NAHULOG MULA SA BARKO, CREW MEMBER NATAGPUANG PATAY

ORIENTAL MINDORO – Natagpuan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang labi ng 25-anyos na crew member na iniulat na nahulog mula sa Ferry Berth sa Port of Calapan sa lalawigan. Ayon sa abiso ng PCG, ang biktima na residente ng Buluangan, Valderrama, Antique ay huling nakita ala-una ng umaga noong Huwebes habang nagbi-video call sa Ferry Berth. Kinabukasan, dakong alas-8:40 ng umaga, napansin ng isang tripulante ang isang anino sa ilalim ng sasakyang dagat at nakumpirma na ang biktima ito. Natanggap ng Coast Guard Sub-Station Calapan ang ulat pasado alas…

Read More

17 BOMBA ITINANIM NG NPA, NAKUHA NG MILITAR

UMABOT sa 17 bomba na pinaniniwalaang itinanim ng komunistang New People’s Army, ang natagpuan ng mga tauhan ng Philippine Army’s 105th Infantry Battalion kasunod ng sumbong ng mga residente at mga kasapi ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) hinggil sa kahina-hinalang mga bagay na iniwan ng mga rebeldeng NPA sa Sitio Bagong Silang, Barangay Maan, sa bayan ng T’boli sa lalawigan ng South Cotabato. Dahil dito, muling napatunayan ang kahandaan at malasakit ng mga sundalo matapos maagapan at mapigilan ang planong karahasan ng mga teroristang komunista sa lalawigan ng…

Read More

ESTUDYANTE BINISTAY NG BALA, PATAY

CAVITE – Patay ang isang 24-anyos na estudyanteng lalaki nang bistayin ng bala ng ‘di pa nakikilalang suspek sa Dasmariñas City noong Martes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Kelsey Del Rosario, 24, tubong Lanao Del Sur at residente ng Barangay Salawag, Dasmariñas City, natagpuang walang buhay sa pinangyarihan ng insidente sa nabanggit na lugar. Ayon sa ilang residente, nabahala sila makaraang nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril sa nasabing lugar. Nang tumigil ang putok, nakita na lamang nila ang biktima na nakabulagta sa lugar at wala nang buhay.…

Read More

67 KILO NG SHABU NASAMSAM SA ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA CITY – Umabot sa 67 kilo ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine National Police sa isinagawang hot pursuit operation na humantong sa isang palayan sa Barangay Bunguiao sa lungsod. Ayon kay Police Major Shellamie Chang, spokesperson ng Police Regional Office-Zamboanga (PRO-9), natiktikan ng mga awtoridad ang pagbiyahe ng ilegal na droga sa coastal barangay ng Zamboanga City. Mula rito ay isinakay ang mga kontrabando sa isang sports utility vehicle at bumiyahe palabas ng siyudad. Nang matukoy ang sasakyang ginamit, naglatag ng checkpoint ang pulisya at…

Read More

PANANATILING INSURGENCY-FREE IBINIDA NG RIZAL PNP

IBINIDA ng Rizal Provincial Police Office (Rizal-PPO) ang kanilang mga programa upang hindi na uusbong pang muli ang insurhensiya sa lalawigan matapos itong ideklarang insurgency-free ng Philippine Army noong Setyembre 23, 2024. Ito ang tinuran ni PCol. Feloteo Gonzalgo, provincial director ng Rizal-PPO, sa harap ng mga mamamahayag na kabilang sa PaMaMariSan-Rizal Press Corps sa isang courtesy call kamakailan. “Ang totoo, noong umupo ako [bilang provincial director] dito sa Rizal, alam kong halos wala na ang insurgency batay ‘yan sa impormasyon ko dahil ‘laking’ intelligence ako [sa Camp Crame],” ang…

Read More

GINANG GINAWANG SEX SLAVE, BINATA TIMBOG SA PNP-ACG

LAGUNA – Kalaboso ang isang 21-anyos na binata sa isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ng PNP-Anti Cybercrime Group, matapos gawing sex slave ang isang 38-anyos na ginang na kanyang nakarelasyon sa San Pablo City. Ayon kay Lt. Wallen Arancillo, tagapagsalita ng PNP-ACG, nagkaroon ng relasyon ang suspek na 21-anyos na binata at 38-anyos na ginang ng halos dalawang taon. Batay sa salaysay ni alyas “Chay”, may asawa, hindi pa rin siya tinatantanan ng suspek na si alyas “Cortez”. Kapag hindi raw siya pumayag na makipagkita at tumanggi sa sex…

Read More

SOLAR IRRIGATION PROJECT BINISITA NI PBBM

PERSONAL na binisita nina Presidente Ferdinand R. Marcos, Jr. at National Irrigation Administration (NIA) Administrator Engr. Eddie G. Guillen at nagsagawa ng ocular inspection sa RM Tan Solar Pump Irrigation Project (SPIP) sa Ormoc City, Leyte noong Lunes. Ang irrigation project na ginastusan ng P100 million, ay may kakayahang mapatubigan ang nasa 100 ektaryang sakahan na titiyak para sa sapat na supply para dalawang cropping seasons. Mabibiyayaan ng RM Tan Solar Pump Irrigation Project ang nasa 92 farmers at kanilang mga pamilya. Nabatid mula kay Eng. Guillen, oras na matapos…

Read More

PAGHAHANDA SA BANGSAMORO ELECTION NASA HULING YUGTO NA

NASA huling yugto na ng paghahanda ang Commission on Elections (Comelec) para sa Bangsamoro parliamentary polls sa Oktubre dahil ang pag-imprenta ng mga opisyal na balota ay magsisimula sa Agosto 24. Ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, sisimulan ang pag-imprenta ng halos nasa 2.215 milyon na official ballots. Handa na rin aniya ang local source code. Natapos na rin ang field testing at ang mock elections na naging matagumpay. Kasunod nito ay magsasanay ng electoral boards at ang deployment na lamang ang huling natitirang paghahanda ng Comelec. Nagsagawa na…

Read More

4 BANSA FULL SPECTRUM SA SALAKNIB 2026 WAR EXERCISE

FULL spectrum ang magaganap na Salaknib 2026 war exercise sa susunod na taon sa pagsasanib-puwersa ng land forces ng Philippine Army, United States, Japan at Australian Army na layuning patatagin ang kanilang interoperability capability sa Indo Pacific Region. Ayon kay Army Spokesman Col. Louie Dema-ala, kailangan nating mag-level up dahil sa mga makabagong hamon na hinaharap kasabay pa sa transition ng hukbo sa External Security Operations para matiyak na magiging isang maasahang puwersa sa pagtatanggol sa bansa. “And based on the evaluation natin of the past Salaknib exercises, we need…

Read More