NATAGPUANG wala nang buhay ang isang Police Lieutenant sa loob ng Camp Quintin M. Merecido sa Davao City nitong Lunes, ilang oras bago ang command visit ni PNP Chief PGen. Melencio Nartatez Jr. Ayon sa ulat, problemado umano ang opisyal sa inventory ng mga baril bago ito natagpuang patay sa kanyang quarters. Sinabi ni PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño na posibleng may kaugnayan ang insidente sa hindi pagtutugma ng records ng mga baril na minana ng nasawing assistant director for logistics. Kaya naman, patuloy ang malalimang imbestigasyon sa insidente. Iniutos…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
P.2-M PEKENG SIGARILYO NAKUMPISKA SA CAVITE
CAVITE – Tinatayang mahigit sa P.2 milyong halaga ng mga smuggled na sigarilyo ang nakumpiska ng pinagsamang pwersa ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit (PIU), Regional Special Operations Unit (RSOU), Regional Intelligence Division (RID) at Bureau of Internal Revenue (BIR), sa isinagawang operasyon sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan noong Lunes ng umaga. Nahaharap sa kasong paglabag sa Custom Modernization ang Tariff Act (RA 10863) ang naarestong mga suspek na sina alyas “Marina” ng Brgy. San Miguel 2, Maragondon, Cavite; “Rufina”, may-ari ng Loloy and Fhena Store sa Silang…
Read More9 SUGATAN SA FIRECRACKERS SA PRUSISYON SA QUEZON
QUEZON – Siyam na miyembro ng Barangay Malabanban Norte Elementary School lyre band, kabilang ang limang menor de edad, ang nasugatan nang tamaan ng mga paputok habang nakikilahok sa prusisyon para sa Mahal na Birhen ng Caysasay noong Linggo ng hapon sa bayan ng Candelaria. Agad silang inilikas at dinala sa ospital. Agad din silang na-discharge na matapos malapatan ng lunas. (NILOU DEL CARMEN) 75
Read More3 MENOR DE EDAD, 2 PA HULI SA DINEKWAT NA P.3-M COPPER CABLE WIRE
CAVITE – Nadakip ang dalawang menor de edad at dalawang kasapakat nila sa aktong ikinakarga sa kanilang sasakyan ang tinangay na underground copper wires sa Imus City noong Linggo ng madaling araw. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10515 (Anti-Cable Television and Cable Internet Tapping Act of 2013) ang naarestong mga suspek na sina alyas “Onyok”, “Kinito” at “Ron”, pawang mga menor de edad, at alyas “Jerry”, 36, at “Ana”, 21-anyos. Ayon sa ulat, nagsasagawa ng pagpapatrulya ang mga roving guard ng PLDT band dakong alas-3:21 ng madaling araw sa…
Read More70 PULIS SA BASILAN SIBAK SA HAZING
SINIBAK sa kanilang pwesto ang nasa 70 pulis na mga miyembro ng Regional Force Battalion 14B sa Lamitan, Basilan. Ito’y kasunod na diumanoy hazing sa reception rites sa mga bagong pulis na nag-viral sa social media ang larawan at video. Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuano, sibak sa pwesto ang 70 mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion-14B kasama na ang 12 mga pulis na direktang sangkot sa pangmamaltrato sa mga bagong pulis na kaka-graduate lang sa basic internal security training. Ang nasibak na mga pulis ng RMFB-14A ay…
Read MoreP.3-M SHABU NASAMSAM SA CAVITE
CAVITE – Tinatayang P340,000.00 halaga ng umano’y shabu ang nasamsam at nagresulta sa pagkakaaresto sa isang hinihinalang tulak na nasa listahan ng High Value Individuals (HVIs) ng pulisya, sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Biyernes ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang suspek na si alyas “Vic”, 40 ng Dasmariñas City. Ayon sa ulat, bandang alas-8:00 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Dasmariñas Component City Police Station sa…
Read MoreISINARANG KALSADA SA LAGUNA NAGDULOT NG TENSYON
LAGUNA – Isinara ang Casile Road sa Cabuyao City sa lalawigan noong Sabado, Pebrero 7 dahil sa matagal nang usapin sa pagmamay-ari ng lupa sa pagitan ng mga residente at isang korporasyon. Ang biglaang pagsasara ay nagdulot ng matinding abala sa mga manggagawa, estudyante, at motorista na gumagamit nito bilang alternatibong ruta patungong Tagaytay. Nagkaroon ng tensyon sa lugar nang magkasagupa ang dalawang grupo na humantong sa batuhan at mga putok ng baril sa kabila ng presensya ng mga awtoridad. Giit ng mga residente, may hawak silang dokumento mula sa…
Read MoreBAR PASSER NA PULIS BAGONG PD NG RIZAL PNP
PORMAL nang inilipat kay Police Colonel Eleazar Barber Jr. ang pamumuno sa Rizal Police Provincial Office (PPO) mula kay Police Colonel Feloteo Gonzalgo sa isinagawang turnover ceremony kamakailan. Kabilang si Barber sa mga bagong abogado na nakapasa sa Bar examinations na pinangasiwaan ng Korte Suprema. Umaasa ang ilang residente at stakeholder sa Rizal na mas mapalalakas ang pagsunod sa due process at legal na operasyon ng kapulisan sa ilalim ng pamumuno ni Barber. Bago ang kanyang pagkakatalaga, nagsilbi si Barber bilang hepe ng seguridad ng Mababang Kapulungan ng Kongreso at…
Read MoreCHINESE NATIONALS ARESTADO SA ZAMBOANGA AT KALINGA
ARESTADO ang ilang Chinese national sa magkakahiwalay na operasyon ng Bureau of Immigration (BI) sa Zamboanga City at Tabuk City, Kalinga dahil sa paglabag sa immigration laws ng bansa. Sa Zamboanga City, dinampot ng BI intelligence operatives si Rong Tian Shi, 40, sa isang cellphone at accessories shop sa Maria Clara Street, Barangay Zone 3 noong Pebrero 2. Naaktuhan umano si Shi na aktibong nagpapatakbo ng negosyo at nakikipagtransaksyon sa mga kostumer nang hulihin. Ayon sa BI, may iregularidad sa rekord ni Shi dahil ang working visa nito ay inihain…
Read More