2 PATAY SA PAMAMARIL SA ATENEO DE ZAMBOANGA

DALAWANG high school students ang namatay sa nangyaring shooting incident sa Ateneo de Zamboanga University nitong Martes.

Kabilang sa dalawang namatay ang suspek sa pamamaril.

Kinilala ang suspek na isang Grade 10 student na ang ama ay nagtatrabaho sa Zamboanga City Customs Office.

Ayon sa ulat ng Police Regional Office 9 (PRO9), dakong alas-7:50 nitong Martes ng umaga ay umalingawngaw ang mga putok ng baril sa ika-apat ng palapag ng ADZU High School Campus sa Barangay Lunzuran, Zamboanga City.

Batay sa paunang imbestigasyon, bigla na lamang pumasok ang suspek sa isang silid-aralan at namaril habang nasa klase ang mga ito at lumipat sa isa pang silid-aralan.

Sinabi naman ni DILG Secretary Jonvic Remulla sa phone interview ng PNP reporters, pagkatapos ng pamamaril ay nagtungo sa ikalimang palapag ang suspek at tumalon na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Ayon kay Remulla, naka-livestream pa ang suspek habang ginagawa ang krimen. Bitbit umano ng suspek ay isang Glock 9mm at assault rifle.

Ang suspek ay estudyante rin ng nasabing unibersidad at anak ng isang

police commander ng Port of Zamboanga ng Bureau of Customs.

Samantala, kaagad namang sinibak sa pwesto ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno ang tatay ng suspek para hindi makaimpluwensya sa isasagawang imbestigasyon.

Inaalam din ng mga awtoridad kung ang mga baril na ginamit ng suspek ay issued firearms sa kanyang ama.

(TOTO NABAJA)

77

Related posts

Leave a Comment