PATAY ang isang miyembro ng New People’s Army kasunod ng nangyaring engkwentro nang tumugon ang mga sundalo mula sa Philippine Army 63rd Infantry “Innovator” Battalion, sa sumbong hinggil sa nagaganap na extortion activities ng communist terrorist group sa Basey, Samar. Ayon kay Brig. Gen. Noel Vestuir, commander ng 802nd Infantry Brigade, nagsumbong ang mga residente na may extortion activities sa Sitio Bagti, Barangay Mabini, Basey, at sangkot ang nasa 10 armadong rebeldeng NPA mula sa Bugsok Platoon, Sub-regional Committee-Sesame (SRC-Sesame) ng Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC). Bago tuluyang makalapit…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
DRIVER, MAG-AMA PATAY SA ROAD MISHAP
PATAY ang driver ng isang pick-up truck habang patay rin ang isang mag-ama, at apat ang sugatan sa magkakahiwalay na aksidente na kinasangkutan ng mga bus sa Davao City at Sta. Cruz, Davao del Sur. Sa unang road accident sa Barangay Bato, Sta. Cruz, Davao del Sur, wasak ang isang pick-up truck matapos na bumangga sa kasalubong na bus na ikinamatay ng driver nito. Habang sugatan naman ang mga pasahero nito kabilang ang driver at konduktor ng bus. Isa ring bus ang nasangkot sa madugong road mishap nang sumalpok ito…
Read More3 PATAY, 7 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN
QUEZON β Tatlong pasahero ng isang pampasaherong van ang patay habang 7 pa ang sugatan sa karambola na kinasangkutan ng nasabing van at dalawa pang sasakyan sa Maharlika Highway, sa Barangay Talisay, sa bayan ng Tiaong sa lalawigan, nitong Linggo ng madaling araw. Ayon sa inisyal na report ng Tiaong Police, sangkot sa insidente dakong alas-3:30 ng madaling araw, ang isang pampasaherong Toyota van na patungong Masbate, isang Mitsubishi Xpander AUV, at pampasaherong bus na Bicol Isarog. Ayon sa imbestigasyon, patungong southbound direction ang van nang mag-overtake ito sa sinusundang…
Read MoreSa pagsasara ng Kalangitan landfill CENTRAL-NORTHERN LUZON, METRO MANILA BABAHO
CLARK FIELD β Nangangamba ang 15 milyong katao sa Central at Northern Luzon gayundin sa Metro Manila sa napipintong massive garbage crisis na magdudulot ng pagbaho at major health crisis kaugnay ng planong pagpapasara ng sanitary landfill na nakabase sa Capas, Tarlac. Ito ang ibinunyag ng mga galit na grupo ng mga hospital at toxic waste treaters na ikinatatakot ang posibleng pagka-expose sa health hazards ng mga pasyente mula sa mahigit 1,000 ospital gayundin sa maliliit na clinic, kabilang na ang mga nagtatrabaho rito sakaling tuluyan nang ipasara ang Kalangitan…
Read More7 CHINESE NAT’LS INARESTO SA MINAHAN SA BATANGAS
INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang pitong Chinese nationals na nagtatrabaho sa isang quarry sa Batangas. Ayon kay BI Intelligence Division chief, Fortunato Manahan, Jr., ang pito ay inaresto sa isang operasyon na isinagawa ng Regional Intelligence Operations Unit (RIOU) IV-A, kasama ang government intelligence force at Taysan Municipal Police Station. Sinabi ni Manahan, target nila ang isang Wang Zhenglai, 34, na may working visa subalit may petisyon ito ng isang pekeng kumpanya kung saan dito rin nila nadiskubre ang iba pa na ilegal na nagtatrabaho.…
Read More61 CPP-NPA MEMBERS PATAY SA MILITARY OPERATIONS
TULOY-TULOY ang paghina ng armadong pwersa ng Communist Party of the Philippines at kanilang armed wing na New People’s Army batay sa datos na hawak ng Armed Forces of the Philippines para sa unang ika-apat na bahagi ng 2024. Sa ginanap na pulong balitaan sa Philippine Army Headquarters sa Fort Bonifacio Taguig City, inihayag ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, umakyat sa 1,045 ang bilang ng mga rebelde na na-neyutralisa ng militar bunsod ng inilunsad na focused military operations. Ayon kay Col. Padilla, patuloy pang nadaragdagan ang bilang ng…
Read MoreMOTORCYCLE RIDER TUGIS SA PAMAMARIL
CAVITE – Tinutugis ng mga awtoridad ang isang motorcycle rider matapos barilin at mapatay ang isang lalaki makaraan ang mainitang pagtatalo sa Bacoor City noong Miyerkoles ng hapon. Isinugod sa Las PiΓ±as General Regional Hospital ang biktimang si alyas “Andrew” subalit idineklarang dead on arrival dahil sa mga tama ng bala sa katawan. Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng suspek na isang motorcycle rider at nakasuot ng itim na jacket, na tumakas matapos ang pamamaril. Ayon sa report, nag-uusap ang dalawa hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo. Pagkaraan ay naglabas umano…
Read MoreNagpaputok ng baril sa birthday party 1 PANG LUCENA COP KINASUHAN
ISA pang miyembro ng Lucena City PNP ang nahaharap sa kasong illegal discharge of firearms matapos na walang habas na magpaputok ng baril sa inuman sa pagdiriwang birthday ng isang residente sa Purok Masagana, Brgy. Ransohan, Lucena City noong Lunes ng gabi. Ayon sa report ng Lucena Police, Martes ng umaga, unang nakarating sa kanila ang reklamo laban sa pulis na si PSSg Arvin Anareta Sayson, 41-anyos, SWAT member ng Lucena PNP, na nagpaputok umano ng baril sa harap ng bahay ng isang residente ng barangay. Ngunit walang residenteng makapagsalita…
Read MoreP3-M SHABU NASABAT SA CAVITE BUY-BUST
CAVITE – Tinatayang mahigit sa P3 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam matapos maaresto ang isang hinihinalang tulak sa isinagawang buy-bust operation sa isang kilalang mall sa Bacoor City noong Huwebes ng umaga. Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng RA 9165 ang suspek na si alyas “Jalani”, 38, ng Brgy. 3, Nasugbu, Batangas. Ayon sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang pinagsamang puwersa ng Provincial Drug Enforcement Agency, Cavite Police Provincial Office (PPO), PDEA 41 RSET 1, at Bacoor City…
Read More