NARCO-LIST DAPAT ILABAS

FOR THE FLAG

DAPAT lang na ilabas ang sinasabing narco-list na ki-nasasangkutan ng ilang tumatakbong mga kandidato ngayong darating na halalan. Kung inosente ang mga ito e hindi dapat na matakot, pero karapatan ng taumbayan na makilatis nang husto ang mga kumakandidato para sa nasyunal at lokal na posisyon. Sa pinakahuling listahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nasa 83 pa ang nakalistang narco-politician sa bansa. Welcome rin ang napabalitang higit P1 bilyon na budget sa digmaan ng go­byerno kontra ilegal na droga. Tama ‘yan, bilyun-bilyon din ang budget ng kalabang mga druglord…

Read More

DATING DOH SEC. GARIN, ET AL HAHARAP SA KASO AT BAGONG BERSYON NG NANLABAN AT NANG-AGAW NG ARMAS

PRO HAC VICE

MUKHANG malilibot ni dating Department of Health (DOH) Secretary Janet Garin at iba pang respondent o suspek sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang buong hukuman ng Pilipinas upang sagutin o harapin naman ang nasabing kaso na nakatakdang ihain ng Department of Justice (DOJ) sa loob ng linggong ito. Paliwanag kasi ni DOJ Secretary Menardo Guevarra na ihahain nila ang kaso kung saan naganap ang sinasabing krimen. Ang kaso ay may kaugnayan sa unang batch pa lamang ng mga reklamong nakasampa sa DOJ sa kontrobersyal na programa ng DOH…

Read More

MAKINA SA SAKAHAN PARA SA MAS MALAKING KITA

USAPANG KABUHAYAN

TAKOT ang marami na masasayang lang ang P10 bilyon na Rice Competitiveness Fund na ipinapatupad sa ilalim ng Rice Tariffication Law. Aniya ng mga kritiko, ang nakaraang karanasan kung saan bilyun-bilyong piso ng pondo ng Department of Agriculture ang nasayang sa ilalim ng administrasyon nina dating Pangulong Gloria Mapacagal-Arroyo at dating Pangulong Benigno S. Aquino III ay pruweba na nanganganib lang sa DA ang pondo. Totoo naman na napakaraming kaso ng katiwalian na ang naisampa sa mga opisyal at empleyado ng DA nitong mga nakaraang dalawang administrasyon. Nag-umpisa ito sa…

Read More

MAILAP AT MAHABANG PROSESO NG KAPAYAPAAN

SIDEBAR

Sa panahon ni Pangulong Corazon Aquino unang nagkaroon ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Government of the Republic of the Philippines (GRP) at National Democratic Front (NDF) at ito ay nangyari sa ilalim ng “democratic space” matapos ang 1986 EDSA People Power Revolution. Si Speaker Ramon Mitra ang unang pinuno ng GRP panel samantalang ang mga dating peryodistang  sina Antonio Zumel, Satur Ocampo at asawa nitong si Bobbie Malay ang mga miyembro ng NDF panel. Dati ring peryodista si Mitra kung kaya madali para sa kanila ang mag-usap. Pero sadyang…

Read More

MARUMING POLITIKA SA MARILAO

BAGO TO

Habang papalapit ang simula ng kampanyahan sa Marilao, Bulacan ay umiinit naman ang pani­nira ng ilang kandidato sa kapwa nilang kandidato. Nitong nakaraang araw nga ay kinanyon ng sinlaki ng kamao ng hindi pa nakikilalang salarin ang pagtitipon na ginanap sa Barangay Ibayo kung saan hinarap ito ng kandidato sa pagkamayor na si Atty. Jemina Sy, ang tinaguriang “Batang Dalubhasa”. Buti na lamang at walang tinamaan nang malubha sa ipinukol na bato na lumusot sa trapal mula sa itaas, may mga bata pa mandin sa pagtitipon. Pero sa pagtalbog ng…

Read More

BATAS NG CHINA ANG UMIIRAL SA PINIRMAHANG KONTRATA

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Noong nakaraang linggo, napag-alaman ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na may maanomalyang kontrata na pinirmahan ang Pilipinas sa China kaugnay ng P3.6 bilyong Chico River Irrigation Pump Project. Bukod sa napakataas ng interes at may mga dagdag bayarin pa ang kontratang ito, na tunay na disadvantageous o nakasasama para sa Pilipinas, marami pang nilalaman ang kontrata na talagang maano­malya. Ang isa pa, nakasulat na nga sa kontrata na walang babayarang buwis ang China sa lahat ng kita nito. Nakasaad pa na ang kontraktor ng proyeko ay dapat magmula rin sa…

Read More

MMML RECRUITMENT SERVICES TINATAWAGAN NG PANSIN

BANTAY OFW

Kamakailan, ako ay nakatanggap ng sumbong at paghingi ng tulong mula sa ating kabayani na sina Edna Tampos at Rachelle Tapanan. Si Edna Tampos ay nakarating sa Kuwait sa pamamagitan ng MMML Recruitment Services noong Setyembre 21, 2017. Ayon sa kanyang ipinadalang sumbong sa Bantay OFW mobile apps, siya diumano ay sinasaktan o binubugbog ng kanyang mga alaga at kamakailan ay pinagbibintangan pa na nagnanakaw ng gamit ng kanyang amo na mariin niyang pinasisinungalingan. Hinihiling niya sa akin na tulungan siya na makara­ting sa Philippine Embassy upang siya ay makauwi…

Read More

MARSO: BUWAN NG KABABAIHAN

Psychtalk

Unang araw ng Marso. Noong bata-bata ako, ang pakahulugan ko sa buwang ito ay pagbabadya ng nalalapit na pagtatapos ng taon sa paaralan at pag-uumpisa ng masa­yang bakasyon sa pro­binsya. Ngunit sa pag­lipas ng mga taon at sa pagdami ng kaalaman, natutunan ko na ang Marso ay buwan din pala na nakalaan para sa kababaihan. Kaya, heto ang maagang pagbati sa kababaihan: “Isang masaya at mas mapagpalayang buwan ng kababaihan para sa ating lahat! Ang pagdiriwang ngayong taon ay may temang “#BalanceforBetter.” Bagama’t masasabi na marami nang nakamit na tagumpay ang kilusang kababaihan…

Read More

LUNTIANG ENERHIYA HATID PARA SA ISLA VERDE 

SA GANANG AKIN

Kung babalikan at lilingunin natin ang kasaysayan ng ating bansa, ang Pilipinas ay isa sa mga bayan na talagang pinuntiryang sakupin ng mga iba’t ibang lahi gaya ng mga Kastila, Hapon, at ng mga Amerikano. Sagana kasi ang ating bansa sa likas na yaman kaya tayo nakilala bilang Perlas ng Silangan. Napakaganda ng lokasyon ng ating bansa dahil tayo ay nakakakuha ng sapat na pag-ulan at sapat na sikat ng araw. Hindi kataka-takang nangunguna ang Pilipinas sa Asya at pumapanlima sa buong mundo kahanay ang South Africa, Chile, Brazil, at…

Read More