ISABELA β Patay ang isang saleslady nang masalpok ng pampasaherong bus sa national highway sa bayan ng San Mateo sa lalawigan noong Lunes ng gabi. Kinilala ng San Mateo Police ang biktimang si Julie Dumo, 49, residente ng Barangay Sinamar Sur sa nasabi ring bayan. Batay sa report ng pulisya, galing sa trabaho ang biktima nang masalpok ng Victory Liner bus pasado alas-7:00 ng gabi. Umo-overtake umano ang bus sa isa pang sasakyan nang mahagip nito ang biktima na noon ay nasa kabilang lane at patawid ng kalsada kung saan…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
BUS NAHULOG SA KANAL SA DAVAO DEL SUR, 4 SUGATAN
DAVAO DEL SUR β Apat na pasahero ang sugatan nang mahulog sa kanal ang isang pampasaherong bus sa Digos-Makar Road, sa national highway sa Purok 3, Barangay Balutakay sa bayan ng Hagonoy, sa lalawigan noong Martes ng madaling araw. Ayon sa Davao del Sur Provincial Police, binabaybay ng bus ang national highway papuntang Davao City nang mawalan ng kontrol ang driver dahil basa at madulas ang kalsada bunsod ng mga pag-ulan. Nag-overshoot ito sa kalsada at patagilid na nahulog sa kanal sa gilid ng highway. Sa video ng isang netizen,…
Read MoreBAYAN SA NEGROS OCCIDENTAL ISINAILALIM SA STATE OF CALAMITY
BUKOD sa Canlaon City, nagdeklara na rin ng state of calamity ang La Castellana sa Negros Occidental Ayon kay Mayor Rhumyla Nicor Mangilimutan ng La Castellana, bagama’t higit sa dalawang barangay lamang ang direktang apektado ng ash fall noong Lunes ng gabi ngunit ang amoy ng asupre ay nakaapekto sa 13 barangay ng bayan. Pinaghahandaan din ng LGU ang posibilidad na lumalala pa ang sitwasyon dahil kung pagbabasehan ang naunang pattern ng pag-aalburuto ng bulkan noon ay maaari pa itong magkaroon ng kasunod na pagsabog. At ito ang pinaghahandaan pa…
Read MoreAFP NAGTALAGA NG BAGONG PINUNO NG EASTERN MINDANAO COMMAND
NAGTALAGA ang Armed Forces of the Philippine ng bagong mamumuno ng kanilang pwersa sa Eastern Mindanao Command. Hinugot si Major General Jose Maria R. Cuerpo II, ang commander ng 4th Infantry (Diamond) Division mula sa Northern Mindanao, para magsilbing Acting Commander ng AFP Eastern Mindanao Command. Hinalinhan ni MGen. Cuerpo si Lieutenant General Greg T. Almerol dahil sumapit na ito sa kanyang mandatory retirement age kasunod ng ginanap na Retirement and Change of Command Ceremony sa Naval Station Felix Apolinario sa Camp Panacan, Davao City. Pinangunahan ni Lieutenant General Charlton…
Read More49 PULIS SA BAMBAN NI-RELIEVE SA PWESTO
SINIBAK sa pwesto ang 49 na pulis ng Bamban Municipal Police Station sa probinsya ng Tarlac, epektibo kahapon ng umaga, Hunyo 3, 2024. Ito ay kaugnay umano sa isinasagawang imbestigasyon sa POGO raid sa nasabing lugar. Pinangunahan ng hepe ng Region 3 na si PBGen. Jose Hidalgo Jr., ang turnover at relief sa mga tauhan ng nasabing istasyon dakong alas-7:30 ng umaga nitong Martes. Pansamantalang itatalaga ang na-relieve na mga pulis sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit ng Police Regional Office 3 para sumailalim sa FORM POLICE, sa Schools…
Read MorePICK-UP TRUCK SWAK SA BANGIN; PCG MEMBER PATAY, 5 PA SUGATAN
DEAD on the spot ang isang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) habang tatlong opisyal, isang seaman at isang sibilyan ang sugatan nang mahulog ang sinasakyan nilang pick-up truck sa bangin sa Taytay, Palawan noong Linggo. Sa ibinahaging report ni Coast Guard District Palawan (CGD-Pal) spokesperson Ens. Chrieson Dave Gabayan, sakay ng Toyota Hilux pick-up ang mga tauhan ng PCG patungong El Nido bandang alas-10:00 ng umaga. Ayon sa ulat mula sa Palawan Police, ang pick-up truck na minamaneho ni Apprentice Seaman Alfredric Decon, 29, ay nag-overtake sa isang motorsiklo…
Read MoreNATAKASAN NG 8 PRESO, 2 JAIL GUARD SINIBAK
SINIBAK sa kanilang puwesto at inilagay sa restrictive custody ang dalawang jail guard ng San Jose del Monte City Police Station matapos matakasan ng walong preso nitong Linggo ng madaling araw sa San Jose del Monte City, Bulacan. Ayon kay PMSgt. Rod Pating, officer on case, na-recover na ng binuong tracker team ang apat sa walong pumuga habang patuloy na tinutugaygayan ang apat pa. Paliwanag ni Pating, maaaring maharap sa administrative case o mapatawan ng sanction ang mga jail guard depende sa makikitang kapabayaan kung bakit nakapuga ang binabantayan nilang…
Read MoreLALAKI NALUNOD HABANG NANGINGISDA
CAVITE β Nalunod ang isang 44-anyos na lalaki makaraang sumpungin ng pulikat ang paa nito habang nangingisda sa Manila Bay sakop ng Bacoor City noong Linggo ng umaga. Isinugod sa Las PiΓ±as General Hospital ang biktimang si alyas “Ronald”, ng Manuel Talon Singko, Las PiΓ±as City, subalit idineklarang dead on arrival. Ayon sa salaysay ng nakatatandang kapatid nito na si alyas “Brendo”, nagtungo ang magkapatid sa dagat sa Manila Bay sakop ng Brgy. Zapote III, Bacoor City bandang alas-10:30 ng umaga upang mangisda. Pumailalim sa tubig ang magkapatid ngunit habang…
Read MoreMAG-ANAK SUGATAN SA SALPOK NG KOTSE
QUEZON – Sugatan ang limang miyembro ng pamilya na lulan ng tricycle makaraang salpukin ng kotse sa junction ng Eco Tourism Road at National Highway sa Brgy. Manggalang Bantilan sa bayan ng Sariaya, sa lalawigan noong Linggo ng umaga. Kinilala ang mga sugatan na sina Mark Joseph Maleon, 37, nagmamaneho sa tricycle; Jeseca Maleon, 39, at kanilang tatlong anak na may edad 10, 14 at 16-anyos, mga residente ng Brgy. Sinala, Bauan, Batangas. Ayon sa report ng Sariaya Police, galing ng Bauan ang pamilya at patungo sa Sariaya at tinatahak…
Read More