APAT PATAY SA HINIHINALANG TOXIC GAS SA BARKO

PATAY ang apat na tripulante ng isang fishing vessel habang kritikal naman ang isa pa nilang kasamahan matapos umanong malason ng kemikal o maubusan ng oxygen sa loob ng compartment ng barko na nakadaong sa canning facilities ng isang sardines factory sa Barangay Cawit, Zamboanga City. Sa ulat ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, nag-collapse ang mga biktima sa loob ng hatch o imbakan ng F/V Kevin habang naka-dock ito sa sardines processing facility kamakalawa ng umaga. Kinilala ang mga nasawi na sina Ranillo Sanugal Jr., 27; John…

Read More

ESTUDYANTE ARESTADO NANG BALIKAN ANG NAIWANG LATA NA MAY DROGA

ARESTADO ang isang 18-anyos na estudyante matapos mahulihan ng hinihinalang shabu nang balikan nito ang naiwang container can sa isang restaurant sa General Trias City, Cavite, Huwebes ng umaga. Nakakulong ngayon sa General Trias Component City Police Station ang suspek na si alyas “Renzo,” residente ng Mary Cris Complex, Brgy. Pasong Camachile 2, General Trias City. Nag-ugat ang pagkakaaresto sa ulat ni alyas “Renz,” 21, waiter at residente ng Brgy. Pinagtipunan. Ayon sa salaysay ng waiter, kumain ang suspek bandang alas-11:00 ng umaga sa Eat O’Clock Kuya EHZ Tanpuluts sa…

Read More

BUNTIS, 3 PA PATAY SA SUNOG SA BAKERY SA CALAMBA

APAT katao ang nasawi, kabilang ang isang buntis, habang isa pa ang sugatan matapos sumiklab ang sunog sa isang residential-commercial area sa Barangay Real, Calamba City, Laguna nitong madaling-araw ng Huwebes. Ayon kay Calamba City Police chief, PCol. Dennis De Guzman, kabilang sa mga nasawi ang mga residenteng nakatira sa ikalawang palapag ng Redlocks Bakery na pinagmulan ng insidente. Na-trap umano ang mga biktima sa loob ng gusali habang mabilis na lumalaki ang apoy. Bandang alas-3 ng madaling-araw nang makatanggap ng ulat ang mga awtoridad hinggil sa sunog na agad…

Read More

ATENEO COACH BALDWIN IPINA-SUBPOENA NG DOLE

IPINA-SUBPOENA ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Basketball Coach ng Ateneo na si Tab Baldwin. Sa press briefing, kinumpirma ni Labor Secretary Francis Tolentino na ipina-subpoena nila si Baldwin sa gitna ng isyu ng pagkasawi ng dalawang basketball player ng Ateneo sa kalagitnaan ng training sa Dipaculao, Aurora. Ayon kay Tolentino, ito ay para alamin kung may valid na alien employment permit si Baldwin sa ilalim ng Labor Code. Layon din nitong suriin kung saklaw ng alien employment permit ang pagsasagawa ng team building activities. Bahagi rin ito…

Read More

HIGIT 346,000 KATAO APEKTADO NG MINDANAO QUAKE— NDRRMC

UMAKYAT na sa mahigit 346,000 katao ang naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao, ayon sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Sa 8 a.m. report nitong Huwebes, sinabi ng NDRRMC na aabot sa 346,449 katao o 75,324 pamilya mula sa Zamboanga Peninsula, Davao Region, Soccsksargen at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang naapektuhan ng malakas na pagyanig. Sa naturang bilang, 16,349 katao o 3,515 pamilya ang kasalukuyang nanunuluyan sa mga evacuation center habang 29,260 katao o 7,279 pamilya naman ang pansamantalang…

Read More

INTEGRIDAD NG MGA GUSALI SA MALOLOS, MULING PINASISIYASAT

NAG-UTOS si Malolos City Mayor Christian Natividad ng panibagong inspeksyon sa mga pampubliko at pribadong gusali sa lungsod kasunod ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao. Ayon kay Natividad, nagsagawa siya ng pagpupulong kasama ang City Administrator’s Office at City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) upang tiyakin ang kaligtasan ng mga gusali, lalo na ng mga paaralan at unibersidad. Sinabi ng alkalde na nabuhay ang pangamba ng mga residente matapos ang mga naunang ulat hinggil sa umano’y substandard na ilang imprastraktura sa Bulacan. Ayon naman kay…

Read More

Kapalit ng pinatalsik na si Barzaga SPECIAL ELECTION SA DASMA ITINAKDA SA AUGUST 29

ITINAKDA ng Commission on Elections (Comelec) sa Agosto 29, 2026 ang special elections sa lone legislative district ng Dasmariñas, Cavite upang punan ang pwestong binakante ni dating Rep. Kiko Barzaga. Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, ang espesyal na halalan ay isinagawa alinsunod sa itinakdang panahon na hindi mas maaga sa 60 araw at hindi lalampas sa 90 araw matapos mabakante ang posisyon. Matatandaang pinatalsik ng Mababang Kapulungan ng Kongreso si Barzaga noong Hunyo 2 dahil sa umano’y “disruptive” at “disorderly behavior.” Sinabi ni Garcia na magkakaroon ng koordinasyon…

Read More

NAMATAANG MOVABLE FLOATING PLATFORM SA BAJO DE MASINLOC, IKINABAHALA NG PINAS

KINUMPIRMA ng National Task Force for the West Philippine Sea na mayroong namataang movable floating platform sa karagatang sakop ng Bajo de Masinloc. Sa press conference, sinabi ni WPS Rear Admiral Jay Tarriela, natukoy ang istruktura na isang data gathering object para sa marine science research dahil sa mga presensya ng Chinese vessels. Ayon kay Tarriela, bukod sa floating platform ay may mga boya rin at antenna na pawang hindi pa malinaw kung para saan. Sinabi naman ni National Maritime Council spokesperson, Usec Alexander Lopez, ilegal ang anomang ginagawa ng…

Read More

VILLAR NAGPAABOT NG TULONG SA MGA BIKTIMA NG LINDOL SA MINDANAO

NAGPAHAYAG ng pakikiisa si Senador Mark A. Villar sa mamamayan ng Sarangani at iba pang lugar sa Mindanao na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol. Nagpahatid din ang senador ng pakikiramay sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay at naapektuhan ng sakuna. “Taos-puso po akong nakikiramay at nananalangin para sa mga nawalan ng mahal sa buhay, nasugatan, at sa mga pamilyang napilitang lumikas dahil sa sakunang ito,” ani Villar. Binigyang-diin ng senador na mahalagang maihatid agad ang kinakailangang tulong habang nagpapatuloy ang relief at assessment efforts sa mga apektadong…

Read More