115 MOTORSIKLO AT CHOP-CHOP UNITS, NASABAT SA CHECKPOINT

ARESTADO ang anim na indibidwal, kabilang ang dalawang driver at apat na pahinante, matapos masabat ng mga tauhan ng 1st Quezon PMFC ang dalawang truck na naglalaman ng 115 motorsiklo at iba’t ibang piyesa sa Border Control Point sa Brgy. Lalig, Tiaong, Quezon noong Huwebes, Agosto 13. Unang pinara ang mga truck dahil sa hindi ligtas na pagkakarga ng mga motorsiklo ngunit nang hingian ng kaukulang dokumento ang mga driver, nabigo ang mga ito na magpakita ng katibayan para sa kargamentong nakatakdang ihatid sa Mindanao. Inihahanda na ang mga kaukulang…

Read More

Kinantahan pa habang inaaresto CAKE NA MAY POSAS PABIRTHDAY NG PULIS SA HINIHINALANG TULAK

HINDI inaasahang birthday celebration ang naranasan ng isang lalaking hinihinalang tulak ng ilegal na droga, nang siya ay arestuhin sa mismong kanyang kaarawan sa Zamboanga City. Sa halip na makapagdiwang kasama ang pamilya at mga kaibigan, inaresto siya sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad. Sa viral video, makikitang kinantahan pa ng mga pulis ng “Happy Birthday” ang suspek habang napapangiti na lamang ito. May dala pang birthday cake ang isang pulis na sinasabing bahagi ng selebrasyon bago isinagawa ang operasyon. Sa kulungan na nito tuluyang ipinagdiwang ang kanyang birthday at…

Read More

6ID TINIYAK SEGURIDAD SA KAUNA-UNAHANG BARMM PARLIAMENTARY ELECTIONS

BAHAGI ng pinaigting na paghahanda para sa kauna-unahang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections, pormal na tinanggap ng 6th Infantry (Kampilan) Division (6ID) ang Task Force 92 ng 1st Brigade Combat Team (1BCT), sa pangunguna ni Lt. Col. Anacito Naz, bilang karagdagang puwersa sa ilalim ng 602nd Infantry (Liberator) Brigade. Magsisilbi itong augmentation force upang suportahan ang mga hakbang sa seguridad para sa nalalapit na halalan. Nauna nang dumating noong Hulyo 15, 2026, sa area of responsibility ng 601st Infantry (Unifier) Brigade ang 75th Infantry Battalion, sa…

Read More

ILEGAL NA PAGAWAAN NG BAKAL, SINALAKAY SA DAVAO CITY

SINALAKAY ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang isang steel manufacturing facility sa Davao City kung saan 174 manggagawang Pilipino ang nasagip sa isang joint operation. Kasama sa operasyon ang PAOCC, National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Nuclear Research Institute (PNRI), Philippine Air Force (PAF), Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Army. Ayon sa PAOCC, nakarekober ang mga operatiba ng radioactive materials at iba pang hinihinalang mapanganib na sangkap mula sa pasilidad. Kabilang sa mga nakuha ang radioactive isotopes gaya ng Uranium-238, Thorium at Radium-226. Samantala, apat…

Read More

P31.9M JACKPOT NG LOTTO 6/42, NASOLO NG TAGA-LAGUNA

MASWERTENG nasolo ng isang bettor mula sa Laguna ang jackpot prize ng Lotto 6/42 matapos nitong mahulaan ang winning combination sa draw nitong Huwebes ng gabi, Agosto 13, 2026. Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nagkakahalaga ng ₱31,911,511.47 ang jackpot prize na mapupunta sa nag-iisang nakahula sa winning combination. Nabili ang masuwerteng tiket sa Alaminos, Laguna, na may kombinasyong 20-21-14-41-06-12. Binobola ang Lotto 6/42 tuwing Martes, Huwebes at Sabado. (TOTO NABAJA) 235

Read More

DSWD REGION 7, BIGONG MAGBIGAY NG AYUDA

CEBU CITY — Umuwing luhaan ang ilang residente na nagmula sa Lapu-Lapu City nang hindi sila binigyan ng anomang ayuda ng Region 7 office ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ayon sa mga nagreklamo, sinabihan sila ng isang Angel Mae Soroño na bumalik na lamang sila sa Lapu-Lapu City at doon humingi ng tulong sa local welfare office. “Nangutang pa kami ng pamasahe papunta dito pero kahit piso ay wala silang naitulong,” himutok ng mga nagreklamo na humiling na huwag banggitin ang kanilang pangalan. Sinabihan sila na wala…

Read More

SUNDALO PATAY, 2 PA SUGATAN SA AMBUSH SA SULU

NAKIKIPAGTULUNGAN ngayon ang Philippine Army sa Philippine National Police para matukoy at madakip ang mga responsable sa likod ng pananambang sa tatlong sundalo na ikinamatay ng isa at malubhang ikinasugat ng dalawang kasamahan nito, sa bayan ng Indanan sa lalawigan ng Sulu. Ayon sa ulat, sakay ng single motorcycle ang tatlong sundalo nang dikitan ng dalawang hindi pa nakikilalang gunman at pagbabarilin ang mga biktima habang binabaybay ang national highway sakop ng Sitio Kasambuhan, Barangay Tagbak, sa bayan ng Indanan noong Miyerkoles ng umaga. Kinilala ng Indanan PNP ang nasawi…

Read More

1 PATAY, 11 SUGATAN SA AKSIDENTE SA JEEP SA QUEZON

NASAWI ang isang 72-anyos na lola habang sugatan ang 11 iba pa nang sumalpok sa isang puno ng mahogany ang pampasaherong jeep sa Barangay Bacungan, Lopez, Quezon noong Miyerkoles. Ayon sa pulisya, patungong Buenavista ang jeep nang maputol ang tie rod nito habang nasa kurbadang kalsada, dahilan upang mawalan ng kontrol ang driver at sumalpok sa puno ang sasakyan. Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktimang residente ng Brgy. Poblacion, Buenavista. Isinugod naman sa Quezon Provincial Hospital Network-Magsaysay ang driver at 10 pang pasahero. Nangako naman ang pamunuan ng…

Read More

P.3-M SHABU NASAMSAM, 2 TULAK ARESTADO

TINATAYANG halos kalahating milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa arestadong dalawang hinihinalang tulak na nasa listahan ng high at street value individuals ng pulisya, sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City, Cavite nitong Huwebes ng madaling araw. Hawak na ng Dasmariñas CCPS ang naarestong mga suspek na sina alyas “Jaime” at “Michael” matapos nahulihan ng humigit kumulang 52.4 gramo ng hinihinalang shabu. Ayon sa ulat, bandang ala-1:30 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Dasmariñas CCPS sa Barangay Paliparan 2, Dasmariñas City na…

Read More