DAVAO DEL SUR – Patay ang assistant provincial prosecutor ng Davao Occidental matapos barilin sa loob ng kanyang sasakyan sa Chapter 8, Tienda, Brgy. Aplaya, Digos City sa lalawigan noong Lunes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Eleanor Polancos Dela Peña, 54-anyos. Ayon sa report ng Digos City Police, nagmamaneho ang biktima ng kanyang Ford Raptor pickup malapit sa kanyang tahanan, nang barilin sa ulo ng hindi kilalang suspek. Idineklarang dead on the spot ang biktima ng nagrespondeng mga tauhan ng City Disaster Risk Reduction and Management Council. Agad namang…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
CHINESE MILITARY UNIFORMS, NASAMSAM SA SINALAKAY NA POGO
NAKATUTOK ngayon ang militar at pulis sa nasamsam na Chinese military uniforms sa sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) firm sa Porac, Pampanga na ni-raid ng mga awtoridad kamakailan. Ayon sa Armed Forces of the Philippine, posibleng ginagamit o gagamitin ito ng ilang indibidwal para sa paghahasik ng karahasan o pananakot subalit hindi para sa paghahanda sa posibleng pagsalakay. Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margarette Padilla, “Regarding the discovery of alleged Chinese military uniforms at the POGO facility in Porac, Pampanga, it is important to note that POGO…
Read MoreCHINESE NATIONAL ARESTADO SA KIDNAPPING
ARESTADO ng mga operatiba sa lalawigan ng Zambales ang isang Chinese national na umano’y sangkot sa insidente ng kidnapping noong Lunes ng gabi. Sinabi ni Police Regional Office (PRO3) Director, PBGen Jose Hidalgo Jr., si alyas “Wu”, isang 35-anyos na Chinese national, ay inaresto ng mga tauhan ng Subic Municipal Police Station matapos itong i-flag down sakay ng kanyang minamanehong puting BMW sedan para sa beripikasyon. Sa halip na huminto, mabilis na humarurot palayo patungo sa Castillejos ang suspek na nagdulot ng matinding habulan. Matagumpay na naharang ang sasakyan ng…
Read MorePinalagan ng mga supporter ni Quiboloy KOJC COMPOUND RAID PAG-ABUSO SA HUMAN RIGHTS
(NILOU DEL CARMEN) ITINUTURING ng mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na pang-aabuso sa karapatang pantao ang pagsalakay ng mga pulis sa kanilang compound nang walang search warrant. Mahigit 100 pulis mula sa iba’t ibang unit ng PNP kabilang ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Special Action Force (SAF) at mga tropa ng militar ang sumugod sa compound ng KOJC sa Barangay Sasa, Buhangin district, Davao City, Lunes ng madaling araw para isilbi umano ang warrant of arrest laban sa pinuno nitong si Apollo…
Read MoreNAGKAKAPE ITINUMBA NG MOTORCYCLE RIDER
CAVITE – Hindi na naubos ang hinihigop na kape ng isang lalaki nang pasukin ito ng suspek at pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay sa bayan ng Naic sa lalawigan nitong Lunes ng madaling araw. Namatay noon din ang biktimang si alyas “Carlito” dahil sa tama ng bala sa katawan. Tinutugis naman ang suspek na si alyas “Marvin” na tumakas lulan ng kanyang motorsiklo. Ayon sa ulat, nagkakape ang biktima sa loob ng kanilang bahay bandang alas-2:00 ng madaling araw nang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima…
Read MoreNAGHAMON NG AWAY, BINARIL NG SEKYU
CAVITE – Inoobserbahan sa ospital ang isang lalaki makaraang barilin ng security guard na kanyang hinamon sa isang subdibisyon sa Trece Martires City noong Linggo ng madaling araw. Nilalapatan ng lunas sa General Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si alyas “Ian” dahil sa tama ng bala sa dibdib mula sa service firearm ng suspek na si alyas “Eddie”. Ayon sa ulat, naka-duty si Eddie bilang security guard sa Ciudad Adelina, AFP/PNP Housing, sa Brgy. Luciano, Trece Martires City, Cavite, nang dumating ang biktima at ilang kasamahan nito dakong alas-2:30 ng…
Read More8 SA 10 PINOY NANINIWALANG BANTA ANG CHINA SA WPS
IKINAGALAK ng pamunuan ng Philippine Navy na mulat na ang sambayanang Pilipino hinggil sa sigalot sa West Philippine kaugnay sa pinag-aagawang mga teritoryo, matapos lumabas sa isang pag-aaral na walo sa bawat sampung Pilipino ay naniniwalang banta ang China sa West Philippine Sea. Ayon kay Navy Commodore Roy Vincent Trinidad, Naval spokesman for West Philippine Sea, “Nakatutuwa ‘yan sapagkat sa wakas ay naiintindihan ng ating mga kababayan ang bantang dala ng China lalo na sa West Philippine Sea”. “Ang tawag natin dyan, existential threat of our very existence as a…
Read More100 PASAHERO NASAGIP SA SUMADSAD NA RO-RO
NASAGIP ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard Station (PCGS) Northeastern Palawan ang mahigit 100 pasahero ng sumadsad na Ro-Ro vessel ng 2GO malapit sa Coron, Palawan. Nitong Linggo ng umaga nang tuluyang mailikas ng Phil. Coast Guard ang may 106 sakay ng MV St. Francis Xavier, na nakasadsad, may isang nautical mile mula sa Puerto ng Coron. Ayon sa Coast Guard, bandang alas-4 ng hapon noong Biyernes nang makaranas ng engine trouble ang MV St. Francis, habang paalis ng Coron papuntang Puerto Princesa City. Habang nagsasagawa ng undocking manuever…
Read More18 BAHAY NILAMON NG APOY SA LUCENA
LUCENA CITY – Umabot sa 18 kabahayan ang tinupok ng apoy sa sunog na sumiklab sa Brgy. 9 sa lungsod noong Sabado ng gabi. Ayon sa Lucena BFP, sumiklab ang sunog dakong alas-6:00 ng gabi sa residential area sa Purok Ipil. Agad nagresponde ang mga tauhan ng Lucena BFP at naapula ang apoy dakong alas-8:22 ng gabi. Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa insidente ngunit umabot sa 18 kabahayan na binubuo ng 70 pamilya, ang naapektuhan ng sunog. Tinataya ng BFP na nasa P900,000 ang halaga ng pinsala…
Read More