SALUDO talaga ako sa sipag at super bagal ng isang Department of Environment and Natural Resources Usec. na si Atty. Ernesto Adobo Jr. Kung ikaw ay magpa-follow up para alamin kung ano ang status ng papel na kailangan sa kanilang ahensya nakatengga lang sa lamesa na ‘for signature’ at ‘review’ ito ni Usec. Adobo Jr. Mabilis pa sa alas-kuwatro ang sagot ng kaniyang secretary na “Pasensiya na po, sir. For signature, for review na po sa ngayon (ang papeles) at wala po siya ‘di ninyo makakausap dahil nasa out of…
Read MoreCategory: OPINYON
BUTAS SA ANTI-MONEY LAUNDERING LAW
BAGAMA’T nakasaad sa ating Konstitusyon ang tinatawag na “freedom of religion” o ang kalayaang mamili ng ating pinapaniwalaang relihiyon, tila nagagamit naman ito sa mga kalokohan. Naalala ko tuloy na kapag minsan ay nababanggit na kapag gusto mo talagang yumaman na walang binabayarang buwis ay magtayo ka ng relihiyon at tila ‘yan na nga ang ginagawa ng ilang mga diumano’y sugo o kaya ay anak ng Diyos. Ayaw nating pag-usapan kung alin ang tamang relihiyon dahil mas mahalaga sa atin kung tamang pakikipagkapwa-tao kesa sa pagiging relihiyoso. Ang gusto nating…
Read MoreMAS MARAMING MAY TRABAHO MALIBAN SA MGA MAGSASAKA
UMABOT na sa 72.4 milyong Filipino o higit sa 60 porsyento ng ating populasyon nitong nakaraang buwan ng Enero ang nasa tamang edad para magtrabaho, at dahil sa mas magandang ekonomiya ay bumaba ng kaunti ang bilang ng mga walang trabaho, ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ang hindi maganda ay mga trabaho sa sektor ng sakahan ang nawala dahil sa mas maliit na kita ng mga sakahan at ang pag-alis ng limitasyon sa pwedeng maiangkat na bigas galing sa ibang bansa, ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto…
Read MoreCHINA ‘DI PINAPAPASOK SA PAG-ASA ISLAND ANG MGA MANGINGISDA NATIN
Napabalitang itinataboy ng mga Chinese fishing vessels ang mga Pinoy na mangingisda sa mga sandbars sa Palawan, ayon mismo sa mayor ng Kalayaan, Palawan na si Roberto del Mundo. Lubhang apektado ang kabuhayan ng mga mangingisda natin dahil dito, dahil matagal na nilang pangisdaan ang katubigan na ito. Dahil kinakamkam na ng China ang ating mga isla at katubigan na walang anumang pagkilala sa ating teritoryo, ani Bayan Muna chairman Neri Colmenares ay hindi natin dapat pagkatiwalaan ang bansang China. Nitong Lunes lamang ay naglunsad ng kilos protesta ang Bayan…
Read MorePOLICE SCALAWAGS SA MGA DDEUPOLICE SCALAWAGS SA MGA DDEU
Talagang hindi sa bagong uniporme o sa bagong rank system ng Philippine National Police (PNP) masusukat ang pagiging disiplinado at episyente sa paggampan ng tungkulin ng a¬ting kapulisan. Sadyang may mga pulis na likas na abusado at korap at patuloy na gu¬magawa ng iba’t ibang uri ng kalokohan at mga ilegal na bagay at ito ang nagbibigay dungis sa imahe ng PNP. Kaya nga hindi natin masisi si PMajGen Guil¬lermo Eleazar ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nang hindi siya makapagpigil sa isang pulis-Marikina na nahuli sa aktong nangingikil…
Read MoreRELIHIYOSO ANG PILIPINAS
Relihiyosong mamamayan ang Filipino, kung istatistika ang pagbabatayan. Higit sa 90% ng ating mga kababayan ay pawang mga Kristiyano. Mahigit 90 milyon ang Kristiyano sa populasyon nating 100 milyon. Mahigit 80% ng ating populasyon ay mga Katoliko. Pilipinas ang nangungunang bansang Kristiyano sa Asya at ikalima sa buong daigdig kung pag-uusapan ang bansang pinakamaraming Kristiyano. Sa Mindanao naman, nasa 5% ng mga Filipino ay mga Muslim at 1.8% naman ang mga mayroong independent na relihiyon. Kung mayroon mang hindi naniniwala sa relihiyon sila ay nasa .7% lamang o nasa 700,000…
Read MoreSEC UMAKSYON NA LABAN SA KAPA
MATAPOS nating ibunyag ang kalokohan ng KAPA Community Ministry International Inc., na siyang lumalaganap ngayon na malaking pyramiding scam sa Mindanao, dumagsa ang napakaraming impormasyon tungkol sa naturang grupo. Nalaman natin na maliban sa maraming estafa case na isinampa laban sa founder nitong si Joe Apolinario sa bayan ng Bislig, may mga lumabas na rin palang mga kautusan upang ito ay tuluyan nang buwagin. Batay sa ipinalabas na desisyon ng Commission en Banc ng Securities and Exchange Commission (SEC) noong February 21, 2019, inutusan nito ang KAPA na itigil na…
Read MoreBUREAU OF IMMIGRATION DAPAT DING MANAGOT SA MGA ISYU NG HUMAN TRAFFICKING
SUNUD-SUNOD na ulat na pagkaka-rescue ng mga Trafficking In Person sa Jordan at kabilang dito ang napaulat na bibitayin sa Saudi Arabia. Si Juhra Pusalan Adjaraman na una nang napaulat na nawawala sa bansang Jordan. Sampung taon na ang lumipas noong siya ay umalis ng Pilipinas at sa loob ng sampung taon na ‘yon ay hindi s’ya nakausap o naputol ang komunikasyon n’ya sa kanyang pamilya. Kamakailan ay iniulat ng Philippine Overseas Labor Office, OWWA at Philippine Embassy na kanilang natagpuan at nasa kanilang pangangalaga ang ngayon ay 20-anyos na…
Read MoreANEKDOTA PARA SA MGA KABARO
ILANG taon na ang nakararaan nang ako ay nagtuturo sa isang freshman section ng kursong pang-GE sa Sikolohiya. Sa klase na iyon ng mga entrepreneurship majors, kapansin-pansin na pagdating sa talino, dedikasyon, at performance sa klase, ilang babaeng estudyante ang namumukod-tangi at sadyang nangunguna. Walang palya na kakikitaan mo sila ng malaking potensiyal para maging matagumpay na mga babae. Hanggang dumaan ang mga linggo at dumating kami sa isang leksiyon, na sa pagkakatanda ko ay patungkol sa anu-ano ang mga pinapangarap nila sa buhay at ano mismo ang pakahulugan nila…
Read More