAKIT NG FILIPINO
Ibinalita ng Malacañang noong nakaraang Lunes na sinibak na sa puwesto si Gen. Alexander Balutan bilang general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil sa alegasyon ng malubhang korapsyon. Bagaman at hindi binanggit ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kung ano ang korapsyon na nangyari sa PCSO sa ilalim umano ni Balutan, may mga espekulasyon na ito ay tungkol sa ibinabayad na franchise fee ng mga operator ng Small Town Lottery o STL sa PCSO. Ayon sa mga lumabas sa Facebook, lalo na sa account ng aking kaibigan na si…
Read More