MOTORCYCLE RIDER PATAY SA PAJERO

CAVITE – Nasawi ang isang motorcycle rider habang kritikal ang misis nitong angkas makaraang mabangga ng isang Mitsubishi Pajero sa center island sa Trece Martires City nitong Miyerkoles ng madaling araw. Dead on the spot ang driver ng isang Yamaha Mio Gear na may plakang 9980 TR, na si Cesar Luna, 43, habang nilalapatan ng lunas sa Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital ang asawa nito, kapwa residente ng Brgy. Cabuco, Trece Martires City, Cavite. Samantala, hawak na ng pulisya ang driver ng Mitsubishi Pajero na may plakang ZHR 531, na…

Read More

3 SUGATAN SA PAMAMARIL

CAVITE – Inoobserbahan sa ospital ang tatlong indibidwal na pinagbabaril habang bumibili ng pagkain sa isang tindahan sa Gen. Trias City noong Lunes ng umaga. Kinilala ang mga biktima na sina alyas “Jayson”, 37; “Gerald”, 34; at “John Dave”, 34, pawang mga residente ng Brgy. San Francisco, Gen. Trias City. Mabilis namang tumakas ang suspek na kinilalang si alyas “Boboy”, sakay ng isang motorsiklo. Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-5:15 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa Tropical Village Pabahay 2000, Barangay San Francisco. Hindi pa mabatid kung…

Read More

LOLA PATAY SA SUNOG

CAVITE – Patay ang isang 70-anyos na lola habang nalapnos naman ang asawa nito nang lamunin ng apoy ang kanilang tirahan sa Bacoor City noong Lunes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Rosalinda Lapinig na isinugod sa Cavite East Asia Medical Center ngunit namatay habang nilalapatan ng lunas, habang dumanas naman ng first degree burns ang asawa nito na si alyas “Chrispo”, 70, kapwa residente ng Brgy. Molino 3, Bacoor City, Cavite. Ayon sa ulat, bandang alas-11:30 ng gabi nang nagsimula ang sunog sa bahay ng dalawa sa Brgy. Molino…

Read More

3 SUNDALO PATAY SA CPP-NPA

CAPIZ – Tatlong kasapi ng Philippine Army ang nagbuwis ng buhay sa pagtatanggol para sa kapayapaan laban sa nalalabing communist New People’s Army sa nangyaring sagupaan sa bayan ng Tapaz sa lalawigang ito. Ayon sa ulat, may tatlong sundalo mula sa 12th Infantry Battalion (12IB), 3rd Infantry (Spearhead) Division (3ID) ang nasawi kasunod ng nangyaring engkwentro noong Lunes laban sa Communist Terrorist Group (CTG). Isa sa mga nag-alay ng buhay si Army Sergeant John Ray Coopera na namatay matapos ang dalawang magkasunod na sagupaan sa Barangay Agpalali, Tapaz, laban sa…

Read More

Para hindi maimbestigahan sa flood control DPWH DISTRICT ENGINEER TINANGKANG MANUHOL NG KONGRESISTA

BATANGAS – Arestado ang isang district engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Taal, Batangas matapos tangkaing suhulan si Batangas 1st District Representative Leandro Leviste. Kinumpirma ni Leviste ang pagkakadakip kay District Engineer Abelardo Calalo noong Biyernes, Agosto 23, sa isang entrapment operation. Ayon sa inisyal na ulat, nag-alok umano si Calalo ng P3.1 milyong suhol upang hindi imbestigahan ng kongresista ang mga proyekto ng DPWH sa kanyang distrito. Patuloy na iniimbestigahan ni Leviste ang mga proyekto sa DPWH, at natuklasan na marami sa flood control projects…

Read More

5 INDIBIDWAL HULI SA GUN BAN SA BARMM

gun ban21

ARESTADO ang limang sibilyan na lumabag sa pinaiiral na election gun ban kaugnay sa darating na parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa Oktubre. Batay sa datos ng Philippine National Police, limang sibilyan ang naaresto mula Agosto 14 hanggang Agosto 24 sa magkakahiwalay na operasyon kabilang sa checkpoint, police response/patrol operation at anti-illegal drugs operations. Ayon kay Police Regional Office-BAR spokesperson, Lt. Col. Jopy Ventura, nakumpiska mula sa mga suspek ang limang maliliit na armas at mga bala. Tiniyak ng pulisya at militar na patuloy ang paghihigpit…

Read More

2 SANGAY NG CONVENIENCE STORE HINOLDAP

CAVITE – Dalawang sangay ng isang convenience store ang magkasunod na hinoldap ng dalawang suspek sa Silang at Dasmariñas City sa lalawigan nitong Lunes ng madaling araw. Tinutugis ngayon ng mga awtoridad ang mga suspek na ang isa ay inilarawang tinatayang 5’4″ ang taas, payat ang pangangatawan, nakasuot ng puting face mask, brown na jacket, habang ang isa pa ay payat din ang pangangatawan, nakasuot ng puting face mask at hoodie jacket, at magka-angkas sa motorsiklo. Ayon sa salaysay ni Kristel Ann, store crew ng convenience store sa Brgy. Iba,…

Read More

Pito pa sugatan VAN NAWALAN NG PRENO, 2 ESTUDYANTE PATAY

ANTIQUE – Patay ang dalawang estudyante habang sugatan ang pitong iba pa makaraang mawalan ng preno ang isang L300 van at sumalpok sa isang bahay Ayon sa ulat ni PEMS Jeaneth F. Garces, deputy ng Laua-an Municipal Station, dakong alas-5:55 ng umaga habang minamaneho ni Soriano Samonte Jr. ang L300 van sa national highway ng Barangay Candahug nang mawalan ito ng preno. Bunsod nito, bumangga sa isang bahay ang sasakyan na may plakang FAA-9816, at galing umano sa Culasi at patungo sa San Jose. Kaagad namang isinugod ng mga nagresponde…

Read More

NANLOOB SA JUNK SHOP, KINATAY NG MAY-ARI

CAVITE – Arestado ang isang lalaki nang saksakin at mapatay nito ang isang lalaking nagtangkang manloob sa kanyang junk shop sa bayan ng Silang sa lalawigan nitong Biyernes ng madaling araw. Naka-hospital arrest sa De La Salle University Medical Center ang suspek na si alyas “Henry” dahil sa saksak sa kanyang katawan mula sa biktima na si alyas “Henry” na kanya umanong napatay. Ayon sa ulat, natutulog ang suspek sa kanyang junkshop sa Orchard Properties sa Sitio Pantay, Brgy. Maguyan, Silang, Cavite nang maramdaman nito na tila may taong nagbubukas…

Read More