MALINAW NA INSULTO

SA TOTOO LANG

Tila walang naasahang suporta ang mamamayang Filipino mula kay Philippine Special Envoy to China Ramon Tulfo nang sabihin nitong tamad at mabagal ang ating construction workers. Ipinagtanggol kasi ni Tulfo na kaya mas maraming kumukuha sa mga Chinese workers ay dahil maayos silang magtrabaho kung ikukumpara sa mga Pinoy. Sana inisip ng mama na bago siya nagsalita ng ganoon ay napakarami ring industriya na mula sa ibang bansa ang tiwala sa gawang Pinoy. Hindi ba’t iyan ang review nila sa performance ng mga Pinoy kaya kahit nasa ilalim lang sila…

Read More

BAGO KA MAG-RESIGN, MR. DOOC…

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Hindi dapat magmadali na mag-resign ang presidente ng Social Security System (SSS) na si Emmanuel Dooc dahil ma­rami pa itong kailangang sagutin, lalo na sa napakababang koleksyon ng ahensya. Matagal nang ipinupunto ng Bayan Muna na dapat ayusin ng SSS ang koleksyon nito, imbes na magtaas ito ng kontribusyon ng mga miyembro. Bilyun-bilyon ang mga kontribusyon at penalty ang hindi nakokolekta ng SSS sa mga employer, kahit pa kinakaltasan nila ang kanilang mga empleyado. Kailangang sagutin muna ni Mr. Dooc ang mga usa­ping ito, bago siya umalis sa kanyang katungkulan!…

Read More

ANG PAGSASABI NG TAPAT

SIDEBAR

Naging isyu ngayon ang “honesty” sa mga tumatakbo sa pagka-senador dahil sa paha­yag ni Davao City Mayor at presidential daughter Sara Duterte na hindi dapat gawing isyu ito sa kampanya dahil lahat naman daw ng tao ay nagsisinungaling. Ang naturang pahayag ni Mayor Sara ay bilang pagdepensa kay senatorial candidate at Ilocos Norte Gov. Imee Marcos na umani ng batikos matapos magsinungaling ito na nagtapos sa Princeton University at University of the Philippines-College of Law na kapwa itinanggi ng dalawang pamosong pamantasan. Sa pananaw naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, isang uri ng fraud…

Read More

MAKABAGO AT DAGDAG NA PLANTA NG KURYENTE, KAILANGANG NA!

SA GANANG AKIN

Kakapasok pa lang ng buwan ng Marso at wala pang opisyal na pag-anunsyo sa pagsisimula ng panahon ng tag-init, pero mukhang marami nang pinagpapawisan dahil sa pangangamba kung ano bang magiging estado ng suplay ng kuryente sa mga susunod na buwan. Ito ay dahil sa nagdaang linggo ay tatlong beses na nailagay sa yellow alert status ang Luzon grid. Inanunsyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang yellow alert noong nakaraang Martes, Huwebes, at Biyernes dahil ang reserbang enerhiya na maibibigay ng mga planta ng kuryente ay mas…

Read More

KABABAIHAN AT LAKAS-PAGGAWA 

Psychtalk

Ayon sa 2016 Gender Gap Report ng World Economic Forum nasa ika-7 puwesto ang Pilipinas sa Global Gender Gap Index. Ang ating bansa rin ang nangunguna sa Silangang Asya at Pasipiko pagdating sa pagmii-mainstream ng gender equality sa apat na larangan: educational attainment, health and survival, economic opportunity, at political empowerment. Kung titignan sa antas ng polisiya at mga naipasa ng batas, masasabing marami na ngang naabot ang Pilipinas kaugnay ng pagsasakatuparan sa mga adhikain ng ilang nilagdaan nitong kasunduan gaya ng Convention for the Elimination of Discrimination Agains Women…

Read More

HANDA KA NA BA TALAGA NA MAG-ABROAD? 

BANTAY OFW

Sa pagkakataong ito ay akin namang bibigyang daan ang isang liham ng isang Kabayani na si Rona Nabio Prudente. Kanyang ibinahagi ang karanasan at kung paanong ang kanyang inaakalang magandang daratnan sa ibang bansa ay naging kaiba sa kanyang naranasan. Tulad nga ng aking laging nababangit sa ating Bantay OFW Teleradyo, marami ang nahihikayat na mga kababayan na mag-abroad dahil sa inaakala nilang masarap ang buhay, maraming pagkain, maraming mansanas at tsokolate at malamig ang bahay na pagtatrabahuhan dahil lahat ay airconditioned. Subalit, sa kanilang pagdating sa bansang kanilang pagtatrabahuhan…

Read More

BOTANTE MAGISING NA TAYO!

POINT OF VIEW

Trending ngayon ang isyu kung mahalaga ba ang katapatan o hindi para sa mga kandidato na tumatakbo sa iba’t bang posisyon sa darating May 2019 midterm elections. Lumikha ito ng iba’t ibang pananaw, opinion at reaksyon  mula sa iba’t ibang sektor ng ating lipunan o  mula sa mga opisyal ng kasalukuyang administrasiyon at sa mga kandidato. Ang isyu ay nag-ugat sa naging pahayag ni Davao City Mayor at Hugpong ng Pagbabago coalition campaign manager Sara Duterte na ang “katapatan/honesty” ng isang kandidato ay hindi dapat isyu sa political campaign dahil…

Read More

AGAP PARTY-LIST PROTEKTOR NG POLLUTANTS?

FOR THE FLAG

Muntik akong mahulog sa aking kinauupuan mga kabandila nang mabasa ko kamakailan ang pag-depensa ng isang party-list sa mga sumisira sa kalikasan at pumapatay sa Laguna de Bay at Manila Bay. “We don’t deny that, somehow livestock production contributes to pollution. . . but we have to understand that this is livelihood,” pahayag ni Rep. Rico Geron ng Agricultural Sector Alliance of the Philippines, o Agap Party-list. Ang kanyang pahayag ay may kaugnayan sa nadiskubre ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ang mga animal farm na nag-ooperate…

Read More

PANAWAGAN SA STARBORNE INTERNATIONAL PROMOTIONS & MANPOWER CORP.

BANTAY OFW

Nakatanggap ako ng sumbong at pakiusap mula sa kapwa advocate na si Bro. Art mula sa Kuwait. Inihihingi n’ya ng tulong si Marielle Kris Lampon Martos na deployed ng Starborne International Promotions & Manpower Corp. Ayon kay Marielle Martos, dumating s’ya sa Kuwait noong October 26, 2018 bilang isang household worker. Ayon sa kanyang sumbong ay siya ay hina-harass at ibebenta pa ng kanyang employer at ‘di rin s’ya pinapakain nang sapat. Heto po ang kanyang buong salaysay: “One week ago nagreport na po ako sa aking agency kay ma’am…

Read More