BARMM ELECTIONS, IPINATATAKDA SA MARSO

ISINUSULONG ni Senate Majority Leader Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri ang panukalang magpapaliban muli sa kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao’s very first parliamentary elections. Sa kanyang Senate Bill 1587, itinatakda ang BARMM elections sa March 30, 2026 at ang katungkulan ng mga bagong halal na opisyal ay magsisimula ng April 30. Nakasaad din sa panukala na ang susunod na BARMM election ay isasabay sa 2028 national elections at gagawin na kada tatlong taon. “It has been more than six years since the BARMM was established, and…

Read More

BULACAN NAKAPAGKAPON NG 7K PUSA AT ASO

INAASAHANG mas dadami pa ang mga alagang aso at pusa na mabibigyan ng libreng surgery, anti-rabies vaccine, consultation at treatment ngayong taon matapos maglaan si Governor Daniel R. Fernando ng P3.5 milyong pondo para sa Bulacan Provincial Veterinary Office (PVO). Gagamitin ang pondo sa pagbili ng digital X-ray, ultrasound at blood chemistry laboratory equipment upang higit pang mapalakas ang serbisyong beterinaryo para sa mga pet owner sa lalawigan. (Kuha ni: ELOISA SILVERIO) BULACAN – Umabot sa kabuuang 7,514 na aso at pusa ang sumailalim sa neuter at spay surgery, habang…

Read More

SUSPEK SA PAMAMARIL SA TINDERANG LIVE STREAMER HULI

RIZAL – Arestado ang lalaking suspek sa pamamaril sa isang 23-anyos na tindera, na nasapul sa video habang naka-live stream ang biktima sa social media habang nagtitinda ng gulay sa Kenneth Road, Brgy. Sta. Ana, sa bayan ng Taytay sa lalawigan. Ngunit itinanggi ng suspek na si alyas “Freddie”, 31, ang nasabing pamamaril at sinabing hindi siya ang nakunan sa video dahil nasa kanilang bahay lamang siya sa Angono nang mangyari ang insidente. Noong Enero 16, 2026, dakong alas-7 ng gabi habang nagtitinda ng gulay, sapul sa video ang paglapit…

Read More

Nagtago sa poste habang nanghuhuli LTO CALABARZON NAGLABAS NG SHOW CAUSE ORDER VS VIRAL ENFORCER

NAGLABAS ng show cause order ang Land Transportation Office (LTO) Calabarzon laban sa isang LTO enforcer na naging viral sa social media matapos makuhanan ng larawan habang umano’y nagtatago sa tabi ng poste habang nanghuhuli sa Taytay, Rizal. Ayon sa LTO Calabarzon, agad ipinag-utos ni Regional Director Elmer J. Decena ang pagsasagawa ng imbestigasyon matapos kumalat ang naturang larawan online. Sa paunang beripikasyon ng ahensya, nakumpirmang empleyado ng LTO ang nasabing enforcer. Ang mabilis na aksyon ay alinsunod umano sa direktiba ni LTO Chief Markus Lacanilao na tiyaking ang lahat…

Read More

COAST GUARD COMMANDER ITINUMBA

PATAY ang isang Philippine Coast Guard officer matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng national highway sa Veterans Village, Ipil, Zamboanga Sibugay. Kinilala ng Zamboanga Sibugay PNP ang biktima na si Lt. (JG) Glennick Ytang, 32-anyos, residente ng Brgy. Cabantian, Davao City, at kasalukuyang commander ng Coast Guard Ipil Sub-Station. Ayon kay Major Marjan Sali, hepe ng Ipil Police, natagpuan ang biktima na duguan at wala nang buhay sa loob ng kanyang pick-up truck, may mga tama ng bala sa ulo at dibdib na…

Read More

ESTAPADOR NATUNTON SA LA UNION

DINAKIP ng mga operatiba ng Mendez Police Station (Cavite) ang isang wanted na estapador matapos silang dumayo sa San Gabriel, La Union upang isilbi ang warrant of arrest laban sa suspek. Pansamantalang nakakulong sa detention cell ng San Gabriel Municipal Police Station ang suspek na si alyas “Dem” bago ibalik sa court of origin sa Mendez, Cavite. Sa ulat, dakong 1:05 ng madaling araw ng Huwebes nang arestuhin si Dem sa kanyang bahay sa Brgy. Poblacion, San Gabriel, La Union. Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang Mendez MPS na namataan…

Read More

HIGH GRADE MARIJUANA NASAMSAM NG PDEA AT BOC

PAMPANGA – Tinatayang nasa P1.07 milyong ang halaga ng high grade marijuana o kush ang nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs noong Miyerkoles ng umaga sa isang parcel sa Port of Clark sa lalawigan. Ang parcel, na naka-label bilang “Cruxdenim Reinforced Seat Trail Jeans” mula Los Angeles, California, ay na-flag sa routine profiling ng Bureau of Customs. At nang idaan ito sa pagrerekisa ng PDEA agents at anti-drug sniffing dogs ay nakumpirma ang presensya ng droga sa nasabing kontrabando. Sa 100 percent…

Read More

P2.5-M MODIFIED MUFFLERS SINIRA NG BULACAN PNP

UMABOT sa 1,654 mufflers na nagkakahalaga ng mahigit P2.5 milyon, ang sinira ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) sa isinagawang Ceremonial Destruction of Confiscated Open Pipe/Modified Mufflers sa Camp General Alejo S. Santos, Malolos City. Pinangunahan ni PCol. Angel Garcillano, provincial director ng Bulacan PPO, kasama si Governor Daniel R. Fernando at ng lahat ng chief of police sa mga lungsod at munisipalidad, ang naturang pagwasak sa nakumpiskang mga tambutso na nagdudulot ng noise pollution. “We congratulate the effort and fastest action of Bulacan Police Provincial Office (PPO) for this…

Read More

NANUNGKIT NG MANGGA, SEKYU NAKURYENTE

CAVITE – Nasawi ang isang 25-anyos na security guard makaraang nakuryente habang nanunungkit ng bunga ng mangga sa isang playground area sa loob ng isang subdibisyon sa Bacoor City noong Miyerkoles ng hapon. Ayon sa ulat, walang buhay na natagpuan ang biktimang si alyas “Francis”, ng Brgy. Molino VI, Bacoor City, sa itaas ng puno ng mangga. Ayon sa salaysay ni alyas “Gallardo”, isang retiradong seafarer, nakarinig siya ng malakas na pagsabog na hinihinalang dulot ng power line explosion kasunod ng pagkawala ng kuryente sa lugar bandang alas-2:00 ng hapon.…

Read More