Makaraang magpositibo sa droga 11 BARIL NG KUMPANYA TINANGAY NG SEKYU

CAVITE – Makaraang magpositibo sa drug test, nag-AWOL (Absent Without Official Leave) ang isang security inspector at tinangay ang 11 baril ng kanilang kumpanya sa DasmariΓ±as City noong Huwebes ng hapon. Pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si alyas “Eddie” 32, security inspector ng La Immaculada Security Agency at residente ng DasmariΓ±as City, nahaharap sa kasong qualified theft. Una dito, nagsagawa ng random drug testing ang La Immaculada Security Agency sa Brgy. San Agustin II, DasmariΓ±as City, Cavite noong Hunyo 6, 2024 sa kanilang mga security guard kabilang si Eddie.…

Read More

BABAE PINATAY NG KA-DATE SA HOTEL

CAVITE – Pinaghahanap ng Cavite Police ang isang lalaki na responsable sa pagpatay sa isang babae na kanyang kasama nang pumasok sa isang hotel sa DasmariΓ±as City noong Miyerkoles ng madaling araw. Ang suspek na si alyas “Rommel”, na may address sa Maybangcal, Morong, Rizal ang itinuturong pumatay sa biktimang isang 40 hanggang 50-anyos na babae. Ayon sa ulat, bandang ala-1:57 ng madaling araw noong Miyerkoles nang mag-check-in ang suspek at biktima sa Room 304 ng Solfacio Hotel sa Brgy. Zapote 1, Bacoor City, Cavite ng 12 oras. Bandang alas-6:30…

Read More

NANITANG TRAFFIC ENFORCER INARARO NG BUS, PATAY

CAVITE – Patay ang isang traffic enforcer nang araruhin ng driver ng pampasaherong bus matapos itong sitahin dahil sa paglabag sa batas trapiko sa DasmariΓ±as City noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang biktimang si Alfredo Datoon, miyembro ng Traffic Management Unit ng DasmariΓ±as City, namatay sa pinangyarihan ng insidente. Hawak na ng pulisya ang suspek na si alyas “Rollie”, driver ng Erjhon & Almark bus na may plakang UMN 117, at residente ng Brgy. Galicia 2, Mendez, Cavite. Ayon sa ulat ni Police Master Sergeant Richard Domingo ng DasmariΓ±as Component…

Read More

3 pang undocumented boats nadiskubre YATE SA 1.4 TONS SHABU KUMPISKADO

NADISKUBRE ng Bureau of Customs (BOC) ang tatlong undocumented boats matapos kumpiskahin ang yate na ginamit sa pagbiyahe ng 1.4 toneladang shabu na nasabat sa Alitagtag, Batangas. Sa pakikipagtulungan ng BOC sa Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nagsagawa rin ng kanilang sariling imbestigasyon ang Aduana. Magugunitang nasabat ng mga awtoridad ang ilegal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng P9.68 billion, sa inilatag na police checkpoint sa Alitagtag, Batangas noong Abril 15, 2024. Nadiskubre ng BOC ang tatlo pang karagdagang pribadong yate na pag-aari rin ng…

Read More

3 MAIL-ORDER BRIDES NASABAT NG BI SA CEBU

NAUDLOT ang tangkang pagbiyahe ng tatlong Pinay na nagpakita ng PSA issued marriage certificates, nang pigilan sila ng mga tauhan ng Bureau of immigration (BI) sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) sa magkahiwalay na insidente. Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang mga babaeng biktima ay may edad na 29, 25, at 24-anyos. Ang babaeng 29-anyos na kasama ang 30-anyos Chinese man na nagpakilalang asawa nito, ay tinangkang sumakay ng biyaheng China Eastern Airlines flight patungo sa Shanghai nang nasabat sila ng mga miyembro ng BI Immigration Protection and Border Enforcement…

Read More

RETIRADONG PULIS PATAY SA PAMANGKIN

CAVITE – Patay ang isang retiradong pulis nang pagbabarilin ng kanyang pamangkin habang nag-iinuman sa kanilang bahay sa bayan ng Kawit sa lalawigan nitong Martes ng madaling araw. Isinugod sa Kalayaan Hospital ang biktimang si alyas “Reynaldo”, may asawa, isang retiradong pulis, ng Brgy. San Sebastian, Kawit, Cavite subalit idineklarang dead on arrival. Pinaghahanap naman ng pulisya ang pamangkin nito na si alyas “Edwin” na tumakas matapos ang insidente. Ayon sa ulat, bandang ala-1:05 ng madaling araw nang mangyari ang insidente habang nag-iinuman ang dalawa kasama ang isa pang lalaki,…

Read More

CONVENIENCE STORE CREW PINOSASAN NG HOLDAPER

CAVITE – Nagdeklara ng holdap at pinosasan ang mga empleyado saka tinangay ang tinatayang P43K cash na kita ng isang sangay ng kilalang convenience store sa bayan ng Tanza sa lalawigan noong Linggo ng umaga. Inilarawan ang mga suspek na magkaangkas sa isang dilaw na motorsiklo at tumakas sa direksyon ng Tanza proper. Ayon sa ulat, pumasok ang mga suspek sa nasabing convenience store sa Brgy. Biga, Tanza, Cavite bandang alas-8:30 ng umaga at nagpanggap na mga customer. Nang mapansin na wala pang customer, naglabas ng ‘di nabatid na kalibre…

Read More

SUV NG SUSPECTS SA MISSING BEAUTY QUEEN, PARTNER; NATAGPUAN SA TARLAC

NATAGPUAN sa Sitio Barbon, Tibag, Tarlac City ang abandonadong SUV na pinaniniwalaang sasakyan ng mga ‘person of interest’ sa pagkawala ng Kapampangan beauty queen na si Geneva Lopez at Israeli boyfriend nitong si Yitzhak Cohen. Bandang alas-8 ng gabi noong Linggo nang matagpuan ng mga operatiba ng CIDG ang abandonadong sasakyan habang nakaparada sa gilid ng isang bahay. Ang SUV na isang puting Nissan Terra na may plakang NGN 9240, ay pinaniniwalaang sasakyan ng POIs na sangkot sa pagkawala ng dalawa. Isinagawa ang operasyon nang makatanggap ng impormasyong ang mga…

Read More

WANTED SA ZAMBOANGA, NABITAG SA MAYNILA

NAHULOG sa bitag ng mga operatiba ng Directorate for Investigation and Detective Management Division ng Manila Police District (DIDMD), ang isang 30-anyos na construction worker na suspek sa isang kaso, nang matunton ito sa Recto Mall sa CM Recto Avenue sa Maynila noong Linggo ng hapon. Kinilala ang suspek na si alyas “Oding”, binata, ng Mapulang Lupa, Pandi, Bulacan. Ayon sa ulat ni Police Major Dave Garcia, hepe ng Warrant Investigation Section, na pinangasiwaan ni Police Colonel Orlando Mirando Jr., hepe ng DIDMD, bandang alas-3:30 ng hapon nang maaresto ang…

Read More