CAVITE – Patay ang isang incumbent kagawad nang maglaro ng Russian roulette habang nakikipag-inauman sa kanyang mga kaibigan sa bayan ng Indang sa lalawigan noong Huwebes ng gabi. Isinugod sa Poblete Hospital ang biktimang isang barangay kagawad ng Brgy. Circa, dahil sa tama ng bala ng .45 kalibreng baril sa kanyang lalamunan. Ayon sa ulat ni Police Master Sergeant Michael Crisostomo ng Indang Police Station, bandang alas-7:35 ng gabi nang mangyari ang insidente. Nakikipag-inuman umano ang biktima sa ilang kaibigan para sa selebrasyon ng kapistahan sa Brgy. Tambo Kulit, Indang,…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
TRAVEL AGENCY SA MALOLOS IKINANDADO NG DMW
AGAD na ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) ang isang travel agency na umano’y naging illegal recruiter ng overseas Filipino workers (OFW), sa Malolos, Bulacan kahapon, Biyernes. Mismong si Undersecretary for Licencing and Adjudication service Bernard P. Olalia ang nanguna sa pagkandado ng nasabing establisyemento sa Barangay Catmon sa Lungsod ng Malolos. Base sa mga reklamo at sumbong na nakarating sa ahensiya ng DMW mula sa mga nabiktima ng umano’y illegal recruitment, kumpirmado ang natanggap nilang report kaya agad na isinagawa ang pagsalakay sa High Dreamer Travel and Tours…
Read MoreDALAW SA KULUNGAN, HULI SA PASALUBONG NA DROGA
CAVITE – Deretso sa kulungan ang isang babaeng dalaw sa isang preso makaraang mahulihan ng ilegal na droga na nakasiksik sa pagkaing dala nito sa piitan sa Imus City, noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang suspek na si alyas “Jemie”, isang dalaw sa Imus City Component Station Lock-up Cell. Ayon sa ulat, bandang alas-5:40 ng hapon nang dumalaw si Jemie sa Imus City Police Station Lock-up cell sa Brgy. Malagasang 1G, Imus City, bitbit ang pagkain at ilang personal na gamit para sa isang Person Under Police Custody (PUPC) na…
Read MorePOLICE FORCE SINALUBONG NG ITAK SA KOJC RAID, 6 TIMBOG
ANIM na supporters ni Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy ang arestado matapos salubungin ng itak ang mga pulis na magsisilbi ng arrest warrant sa Davao City. Ayon sa Police Regional Office XI, sa kasagsagan ng pagsisilbi ng warrant of arrest ng mga pulis laban kay Quiboloy sa Glory Mountain sa Brgy. Tamayong, Calinan, Davao City, hinarang ang mga awtoridad ng mga tagasuporta ng pastor kaya inaresto ang anim sa mga ito. Sinugod din umano ng mga nahuling lalaki ang mga pulis gamit ang kanilang mga itak. Dalawang menor-de-edad…
Read MoreP595-M SMUGGLED CIGARETTES, GINUTAY-GUTAY
PINANGUNAHAN ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Zamboanga ang pagsira sa mahigit P595 milyong halaga ng ismagel na sigarilyo sa inuupahang warehouse sa Brgy. Baliwasan, Zamboanga City nitong Hunyo 13. Bunsod ito ng pinaigting na anti-smuggling campaign sa Region 9 at BARMM na nagresulta sa pagkumpiska at pagsira sa mahigit 8,816 cases at 1,014 reams ng ismagel na sigarilyo. Nasabat ang nasabing kontrabando sa pamamagitan ng maritime patrol operations sa iba’t ibang lugar sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi mula Nobyembre 2023 hanggang Abril 2024. Ang mga sigarilyo ay…
Read MoreBULKANG KANLAON NAKATAAS PA RIN SA ALERT LEVEL 2
NAKATAAS sa alert level 2 status ang bulkang Kanlaon sa nakalipas na magdamag, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Huwebes. Nabatid sa Phivolcs, iniulat ang isang volcanic earthquake sa paligid ng bulkan nitong Huwebes. Iniulat din ng Phivolcs ang pagbuga ng usok sa bunganga ng bulkan na may 300 metrong taas at ang pamamaga ng bulkan. Sinabi pa sa Phivolcs, ipinagbabawal ang pagpasok sa apat (4) na kilometrong (4 km) radius Permanent Danger Zone (PDZ). Hindi rin pinahihintulutan ang paglipad ng anomang aircraft malapit sa tuktok…
Read MoreRAPE SUSPECT PATAY SA UMARESTONG PULIS
CEBU – Patay ang isang lalaking suspek sa panghahalay sa isang 12-anyos na batang babae matapos na umano’y mang-agaw ng baril sa mga pulis na umaresto sa kanya sa bayan ng Argao sa lalawigan noong Martes. Kinilala ang napatay na suspek na si Anthony Bautista, 40-anyos, residente ng Sityo Candabong, Argao Island. Nangyari ang insidente nang magsagawa ng hot pursuit operation ang mga miyembro ng Argao Police dahil sa reklamo ng ina ng 12-anyos na biktima na apat na beses umanong hinalay ng suspek. Natagpuan ng mga awtoridad ang suspek…
Read More3 RIDERS BUKING SA DROGA SA CAVITE CHECKPOINT
CAVITE – Nabuking ang itinatagong umano’y droga sa tatlong motorcycle riders sa ikinasang Oplan Sita ng mga awtoridad sa checkpoint sa Bacoor City noong Martes ng umaga. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek na sina alyas “Chris”, ng Brgy. Ligas 2, Bacoor City; “Nel”, ng Brgy. Zapote 2, Bacoor City, at “Ed” ng Brgy. San Jose 2, Noveleta, Cavite. Ayon sa ulat, nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga operatiba ng Bacoor Component City Police bandang alas-10:30 hanggang 11:30 ng umaga…
Read MoreHALF-BROTHER INARESTO SA PAGPATAY SA LADY FISCAL
INARESTO ng Digos City Police ang half-brother ng pinaslang na lady prosecutor matapos na iturong suspek sa pagkamatay ng biktima na binaril sa Chapter 8, Tienda, Brgy. Aplaya, Digos City, Davao del Sur noong Lunes ng hapon. Ayon sa mga awtoridad, ang suspek na si Arnel Dela Peña, 56, ay inaresto noon ding Lunes ng gabi kasunod ng isinagawang hot pursuit operations sa pagkamatay ni Atty. Eleanor Dela Peña, na binaril sa loob ng kanyang sasakyan. Ayon sa Digos City Police, nakilala ang suspek sa pamamagitan ng mga pahayag ng…
Read More