MAGSASAKA HINDI IIWAN SA LABAN

Nag-ikot si Camille Villar sa Pili Public Market upang kumustahin ang mga tindera at alamin ang kanilang mga suliranin sa paghahanap-buhay bago magsimula ang proclamation rally sa nasabing bayan. Danny Bacolod PILI, CAMARINES SUR- Hindi pababayaan ng mga pambato ng Alyansa ang mga magsasaka. Katunayan, binigyang diin ni Camille Villar ang pangangailangan sa tulong pinansyal at research support sa mga magsasaka, gayundin sa makabagong kagamitan sa pagsasaka. Binanggit din niya ang agarang pagpapatupad ng biosecurity measures para maprotektahan ang industriya ng paghahayupan sa bansa. “My mother, Senator Cynthia Villar, is…

Read More

SEN. LITO LAPID, IPRINOKLAMANG “HONORARY CHIEFTAIN” NG TRIBUNG AGTA SA IRIGA

IPINAGMAMALAKI ni Sen. Lito Lapid na isa na siyang “Bicolano” matapos kilalanin bilang “Honorary Chieftain” ng katutubong Agta ng Iriga City, Camarines Sur nitong Miyerkules, March 5. Dumalaw si Lapid sa kanyang itinuturing na “hometown” sa Iriga City matapos ang motorcade sa mga bayan ng Camalig, Ligao at Polangui sa Albay, gayundin sa Nabua, Camarines Sur. Si Lapid na chairman ng Senate Committee on tourism, ay kinilalang “Honorary Chieftain” ng katutubong Agta ng Iriga City sa isang simpleng programa na dinaluhan ng mga local official sa pangunguna ni Mayor Wilfredo…

Read More

HAKBANG NG GOBYERNO SA PAGBABA NG PRESYO NG BIGAS SUPORTADO NI RODRIGUEZ

IPINAHAYAG ni A TEACHER Partylist Nominee Virginia Rodriguez ang kanyang suporta sa hakbang ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na bawasan ang presyo ng bigas sa bansa ng aabot sa P6.00 hanggang P7.00 sa mga susunod na buwan dahil sa maagang pagpapatupad ng pinababang taripa sa bigas. Ayon kay Ms. Rodriguez, magkakaroon na ng abot kayang presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado at iba pang mga pangangailangan, partikular na ang mga produktong agrikultural sa pamamagitan ng mga inisyatibong isinasagawa ng kasalukuyang administrasyon. Ang lowered rice tariff ay ipinatutupad sa ilalim…

Read More

CPP-NPA HIGH VALUE TARGET KASAMA SA HOT PURSUITS NG ARMY

KINUMPIRMA kahapon ng Armed Forces of the Philippine (AFP) na kasama sa target ng inilunsad na tactical operation ng Philippine Army (PA) at Philippine Air Force (PAF) ang ilang major personality ng nalalabing mga kasapi ng komunistang New People’s Army (NPA) na pakay pa rin sa continuous hot pursuit operation ng militar. Ayon kay AFP spokesperson Colonel Francel Margaret Padilla, malaking grupo ang babanggain ng Philippine Army, kabilang ang ilang mga ‘high value target’ kaya humingi ang ground troops ng air artillery support mula sa PAF. Kinumpirma ni Lieutenant Colonel…

Read More

MOTORSIKLO NASABITAN, MAY-ARI NAMARIL

LAGUNA – Sugatan ang isang motorcycle rider matapos na pagbabarilin ng may-ari ng isa ring motorsiklong kanyang nasabitan habang nagpa-park sa isang gasolinahan sa Brgy. Makiling, Calamba City noong Miyerkoles ng madaling araw. Ayon sa report ng pulisya, dakong alas-4:30 ng madaling araw, galing sa inuman ang biktimang si alyas “Ken” at isa niyang kaibigan at pauwi na sa kanilang bahay nang maisipan nilang bumili ng pagkain sa tindahan sa gasoline station. Ngunit habang inaatras ng biktima ang motorsiklo para mag-park, aksidente niyang nasabitan ang motorsiklo ng tatlong lalaking nasa…

Read More

2 PILOTO NG PAF NAIBABA NA MULA SA CRASH SITE, PROBE PINASIMULAN NA

ANIM na oras ang kinailangan ng mga tauhan ng Philippine Army Special Forces para maibaba mula sa crash site ang bangkay ng dalawang piloto ng Philippine Air Force, na nagsagawa ng midnight air artillery support sa mga tauhan ng Army na tumutugis sa isang grupo ng New People’s Army sa Cabanglasan sa Bukidnon. Ayon Kay Lt. Col. Francisco Garello, “Successfully extracted na po sila, around midnight, around 1 am nailabas na po sila from crash site going to pick-up point sa munisipyo ng Pangantucan, Bukidnon. From there, the cadavers were…

Read More

P238K SHABU INABANDONA SA SUBDIBISYON SA CALAMBA

LAGUNA – Laking gulat ng mga residente ng Spring Homes Subdivision sa Brgy. Bucal, sa Calamba City nang matagpuan ang isang inabandonang bag na naglalaman ng hinihinalang ilegal na droga. Isang residente ang nakakita sa plastic zip-lock bag na iniwan sa Daisy Street pasado alas-4:00 ng hapon noong Martes. Matapos makatanggap ng impormasyon, agad napasugod sa lugar ang mga tauhan ng Calamba City Police. Sa kanilang pagsisiyasat, natuklasang pitong plastic sachets ng hinihinalang shabu ang laman ng bag na iniwan sa gilid ng kalsada. Tinatayang 35 gramo kabuuang timbang nito…

Read More

P200K CASH, GADGETS TINANGAY NG AKYAT-BAHAY

CAVITE – Halos P200,000 halaga ng cash at gadgets ang tinangay ng hinihinalang isang akyat-bahay sa isang negosyante sa Tagaytay City noong Martes ng madaling araw. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-4:00 ng madaling araw nang pasukin ng suspek ang bahay ng negosyanteng si Michael Sinique, 52, sa Brgy. Kaybagal Central, Tagaytay City, sa pamamagitan ng pagdaan sa isang bukas na bintana. Tinangay umano ng suspek ang laptop (P64,000), isang Iphone 15 Promax (P67,000), firearm license, driver’s license, tatlong ATM cards, tatlong credit cards, dalawang earpods, at P20,000 cash,…

Read More

DATING TULAK NIRATRAT

RIZAL – Patay ang isang lalaking dating nakulong dahil sa pagkakasangkot sa bentahan ng ilegal na droga, makaraang pagbabarilin sa kanyang bahay sa Brgy. Mambugan, Antipolo City noong Martes ng gabi. Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktimang kinilalang si Regalado Catanyag Jr., 46-anyos. Ayon sa ulat ng Antipolo Police, bandang alas-10:45 ng gabi, nagpapahinga ang biktima sa kanyang bahay nang biglang dumating ang dalawang armadong lalaki at pinaputukan ito. Agad ding tumakas ang mga suspek patungo sa hindi matukoy na lokasyon matapos ang pamamaril. Dinala…

Read More