7 CHINESE NAT’LS INARESTO SA MINAHAN SA BATANGAS

INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang pitong Chinese nationals na nagtatrabaho sa isang quarry sa Batangas. Ayon kay BI Intelligence Division chief, Fortunato Manahan, Jr., ang pito ay inaresto sa isang operasyon na isinagawa ng Regional Intelligence Operations Unit (RIOU) IV-A, kasama ang government intelligence force at Taysan Municipal Police Station. Sinabi ni Manahan, target nila ang isang Wang Zhenglai, 34, na may working visa subalit may petisyon ito ng isang pekeng kumpanya kung saan dito rin nila nadiskubre ang iba pa na ilegal na nagtatrabaho.…

Read More

61 CPP-NPA MEMBERS PATAY SA MILITARY OPERATIONS

TULOY-TULOY ang paghina ng armadong pwersa ng Communist Party of the Philippines at kanilang armed wing na New People’s Army batay sa datos na hawak ng Armed Forces of the Philippines para sa unang ika-apat na bahagi ng 2024. Sa ginanap na pulong balitaan sa Philippine Army Headquarters sa Fort Bonifacio Taguig City, inihayag ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, umakyat sa 1,045 ang bilang ng mga rebelde na na-neyutralisa ng militar bunsod ng inilunsad na focused military operations. Ayon kay Col. Padilla, patuloy pang nadaragdagan ang bilang ng…

Read More

MOTORCYCLE RIDER TUGIS SA PAMAMARIL

CAVITE – Tinutugis ng mga awtoridad ang isang motorcycle rider matapos barilin at mapatay ang isang lalaki makaraan ang mainitang pagtatalo sa Bacoor City noong Miyerkoles ng hapon. Isinugod sa Las Piñas General Regional Hospital ang biktimang si alyas “Andrew” subalit idineklarang dead on arrival dahil sa mga tama ng bala sa katawan. Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng suspek na isang motorcycle rider at nakasuot ng itim na jacket, na tumakas matapos ang pamamaril. Ayon sa report, nag-uusap ang dalawa hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo. Pagkaraan ay naglabas umano…

Read More

Nagpaputok ng baril sa birthday party 1 PANG LUCENA COP KINASUHAN

ISA pang miyembro ng Lucena City PNP ang nahaharap sa kasong illegal discharge of firearms matapos na walang habas na magpaputok ng baril sa inuman sa pagdiriwang birthday ng isang residente sa Purok Masagana, Brgy. Ransohan, Lucena City noong Lunes ng gabi. Ayon sa report ng Lucena Police, Martes ng umaga, unang nakarating sa kanila ang reklamo laban sa pulis na si PSSg Arvin Anareta Sayson, 41-anyos, SWAT member ng Lucena PNP, na nagpaputok umano ng baril sa harap ng bahay ng isang residente ng barangay. Ngunit walang residenteng makapagsalita…

Read More

P3-M SHABU NASABAT SA CAVITE BUY-BUST

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P3 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam matapos maaresto ang isang hinihinalang tulak sa isinagawang buy-bust operation sa isang kilalang mall sa Bacoor City noong Huwebes ng umaga. Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng RA 9165 ang suspek na si alyas “Jalani”, 38, ng Brgy. 3, Nasugbu, Batangas. Ayon sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang pinagsamang puwersa ng Provincial Drug Enforcement Agency, Cavite Police Provincial Office (PPO), PDEA 41 RSET 1, at Bacoor City…

Read More

CONVENIENCE STORE SA CAVITE HINOLDAP

CAVITE – Tinutugis ng mga awtoridad ang isang motorcycle rider na tumangay ng P45,000 halaga ng kita ng isang kilalang convenience store sa bayan ng Tanza sa lalawigan noong Huwebes ng madaling araw. Inilarawan ang suspek na naka-motorsiklo, nakasuot ng itim na hood jacket, maong short pants, katamtaman ang pangangatawan, at tinatayang may edad na 35-anyos. Ayon sa salaysay ni Joemar Domalaon, store crew, pumasok ang suspek sa convenience store sa Brgy. Biga, Tanza, Cavite bandang alas-2:30 ng madaling araw at nagpanggap na customer. Nilapitan ng suspek si Joemar, tinutukan…

Read More

7 patay sa drug operations DAVAO CITY POLICE CHIEF SINIBAK SA PWESTO

SINIBAK sa pwestop at isinailalim sa administrative relieved bilang Davao City Police Office director si Police Colonel Richard Bad-ang, ayon sa rekomendasyon ng Regional Internal Affairs Service (RIAS) XI. Ayon kay Police Regional Office XI spokesperson, Police Major Catherine Dela Rey, ang desisyon ay inilabas matapos ang paunang imbestigasyon sa pagkamatay ng pitong indibidwal sa anti-illegal drugs operations sa lungsod mula Marso 23-26, 2024. Ayon kay Dela Rey, ginawa ang pagsibak para matiyak na hindi magiging kaduda-duda, magiging independent at credible ang isinasagawang imbestigasyon. Sinabi pa ni Del Rey, ang…

Read More

CRACKDOWN VS PRICE MANIPULATORS KASADO NA

NAGBANTA si Secretary of National Defense Gilberto C. Teodoro Jr. na tutugisin ng mga awtoridad ang hoarders at price manipulators na yumayaman sa pagpapahirap sa consumers lalo na ngayong nalalapit na ang pananalasa ang La Niña weather phenomenon sa Pilipinas. Inihayag ni Defense Secretary Teodoro ang bantang crackdown sa ginanap na fifth meeting ng Presidential Task Force on El Niño, na tugon sa problemang idudulot ng La Niña. Sa task force meeting na ginanap sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Secretary Teodoro, nakahanda ang Department of National Defense (DND) na suportahan…

Read More

Nagtanong kung saan bababa DRIVER BINUGBOG NG 2 PASAHERO

CAVITE – Sugatan ang driver ng isang baby bus makaraang pagtulungang bugbugin ng kanyang pasahero at menor de edad na kasama nito, nang tanungin kung saan sila bababa, sa bayan ng Tanza sa lalawigan nitong Linggo ng madaling araw. Hawak na ng Tanza Police ang suspek na si alyas “Vincent” at kasama nito, dahil sa reklamo ni alyas “Greg”, driver ng baby bus. Ayon sa reklamo ng biktima, tinanong nito kung saan bababa ang mga suspek dahil sila na lamang ang kanyang pasahero pagsapit sa Brgy. Calibuyo, Tanza, Cavite, bandang…

Read More