MALUGOD at mainit na tinanggap at pinuri ng National Community of Muslim Filipino (NCMF), ni Sulu Governor Sakur Tan at mamamayan ng Sulu ang pagtatalaga kay Amenah F. Pangandaman bilang Chairman at Chief Executive Officer (CEO) ng Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines (AAIIBP). Ayon kay Tan, ang pagtatalagang ito kay Pangandaman ay maituturing na isang tagumpay para sa mga kapatid na Muslim lalo ito ang isa sa premier Islamic banking institution sa buong bansa na tunay na maipagmamalaki ng bawat Filipino Muslim. “The Sulu Provincial Government and the…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
MAGNITUDE 4.5 LINDOL, YUMANIG SA BENGUET
NILINDOL ng magnitude 4.5 na lindol ang lalawigan ng Benguet nitong Huwebes ng hapon. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang lindol dakong alas-2:33 ng hapon sa kanlurang bahagi ng bayan ng Tuba, Benguet. Sinabi ng PHIVOLCS na tectonic ang pinagmulan ng lindol at may lalim itong 10 kilometro. Naramdaman ang Intensity 5 sa Baguio City at ilang bahagi ng Benguet habang Intensity 4 naman ang naitala sa Aringay, La Union. Naitala rin ang Intensity 3 sa Sison, Pangasinan; Intensity 2 sa Urdaneta City, Pangasinan; at…
Read MoreHIGIT ₱474-M PUSLIT NA YOSI, NASABAT NG NAVY SA WESTERN MINDANAO
MAHIGIT P474 milyong halaga ng mga ipinuslit na sigarilyo ang nasabat ng Philippine Navy sa serye ng pinaigting na maritime security operations ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM) sa ilalim ng pamumuno ni Rear Admiral Constancio Arturo M. Reyes Jr., PN. Ayon sa Philippine Navy, apat na sasakyang pandagat na sangkot sa pagbibiyahe ng mga kontrabando ang naharang sa magkakahiwalay na operasyon sa Western Mindanao mula Hunyo 23 hanggang Hulyo 6. Pinakahuli rito ang operasyon ng Naval Task Force 61 (NTF-61) noong Hulyo 6 nang harangin nito ang M/V Jepajoy…
Read MoreESTUDYANTE HULI SA PAGBITBIT NG BARIL SA PAARALAN
ISANG 16-anyos na estudyante ang naharang ng mga awtoridad matapos umanong magtangkang magdala ng Philippine Army-issued handgun sa isang pampublikong paaralan sa Tupi, South Cotabato. Naganap ang insidente noong Hulyo 7 matapos makatanggap ng impormasyon ang pulisya mula sa isang concerned citizen na may dalang baril ang isang binatilyo habang papasok sa paaralan sa Barangay Poblacion. Agad na rumesponde ang mga nagpapatrulyang pulis at naharang ang estudyante bago pa ito makapasok sa campus. Nasamsam mula sa kanya ang isang Army-issued Glock 17 9mm pistol na may dalawang magazine na kargado…
Read More2 TULAK TIMBOG SA DROGA, BARIL AT BALA
NAARESTO ang dalawang hinihinalang tulak na nasa listahan ng Street Level Individuals (SLIs) ng pulisya, at nasamsam ang ilegal na droga, baril at bala sa isinagawang buy-bust operation sa Gen. Trias City, Cavite nitong Huwebes ng madaling araw. Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang naarestong mga suspek na sina alyas “Harley” at “Wilfredo”. Ayon sa ulat, bandang ala-1:30 ng madaling araw, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga…
Read More2 PULIS NILIKIDA SA SULTAN KUDARAT
DEAD on the spot ang dalawang aktibong miyembro ng Philippine National Police (PNP) matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Barangay Tinumigues, Lambayong, Sultan Kudarat noong Martes ng gabi. Kinilala ng Sultan Kudarat Police Provincial Office (SKPPO) ang mga biktimang sina Patrolmen Apollo Pagurayan at Joerel Bullos, kapwa nakatalaga sa 1202nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 12 (RMFB 12). Ayon sa inisyal na imbestigasyon, sakay ang dalawang biktima ng isang motorsiklo nang tambangan at pagbabarilin ng mga suspek na pinaniniwalaang gumamit ng M16 armalite rifle, habang binabaybay…
Read MorePULIS PATAY SA DRUG BUST SA CAVITE, 1 SUSPEK ARESTADO
PATAY ang isang pulis ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) ng PRO-4A matapos umanong pagbabarilin ng isa sa mga suspek sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. San Esteban, Dasmariñas City, Cavite, bago maghating gabi noong Lunes, Hulyo 6. Kinilala ang nasawi na si Police Corporal Anthony John Martinez. Naaresto naman sa lugar ang isa sa mga suspek na si Jeffrey Calejos, habang nakatakas ang tatlo nitong umano’y kasamahan na agad isinailalim sa manhunt operation. Ayon sa paunang imbestigasyon, kasama ng isang confidential informant ang pulis nang magtungo sa bahay ng…
Read MoreP1.91-B ILEGAL NA DROGA WINASAK NG PDEA
PARA patunayan na walang nangyayaring recycling sa merkado ng mga nasabat na ilegal na droga, ipinakita ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagsira sa nakumpiskang mapanganib na droga na nagkakahalaga ng P1,913,229,701.78 nitong Hulyo 8, 2026, sa Cosmopolitan Memorial Chapels and Crematory sa Gregorio Araneta Avenue, Barangay Doña Imelda, Quezon City. Ayon kay PDEA Director General Usec. Isagani Nerez, ang hakbang na ito ay muling nagpapatibay sa pangako ng pamahalaan na matiyak na ang mga nasamsam na ilegal na droga ay hinding-hindi na muling makararating sa mga komunidad. Ang…
Read MoreKrisis sa tubig tumitindi STATE OF CALAMITY SA REAL, QUEZON PINAG-AARALAN
PINAG-AARALAN ng Lokal na Pamahalaan ng Real, Quezon ang pagdedeklara ng state of calamity habang lalo pang lumalala ang kakulangan sa suplay ng tubig na dulot ng matinding tagtuyot at epekto ng El Niño. Bumuo na ang LGU ng Water Crisis Task Force upang pangunahan ang agarang pagtugon sa sitwasyon, kabilang ang water rationing, paglalagay ng water pumps, pagbili ng karagdagang water tanks, at deep well drilling bilang pansamantala at pangmatagalang solusyon. (NILOU DEL CARMEN) 380
Read More