2 PATAY, 1 SUGATAN SA PAMAMARIL NG PULIS

PATAY ang isang pulis at isang sibilyan habang ginagamot naman ang isa pang pulis matapos silang pagbabarilin ng kanilang kabaro kasunod ng mainitang pagtatalo sa parking area ng isang resort sa Maragondon, Cavite, Miyerkoles ng madaling araw. Kinilala ang mga nasawi na sina PMSg Junmark Sisante, miyembro ng Philippine National Police (PNP) na nakatalaga sa Magallanes Municipal Police Station at residente ng Magallanes, Cavite, at Arjay Mojica, residente rin ng Magallanes na umano’y bodyguard ng isang mayor. Inoobserbahan naman sa ospital si PCpl Louie Vidon Climacosa, nakatalaga sa Ternate Municipal…

Read More

5,500 RUNNERS LUMAHOK SA BULACAN MARATHON

SA kabila ng malakas na ulan dulot ng Habagat, nanatiling matatag ang diwa ng hindi bababa sa 5,500 mananakbo mula sa buong Bulacan, na nagtipon sa SM Center Pulilan para sa Bulacan Marathon na ginanap noong Agosto 9. Inorganisa ng Team Malofit at Pairfect Fit, kasama ang SM Center Pulilan, bilang opisyal na lugar, pinagsama-sama ng kaganapan ang mga atleta at mahilig sa pagtakbo sa isang pangunahing pagpapakita ng bilis, kalusugan, at diwa ng komunidad. Ang pangunahing paligsahan sa pagtakbo ay nagtampok ng apat na kategorya ng karera—42K, 21K, 10K,…

Read More

5 BATANG NALIGO SA BULACAN RIVER, NAWAWALA

PATULOY ang isinasagawang rescue operation ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRMMO) at City DRRMO ng City of San Jose Del Monte sa limang kabataang pinaniniwalaang nalunod at hindi pa rin makita matapos maligo sa Marilao River sakop ng Barangay Gaya Gaya, CSJDM, Bulacan noong hapon ng Agosto 10 sa kasagsagan ng pagbuhos ng malakas na pag-ulan dulot ng Habagat. Base sa paunang report, nasa 10 kabataan ang naligo sa nasabing ilog kung saan pinigilan at pinagbawalan ng barangay officials dahil delikado ang sitwasyon. Nabatid na bago…

Read More

DIY FLOOD BARRIER SA NOVELETA, CAVITE HINANGAAN NG NETIZENS; KOMUNIDAD NILIGTAS SA BAHA

NAPANATILING ligtas sa mahigit anim na talampakang baha ang isang compound sa Barangay San Antonio 1, Noveleta, Cavite nitong Linggo, Agosto 9, dahil sa improvised flood barrier. Hinangaan ng netizens ang viral na “do-it-yourself” flood control ng residenteng si King Nazareth Dayao, na gumamit ng simpleng steel gate na nilagyan ng groove at foam o rubber gasket bilang harang sa tubig. Ayon sa mga eksperto, ang nasabing mekanismo ay kapareho ng konsepto ng water barrier na ginagamit sa mga palaisdaan upang kontrolin ang lebel ng tubig. Sa kabila ng tagumpay…

Read More

NDRRMC NANATILING RED ALERT; DEATH TOLL SA MASAMANG PANAHON, UMAKYAT SA 19

KASUNOD ng isinagawang pagpupulong ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at mga tanggapan ng gobyernong nasa ilalim nito, nananatiling naka-red alert status ang nasabing ahensiya hanggang nitong Martes para patuloy na matutukan ang pinagsama-samang epekto ng Tropical Storm Luis, Maymay at ng pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat. Nagpulong nitong hapon ang mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at uniformed services para sa nagpapatuloy na koordinasyon kaugnay ng epekto ng Bagyong Maymay at Habagat at pagtugon ng pamahalaan sa sinasabing nasa 19 na bilang ng…

Read More

LALAKING NANISID NG TALABA, PATAY

WALA nang buhay ang isang 56-anyos na lalaki nang iahon matapos sumisid upang kumuha ng pang-ulam at pangbentang talaba sa Kawit, Cavite noong Lunes ng hapon. Dineretso ang biktimang si alyas “Alejandro”, may asawa, ng Brgy. Toclong, Kawit, Cavite, sa isang punerarya matapos ideklarang wala nang pintig ang kanyang pulso ng nagrespondeng mga tauhan ng MDRRMO ng Kawit, Cavite Ayon sa ulat, sumisid ang biktima upang kumuha ng mga talaba sa Tulay Malamok sa Tirona Highway, Brgy. Kanluran, Kawit, Cavite, bandang alas-2:00 ng hapon pero hindi na ito lumutang. Sinisid…

Read More

2 TIRADOR NG PANABONG, NILAMOG SA BUGBOG

BUGBOG-SARADO sa taumbayan ang dalawang lalaki makaraang magnakaw ng labing-isang panabong na manok na nagkakahalaga ng P55,000 sa Imus City, Cavite noong Lunes ng umaga. Nahaharap sa kasong theft at trespass to dwelling ang arestadong mga suspek na sina alyas “Ramir”, 33, construction worker, ng Brgy. Poblacion IV-C, Imus City, at “Christian”, 22, walang trabaho, ng Brgy. Bayan Luma V, Imus City dahil sa reklamo nina alyas “Jayro”, 61, may-ari ng mga panabong, residente ng Brgy. Bayan Luma 5, Imus City, at “Carmina”, 35, may-ari ng isang carwash kung saan…

Read More

Nalunod sa rescue operation; BENEPISYO NG PAMILYA NI PMS MARFA INAAYOS NA

NAGPAABOT ng pakikiramay ang Pambansang Pulisya sa pagkasawi ni Police Master Sergeant Fernando Marfa ng Cadiz Component City Police Station. Si Marfa ay nasawi noong Agosto 7 makaraang iligtas ang kanyang dalawang kasamahan na muntik nang malunod habang nagsasagawa ng seaborne patrol sa Cadiz City, Negros Occidental. Ayon kay PNP Public Information Office chief, Col. Allen Rae Co, inaayos na ng Philippine National Police ang mga benepisyong matatanggap ng pamilya ni Marfa. Aniya, kinikilala at pinahahalagahan ng PNP ang tapang at sakripisyo ni Marfa. (TOTO NABAJA) 229

Read More

MANHUNT SA GRUPONG NAKAPATAY NG PDEA AGENT, UTOS NI NEREZ

INUTOS ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Undersecretary Isagani Nerez ang masinsing manhunt laban sa grupong nakapatay ng isang PDEA agent at nakasugat sa isang senior Philippine Marine officer sa isinagawang joint anti-drug operation sa Bongao, Tawi-Tawi. Ayon sa PDEA, target ng operasyon sina alias Antonio, alias Nasser, alias Abon at dalawa pang hindi nakikilalang lalaki na nakatakas matapos ang halos tatlong oras na engkuwentro. Nauwi sa matinding bakbakan ang joint operation ng PDEA-BARMM at Philippine Marine Battalion Landing Team-4 laban sa grupo ni Jimhar Jawadil, alyas “Boss…

Read More