CEBU – Umabot sa 11 kabahayan ang nawasak matapos na manalasa ang isang buhawi sa bayan ng Liloan sa lalawigan noong Lunes ng hapon. Ayon sa PAGASA Visayas, naranasan sa malaking bahagi ng Cebu ang matinding thunderstorm kahapon na dulot ng easterlies at sa kalagitnaan ng thunderstorm ay biglang nanalasa ang buhawi sa bahagi ng town proper ng Liloan. Sa kuhang video ng mga residente, makikitang nagsimula ang buhawi sa may baybaying dagat hanggang umakyat ito sa kalupaan at tumama sa mga kabahayan. Kabilang sa grabeng naapektuhan ang Purok Greenhills…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
Bagong kasal, 4 pa missing, 1 natagpuang patay 17 PASAHERO NG PICK-UP TRUCK TINANGAY NG BAHA
CEBU β Labing-pitong katao na sakay ng isang pick-up truck ang tinangay ng rumaragasang tubig baha noong Lunes, kabilang ang anim na patuloy na pinaghahanap at isang 11-anyos na bata na natagpuang patay na. Ayon sa ulat ng local Office of Civil Defense at ng Cebu PNP, sakay ang 17 magkakamag-anak ng isang pulang Isuzu DMax pick-up truck nang biglang lumaki ang tubig sa ilog sa Barangay Cantumog, bayan ng Carmen, Northern Cebu Province, kaya naanod ang mga sakay nito habang tumatawid sa ilog. Sa 17 pasahero, sampu ang iniulat…
Read MoreVEGETABLE TRADER PATAY SA AMBUSH
BATANGAS – Patay ang isang negosyante ng gulay na taga Nueva Ecija na dumadayo pa ng pamimili sa Tanauan City, matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek noong Linggo ng hapon. Kinilala ang biktimang si Elmar Fabroa, 39, tubong Banay-Banay, Davao Oriental, at residente ng Gapan, Nueva Ecija. Batay sa report ng Tanauan City Police, mag-aala-una ng hapon, nakaupo ang biktima sa driver seat ng kanyang sasakyan na kinakargahan ng mga gulay, nang malapitan itong pagbabarilin ng suspek sa Brgy. Luyos, Tanauan City. Mabilis namang tumakas ang suspek na sumakay…
Read More2 CUSTOMER NG RESTOBAR, SINAKSAK SA MASAMANG TINGIN
CAVITE β Hinihinalang dahil lamang sa masamang tingin kaya sinaksak ang dalawang customer ng isang lalaki sa isang restobar sa Cavite City noong Linggo ng madaling araw. Nasa kustodiya na ng Cavite Component City Police Station ang suspek na si alyas “Ian”, nahaharap sa kasong frustrated homicide. Ayon sa ulat, nag-iinuman ang suspek at mga biktima sa magkahiwalay na mesa sa Jazen Restobar sa Molino St., Brgy. 41, Cavite City nang mapatingin ang biktima na si alyas “Dan” sa mesa ng grupo ng suspek bandang alas-4:30 g madaling araw. Hindi…
Read MoreBINATA BINARIL SA ULO NG LIVE-IN PARTNER NG GF
QUEZON – Patay ang isang 24-anyos na binata matapos barilin ng live-in partner ng babaeng kanya ring karelasyon sa Barangay Kulapi, sa bayan ng Lucban sa lalawigan noong Linggo ng hapon. Kinilala ng biktimang si Reggie Nagar, residente ng Brgy. Malupak, Lucban. Ayon sa report, dumating ang biktima sakay ng motorsiklo at bibili ng sigarilyo sa tindahan nang barilin ng dalawang beses sa ulo ng nag-aabang na suspek na kinilala sa pangalang “Mark”, 29-anyos. Agad ding tumakas ang suspek matapos ang pamamaril habang isinugod naman ng mga kaanak ang biktima…
Read MoreSTAND UP QUEZON INILUNSAD NI GOV. TAN
INILUNSAD ni Gob. Doktora Helen Tan ng lalawigan ng Quezon ang STAND UP Quezon bilang bagong local political party. Ito ay nilahukan ng mayorya ng lahat ng kasalukuyang nakaupong halal na opisyal sa buong probinsya. Isusulong ng Solidarity for Transformation, Advancement and Nationalism towards a Dynamic, United and Progressive Quezon Province o STAND UP Quezon ang malawakang pagkilos upang labanan ang matinding kahirapan na nararanasan ng maraming mamamayan sa lalawigan. “Malinaw ang ating layunin. Tayo ay naririto dahil nakahanda tayong tumayo para sa kagalingan ng ating mga kalalawigan. Ang panawagan…
Read MoreLALAKING PINILIT MAG-SHABU, NANAKSAK
QUEZON – Patay ang isang lalaki matapos na saksakin ng kainumang kanyang pilit na pinagamit ng shabu sa Purok Kaimito, Brgy. Ilayang Talim, Lucena City noong Biyernes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Darwin Panelo, tubong Padre Burgos, Quezon, idineklarang dead on arrival sa Lucena United Doctors Hospital dahil sa mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ayon sa report ng Lucena City Police, mag-aalas-2:00 ng madaling araw, nag-inuman ang biktima at ang suspek na si Anthony Albutra Alegre sa bahay ng isa nilang kaibigan na…
Read MoreMAG-ASAWA PATAY SA LAND DISPUTE
BUTUAN CITY β Dead on arrival sa pagamutan ang isang mag-asawa na dadalo sa ipinatawag na pagdinig sa barangay, nang tambangan ng hindi pa kilalang riding in tandem gunmen sa lungsod. Ayon sa ulat ng Butuan City Police Office, namatay ang mag-asawa makaraang pagbabarilin sa loob ng kanilang sasakyan . Lumitaw sa inisyal na pagsisiyasat, dadalo ang mga biktima sa pagdinig sa barangay hall subalit ipinagpaliban ito. Bunsod nito, nagpasya ang mag-asawa na umuwi na lamang at habang binabaybay ang daan pabalik ay dinikitan sila ng hindi pa kilalang mga…
Read More2 DATING PULIS ARESTADO SA PAGPATAY SA BEAUTY QUEEN, ISRAELI BF
DALAWANG dating pulis ang dinakip ng mga awtoridad kasama ang isang real estate middleman at isa pang person of interest na hinihinalang sangkot sa pagkawala ng Pampanga beauty pageant candidate na si Geneva Lopez at Israeli fiancΓ© nito na si Yitzhak Cohen, natagpuang naaagnas nang bangkay noong Sabado, Hulyo 6, 2024, sa isang quarry site sa Tarlac. Kinumpirma nina Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos at PNP chief, General Rommel Francisco Marbil ang pagkakaaresto kay Michael Angelo Guiang kaugnay sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunitions…
Read More