NATAKASAN NG 8 PRESO, 2 JAIL GUARD SINIBAK

SINIBAK sa kanilang puwesto at inilagay sa restrictive custody ang dalawang jail guard ng San Jose del Monte City Police Station matapos matakasan ng walong preso nitong Linggo ng madaling araw sa San Jose del Monte City, Bulacan. Ayon kay PMSgt. Rod Pating, officer on case, na-recover na ng binuong tracker team ang apat sa walong pumuga habang patuloy na tinutugaygayan ang apat pa. Paliwanag ni Pating, maaaring maharap sa administrative case o mapatawan ng sanction ang mga jail guard depende sa makikitang kapabayaan kung bakit nakapuga ang binabantayan nilang…

Read More

LALAKI NALUNOD HABANG NANGINGISDA

CAVITE – Nalunod ang isang 44-anyos na lalaki makaraang sumpungin ng pulikat ang paa nito habang nangingisda sa Manila Bay sakop ng Bacoor City noong Linggo ng umaga. Isinugod sa Las Piñas General Hospital ang biktimang si alyas “Ronald”, ng Manuel Talon Singko, Las Piñas City, subalit idineklarang dead on arrival. Ayon sa salaysay ng nakatatandang kapatid nito na si alyas “Brendo”, nagtungo ang magkapatid sa dagat sa Manila Bay sakop ng Brgy. Zapote III, Bacoor City bandang alas-10:30 ng umaga upang mangisda. Pumailalim sa tubig ang magkapatid ngunit habang…

Read More

MAG-ANAK SUGATAN SA SALPOK NG KOTSE

QUEZON – Sugatan ang limang miyembro ng pamilya na lulan ng tricycle makaraang salpukin ng kotse sa junction ng Eco Tourism Road at National Highway sa Brgy. Manggalang Bantilan sa bayan ng Sariaya, sa lalawigan noong Linggo ng umaga. Kinilala ang mga sugatan na sina Mark Joseph Maleon, 37, nagmamaneho sa tricycle; Jeseca Maleon, 39, at kanilang tatlong anak na may edad 10, 14 at 16-anyos, mga residente ng Brgy. Sinala, Bauan, Batangas. Ayon sa report ng Sariaya Police, galing ng Bauan ang pamilya at patungo sa Sariaya at tinatahak…

Read More

NPA PATAY SA SAGUPAAN, 2 SUNDALO SUGATAN

PATAY ang isang miyembro ng New People’s Army kasunod ng nangyaring engkwentro nang tumugon ang mga sundalo mula sa Philippine Army 63rd Infantry “Innovator” Battalion, sa sumbong hinggil sa nagaganap na extortion activities ng communist terrorist group sa Basey, Samar. Ayon kay Brig. Gen. Noel Vestuir, commander ng 802nd Infantry Brigade, nagsumbong ang mga residente na may extortion activities sa Sitio Bagti, Barangay Mabini, Basey, at sangkot ang nasa 10 armadong rebeldeng NPA mula sa Bugsok Platoon, Sub-regional Committee-Sesame (SRC-Sesame) ng Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC). Bago tuluyang makalapit…

Read More

DRIVER, MAG-AMA PATAY SA ROAD MISHAP

PATAY ang driver ng isang pick-up truck habang patay rin ang isang mag-ama, at apat ang sugatan sa magkakahiwalay na aksidente na kinasangkutan ng mga bus sa Davao City at Sta. Cruz, Davao del Sur. Sa unang road accident sa Barangay Bato, Sta. Cruz, Davao del Sur, wasak ang isang pick-up truck matapos na bumangga sa kasalubong na bus na ikinamatay ng driver nito. Habang sugatan naman ang mga pasahero nito kabilang ang driver at konduktor ng bus. Isa ring bus ang nasangkot sa madugong road mishap nang sumalpok ito…

Read More

3 PATAY, 7 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN

QUEZON – Tatlong pasahero ng isang pampasaherong van ang patay habang 7 pa ang sugatan sa karambola na kinasangkutan ng nasabing van at dalawa pang sasakyan sa Maharlika Highway, sa Barangay Talisay, sa bayan ng Tiaong sa lalawigan, nitong Linggo ng madaling araw. Ayon sa inisyal na report ng Tiaong Police, sangkot sa insidente dakong alas-3:30 ng madaling araw, ang isang pampasaherong Toyota van na patungong Masbate, isang Mitsubishi Xpander AUV, at pampasaherong bus na Bicol Isarog. Ayon sa imbestigasyon, patungong southbound direction ang van nang mag-overtake ito sa sinusundang…

Read More

Sa pagsasara ng Kalangitan landfill CENTRAL-NORTHERN LUZON, METRO MANILA BABAHO

CLARK FIELD – Nangangamba ang 15 milyong katao sa Central at Northern Luzon gayundin sa Metro Manila sa napipintong massive garbage crisis na magdudulot ng pagbaho at major health crisis kaugnay ng planong pagpapasara ng sanitary landfill na nakabase sa Capas, Tarlac. Ito ang ibinunyag ng mga galit na grupo ng mga hospital at toxic waste treaters na ikinatatakot ang posibleng pagka-expose sa health hazards ng mga pasyente mula sa mahigit 1,000 ospital gayundin sa maliliit na clinic, kabilang na ang mga nagtatrabaho rito sakaling tuluyan nang ipasara ang Kalangitan…

Read More

7 CHINESE NAT’LS INARESTO SA MINAHAN SA BATANGAS

INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang pitong Chinese nationals na nagtatrabaho sa isang quarry sa Batangas. Ayon kay BI Intelligence Division chief, Fortunato Manahan, Jr., ang pito ay inaresto sa isang operasyon na isinagawa ng Regional Intelligence Operations Unit (RIOU) IV-A, kasama ang government intelligence force at Taysan Municipal Police Station. Sinabi ni Manahan, target nila ang isang Wang Zhenglai, 34, na may working visa subalit may petisyon ito ng isang pekeng kumpanya kung saan dito rin nila nadiskubre ang iba pa na ilegal na nagtatrabaho.…

Read More

61 CPP-NPA MEMBERS PATAY SA MILITARY OPERATIONS

TULOY-TULOY ang paghina ng armadong pwersa ng Communist Party of the Philippines at kanilang armed wing na New People’s Army batay sa datos na hawak ng Armed Forces of the Philippines para sa unang ika-apat na bahagi ng 2024. Sa ginanap na pulong balitaan sa Philippine Army Headquarters sa Fort Bonifacio Taguig City, inihayag ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, umakyat sa 1,045 ang bilang ng mga rebelde na na-neyutralisa ng militar bunsod ng inilunsad na focused military operations. Ayon kay Col. Padilla, patuloy pang nadaragdagan ang bilang ng…

Read More