6 SAPUL SA KIDLAT SA DAVAO CITY

DAVAO CITY – Sugatan ang anim katao matapos tamaan ng kidlat noong Sabado ng hapon sa Brgy. Salaysay, Marilog District sa lungsod. Ayon sa report ng Marilog Police Station, dumalo sa kasal ang mga biktima at pauwi na nang biglang umulan dakong alas-3:00 ng hapon kaya sumilong muna ang mga ito. Subalit biglang humagupit ang isang matalim na kidlat na tumama sa puno ng niyog, hindi kalayuan sa mga ito. Naabot ng malakas na boltahe ang mga biktima matapos na tumalbog at gumapang ang kuryente dulot ng kidlat. Agad sinaklolohan…

Read More

24 KATAO PATAY SA RABIES SA BULACAN NOONG 2023

NAKAPAGTALA ang Bulacan Provincial Health Office (PHO) ng 53,013 kaso ng rabies sa taong 2023, kabilang ang namatay na dalawampu’t-apat na indibidwal. Base sa 2023 Rabies Prevention and Control Program Accomplishment Report ng PHO-Public Health, tumaas ng 4% ang animal bite case (ABC) sa Bulacan ng taong 2023 na mayroong 53,013 kaso kumpara sa 50,809 kaso noong 2022 mula sa 3.8-milyong populasyon sa probinsiya. Ayon kay PHO-Public Health Head Dr. Edwin Tecson, mula sa 24 na local government unit sa Bulacan ay 13 ang apektado kabilang na ang tig-apat na…

Read More

MOTORSIKLO, CELLPHONE NG ANGKAS DRIVER TINANGAY NG PASAHERO

CAVITE – Pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang pasahero na matapos mag-book sa Angkas driver ay hinoldap at tinangay ang cellphone at motorsiklo nito sa Dasmariñas City nitong Biyernes ng madaling araw. Personal na humingi ng tulong ang biktimang si alyas “Marlon”, isang Angkas driver, sa Dasmarinas Component City Police Station upang ireklamo ang kanyang pasahero . Sa kanyang salaysay, dakong alas-2:30 kahapon ng madaling araw nang makatanggap siya ng booking sa isang pasahero mula sa kanilang Angkas apps kung saan susunduin nito sa Brgy. Salitran 2, Dasmariñas City, Cavite.…

Read More

ANGKAS RIDER BINARIL SA SABUNGAN

CAVITE – Sugatan ang isang 35-anyos na Angkas rider nang pagbabarilin ng tatlong motorcycle rider habang papalabas galing sa isang sabungan sa Imus City noong Huwebes ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa ospital ang suspek na si alyas “Jeffrey”, 35, ng Pasong Buaya 1, Imus City, dahil sa tama ng bala sa kanyang katawan. Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng tatlong suspek na sakay ng motorsiklo na tumakas matapos ang pamamaril. Ayon sa ulat, dakong alas-11 ng gabi nangyari ang insidente sa harapan ng New Imus Cockpit Arena sa Brgy. Malagasang…

Read More

2 LALAKI INATAKE NG ARMADO, 1 PATAY

CAVITE – Patay ang isang lalaki nang pagsasaksakin ng kanyang kainuman nang magkapikunan sa kanilang kwentuhan sa Dasmariñas City sa lalawigan nitong Huwebes ng madaling araw. Sa mismong lugar ng inuman nalagutan ng hininga ang biktimang si alyas “Gil”, nasa hustong edad, habang kusang loob namang sumuko ang suspek na si alyas “Fredo”. Ayon sa ulat, nag-iinuman ang biktima at suspek na inabot ng madaling araw ngunit sa kalagitnaan ng kanilang kwentuhan ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo. Hanggang sa naglabas ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang biktima na nagresulta…

Read More

2 ABANDONED VEHICLES INUUGNAY SA NASABAT NA 1.4 TONS DROGA

POSIBLENG konektado sa 1.4 tons ng illegal drugs na nasabat sa Batangas noong Abril 15, ang dalawang SUV na inabandona sa bayan ng San Luis sa lalawigan ng Pampanga. Natuklasan ng mga awtoridad na isang itim na Toyota Land Cruiser ang inabandona sa isang sementeryo, at isang puting Ford Explorer naman ang iniwan sa open parking space ng isang sabungan. Nakita ang dalawang sasakyan pasado alas-onse ng gabi noong Linggo, Abril 21. Ayon kay PCol. Jean Fajardo, spokesperson ng PNP, base sa pag-review ng PNP sa mga lugar na dinaanan…

Read More

2 BARKO NAGBANGGAAN SA BATANGAS

BUMANGGA ang isang motor vessel sa isang motor tanker sa karagatan ng Mabini, Batangas noong Abril 22, ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Huwebes. Sinabi ng PCG, bumangga ang M/V Everwin 11 sa kaliwang likurang bahagi ng Mtkr Oak Express na nakadaong sa Landoor Pier. Base sa ulat ng M/V Everwin 11, sinabi ng PCG na ang malakas na agos ng dagat at hangin ang naging dahilan upang makaladkad at sumalpok ang nagmamaniobra na sasakyang de-motor, sa Mtkr Oak Express. Ayon sa PCG, bumaliko ang stanchion post,…

Read More

P4.8-M SHABU, PARTY DRUGS NASABAT SA ANGELES CITY

MAHIGIT P4.8-milyong halaga ng iba’t ibang klase ng droga ang nakumpiska ng pinagsanib na mga operatiba ng Angeles City Police-Drug Enforcement Unit at City Intelligence Unit ng Angeles City Police Office, sa arestadong dalawang indibidwal kabilang ang isang Chinese national, sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Malabanias sa lungsod noong Miyerkoles ng hapon, Abril 24. Kinilala ni Angeles City Police Office director, PCol. Amado Mendoza ang dalawang suspek na sina Leslie Sumabal Acunin, alyas “Lexie,” 19, at Chinese national na si Zhe Huang, 30-anyos. Sinabi ni Mendoza, nakumpiska sa dalawa…

Read More

P5.1-M DROGA NASABAT SA SERYE NG OPERASYON SA CENTRAL VISAYAS

MAHIGIT P5.1 milyong shabu ang narekober ng mga awtoridad sa loob lamang ng isang araw sa Central Visayas nitong nakaraang Biyernes, April 19. Nasamsam ang droga na tinatayang nasa 762 gramo mula sa apat na suspek na ipinagharap na ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). Ayon kay Police Brigadier General Anthony Aberin, PRO7 Regional Director, ang malaking drug seizure ay resulta ng masusing pagpaplano at intelligence-driven operations na tumagal ng ilang linggo. “Ang pag-aresto at pag-agaw ay isang…

Read More