KELOT PATAY SA SAKSAK

CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa natagpuang bangkay na may mga tama ng saksak sa katawan, sa bakanteng lote ng isang subdibisyon noong Linggo ng umaga sa Imus City. Ayon sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga nang natagpuang ang bangkay ng hindi pa kilalang biktima, ng ilang residente sa bakanteng lote sa Pallas Athena Classic Riverside sa Brgy. Anabu 2-B, Imus City, Cavite. Nagsasagawa ng backtracking sa CCTV ang mga awtoridad upang mabatid kung kung paano napadpad sa lugar ang biktima. (SIGRED ADUARA) 383

Read More

2 NALUNOD SA OUTING SA QUEZON

QUEZON – Nagtala ng dalawang kaso ng pagkalunod sa magkahiwalay na insidente sa lalawigan nitong weekend. Unang nalunod ang binatang service crew na kinilala sa pangalang “Melchor”, 23-anyos, habang naliligo sa ilog sa Hayahay Agos Resort sa Barangay Magsaysay, Infanta, Quezon mag-aalas 11:00 ng umaga noong Linggo. Kasama nito ang kanyang pinsan na naliligo sa mababaw na bahagi ng Agos River habang nagluluto naman ng pagkain ang kanilang mga kasama. Pagkalipas ng ilang minuto ay nakita na lamang itong nakalutang sa tubig. Agad itong sinaklolohan at isinugod sa ospital subalit…

Read More

MAGSASAKA NAHULOG SA PUNO NG MANGGA, PATAY

BATANGAS – Patay ang isang magsasaka matapos na mahulog mula sa puno ng mangga sa Brgy. Sawang sa bayan ng Lobo sa lalawigan noong Linggo ng hapon. Hindi umabot nang buhay sa ospital ang biktimang si Ruben De Mesa, 56-anyos, matapos mabagok ang ulo sa pagkahulog. Ayon sa report, dakong alas-4:00 ng hapon, nang akyatin ng biktima ang puno para putulin ang ilang sanga nito nang bigla itong mawalan ng panimbang. Bumulusok ito at direktang bumagsak sa lupa na naging dahilan ng agarang pagkamatay nito. (NILOU DEL CARMEN) 328

Read More

BAHAY INARARO NG TRUCK, SANGGOL NAKALIGTAS

DAVAO CITY – Himalang nakaligtas ang isang 9-buwan gulang na sanggol na babae matapos araruhin ng isang trailer truck ang bahay na kinaroroonan nito sa Brgy. Suawan, Marilog District sa lungsod noong Linggo ng umaga. Ayon sa Marilog Police Station ng Davao City PNP, galing Bukidnon ang truck at papunta sa Davao City ngunit nawalan umano ng kontrol ang driver kaya dumiretso ito sa gilid ng kalsada at sumalpok sa bahay. Bukod sa bahay, inararo rin ng truck ang isang tricycle at isang motorsiklo na parehong nakaparada sa gilid ng…

Read More

2 PATAY, 3 SUGATAN SA SALPUKAN NG GOV’T VEHICLE AT TRUCK

SOUTH COTABATO – Patay ang dalawang empleyado ng LGU ng Tupi sa lalawigan matapos sumalpok ang sinasakyan nilang pick-up sa sinusundang truck at masalpok pa uli ng kanila namang kasalubong na isa pang truck sa national highway sa Barangay Polonuling sa nasabing bayan noong Huwebes ng umaga. Kinilala ang mga nasawi na sina Mark Anthony Romano Zabala, 35, nagmamaneho ng Mazda pick-up na official vehicle ng LGU, at Hernando Carlo Cortez, 26-anyos. Ayon sa report ng Tupi Police, mag-aalas 5:00ng umaga, binabaybay ng pick-up ng mga biktima ang national highway…

Read More

HINABOL NG MGA TANOD, PWD NALUNOD SA ILOG

BATANGAS CITY – Walang buhay na lumutang ang isang binata na sinasabing may kapansanan sa pag-iisip, nang tumalon sa ilog habang hinahabol umano ito ng nagpapatrolyang mga tanod ng Brgy. Pallocan West sa lungsod noong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si John Louie Aclan, 19-anyos. Ayon sa report ng Batangas City Police, dakong alas-6:00 ng umaga nang marekober ang labi ng biktima sa Calumpang River ng search and rescue team ng CDRRMO, mga barangay tanod at mga residente ng lugar. Ayon sa nakasaksing mga residente, tumalon sa ilog…

Read More

2 MUSMOS INIWAN SA BAHAY, PATAY SA SUNOG

CAVITE – Natusta ang dalawang musmos nang lamunin ng apoy ang kanilang barong-barong matapos iwanan ng kanilang nanay upang maghanap ng panggatong sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang mga biktimang musmos na sina Rhyle, 3, at Rhian, isang kindergarten student, at residente ng Brgy. Biluso, Silang, Cavite. Ayon sa ina ng mga biktima, iniwan niya saglit ang kanyang dalawang anak sa barong-barong upang maghanap ng panggatong subalit pagbalik niya ay nasusunog na ang kanilang bahay sa Purok 1, Brgy. Biluso, Silang, Cavite dakong alas-3:00…

Read More

Matapos makipag-away sa ka-live-in GINANG NATAGPUANG PATAY

QUEZON – Humihingi ng malalimang imbestigasyon ang ina ng isang ginang na natagpuang walang buhay sa kanilang bahay sa Sitio Ilaya, Brgy. Abang, sa bayan ng Lucban sa lalawigan noong Huwebes ng umaga. Ayon sa report ng Lucban Police, dakong alas-6:00 ng umaga, ipagbigay-alam sa pulisya ng live-in partner ng ginang na si Yveth Sales, 35-anyos, ang pagkamatay nito. Ayon sa pahayag ng ka-live-in na si Alex Ubaña, nagisnan na lamang niya na patay na ang biktima habang nakahiga sa kuwarto. Sa paunang pagsisiyasat ng Municipal Health Officer ng Rural…

Read More

Sender at receiver ‘di makontak MARIJUANA NADISKUBRE NG RIDER SA PARCEL

CAVITE – Tinutunton ng Cavite Police ang sender at receiver ng isang parcel na naglalaman ng tinatayang 150 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana makaraang madiskubre ng isang Lalamove rider nang mabigong mai-deliver sa receiver ang parcel sa Rodriguez, Rizal noong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ang mga pinaghahanap ng pulisya na sina alyas “Gerard”, ng Dasmariñas City, Cavite, at alyas “Ismael”, ng Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal. Nabatid sa imbestigasyon, dakong alas-3:00 ng hapon noong Miyerkoles nang pik-apin ng Lalamove rider na si alyas “Josh” ang isang parcel mula…

Read More