BALASAHAN SA PNP NAKAUMANG KASUNOD NG PNPA HAZING

NAKAAMBA ang posibleng balasahan sa hanay ng mga senior PNP officers na maaaring maapektuhan ng rekomendasyon ng Directorate for Investigation and Detection Management na isailalim sa pre-charge investigation ang siyam na PNPA officials dahil sa naganap na hazing sa pamosong police academy. “Ang layunin ng pagsasanay ay paghubog ng kakayahan at integridad, hindi takot o pananakit. Maging malinaw ito sa lahat—anomang uri ng pang-aabuso ay mahigpit na ipagbabawal at papatawan ng kaukulang aksyon,” “Inuulit ko, walang puwang ang hazing sa ating hanay. Ito ay isang tahasang paglabag sa disiplina, dangal…

Read More

Pinagsamang presensya sa WPS PILIPINAS, US AT AUSTRALIA SUMABAK SA MMCA

IPINAKITA ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines ang patuloy na pagsusumikap ng hukbong sandatahan na higit pang palakasin ang kakayahan sa depensa pandagat, sa pamamagitan ng katatapos na Multilateral Maritime Cooperative Activity (MMCA), katuwang ang United States Indo-Pacific Command (USINDOPACOM) at ang Australian Defense Force (ADF), sa Dagat Kanlurang Pilipinas. Sa patuloy na pagpapaigting ng kakayahan sa depensa pandagat, iba’t ibang mga sabayang pagsasanay ang isinagawa ng Philippine Navy kasama ang USINDOPACOM at Australian Defense Force mula Abril 9 hanggang 12, 2026. Ito ang ikalawang MMCA ngayong taon…

Read More

Mga bote sa Ayungin Shoal positibo sa cyanide CORAL REEF, ISDA SA WPS NILALASON?

KINUMPIRMA ng National Security Council (NSC) na naglalaman ng cyanide ang mga dilaw na bote na nakumpiska mula sa mga Chinese sampan sa bahagi ng Ayungin Shoal sa West Philippine Sea. Ayon kay NSC spokesperson ADG Cornelio H. Valencia Jr., napatunayan sa laboratory test ng National Bureau of Investigation (NBI) na ang laman ng mga bote ay cyanide – lubhang nakalalasong kemikal na nakapipinsala sa tao at yamang-dagat. Ang mga naturang bote ay narekober ng Philippine Navy noong Pebrero at Oktubre 2025 malapit sa BRP Sierra Madre (LS 57), kung…

Read More

400 SUMALI SA SM ACTIVE HUB COMMUNITY RUN

HINDI bababa sa 400 indibidwal ang nakiisa sa unang anibersaryo ng SM Active Hub sa isinagawang community run sa SM City Baliwag noong Abril 12, 2026. (ELOISA SILVERIO) HIGIT 400 indibidwal ang lumahok sa community run bilang bahagi ng pagdiriwang ng unang anibersaryo ng SM Active Hub sa SM City Baliwag noong Abril 12. Ang aktibidad ay bahagi ng kampanya ng SM Supermalls na isulong ang sports at fitness sa komunidad. Nakiisa ang mga kalahok mula sa iba’t ibang bayan sa Bulacan, kabilang ang Baliwag, Pulilan, Calumpit, San Rafael, Malolos,…

Read More

P64.4-M CONTRABAND CIGARETTES, NASABAT NG PHIL. NAVY

MULING napatunayan na lubhang mahalaga ang isinasagawang seaborne operations ng Philippine Navy sa pagsugpo ng pamimirata at smuggling sa mga karagatan ng Pilipinas, nang muli na namang makasabat ang Western Mindanao Naval Command (WMNC) ng smuggled cigarettes na tinatayang nagkakahalaga ng P64.4 milyon, sa dagat na sakop ng Sulu. Sa ipinarating na ulat sa tanggapan ni Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Jose Ma. Ambrosio Q. Ezpeleta PN, nasabat ng mga tauhan ng WMNC- Naval Task Force 61, ang isang motor banca na may kargang contraband cigarettes na tinatayang…

Read More

KAMBAL NA NAWALA SA DAGAT, PATULOY NA HINAHANAP NG PCG

PATULOY ang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa 9-anyos na kambal na tinangay ng alon sa Eastern Leyte. Kinilala ang mga nawawala na sina Andrea at Althea Meras, kapwa residente ng Barangay Victory, Abuyog. Batay sa ulat, sakay ang kambal ng isang motorized banca patungong Barangay Lawaan nang salubungin ng malalakas na alon ang kanilang sinasakyan. Dahil sa lakas ng hampas ng dagat, nahulog ang magkapatid at tinangay ng alon na umabot umano sa 300 metro mula sa baybayin. Agad nagpalabas ng alerto ang PCG…

Read More

159 RESIDENTE NG MALOLOS TUMANGGAP NG LIBRENG LOTE

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan – May kabuuang 159 residente sa lungsod na ito ang tumanggap ng libreng lote na pagtatayuan ng kanilang bahay, mula sa lokal na pamahalaan katuwang ang Local Housing Board. sa isinagawang awarding of certificate noong Abril 10, 2026. Pinangunahan ni Mayor Christian Natividad ang pamamahagi sa 159 na residente ng Sitio Tuklas, Barangay Mabolo, ng Certificate of Lot Allotment (CELA). Ayon kay Natividad, matapos ang mahabang panahon ng paghihintay, tuluyan nang naipagkaloob sa mga residente ang karapatan sa lupang kinatitirikan ng kanilang mga tahanan. Ayon sa…

Read More

LIBRENG HAPUNAN IBINALIK SA CAINTA

MULING inilunsad ni Cainta, Rizal Mayor Kit Nieto ang libreng hapunan araw-araw para sa 300 indigent residents—isang linggo matapos siyang makarekober mula sa ikalawang operasyon sa puso. Sa ilalim ng “CAINTAyo” feeding program, umiikot ang pantry team ng lokal na pamahalaan mula Lunes hanggang Biyernes, alas-5 ng hapon, upang maghatid ng pagkain sa mga benepisyaryo. Sinimulan muli ang programa sa San Buena Compound sa Brgy. Sto. Domingo at susundan pa ng iba pang komunidad kabilang ang informal settlers sa Gruar Compound. Upang matiyak ang kalinisan, ginagamit ang One Arena bilang…

Read More

MAG-ASAWA SA BUMAGSAK NA CESSNA, NATAGPUAN NA

NATAGPUAN na ang mga labi ng pilot na si Jose Ortoll at kanyang asawa, dalawang araw matapos bumagsak ang kanilang Cessna 172 sa Dinagat Islands. Ayon sa mga awtoridad, nawalan ng komunikasyon ang eroplano habang patungo sa Siargao at hinihinalang bumagsak sa kabundukan ng Barangay Navarro, Tubajon. Wala umanong naitalang distress call bago ang insidente, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP). Iniulat na maayos ang lagay ng panahon nang mangyari ang pagbagsak ng eroplano. Pinaniniwalaang nagmula sa Subic ang flight at papunta sa isang pribadong resort sa…

Read More