CHINESE CHEF DINUKOT SA PASAY, INABANDONA SA CAVITE

NAGPASAKLOLO sa pulisya ang isang lalaking Chinese national makaraang umano’y dukutin ng anim na kapwa Chinese at iniwan sa isang lugar sa Ternate, Cavite, nitong Lunes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Wen Non Su, 36, tubong Fujian, China, may-ari at chef ng AQ Kitchen sa Ayala Malls Manila Bay, Diosdado Macapagal Blvd., Parañaque City, at residente ng Pasay City. Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng anim suspek na umano’y pawang mga Chinese national. Ayon sa biktima, pauwi siya sa kanilang bahay sa Pasay City dakong alas-9:00 ng gabi noong…

Read More

GIFT GIVING SA TARLAC

Binasahan ng maikling kwento ni Vice President Sara Duterte ang 120 kabataan at hinandugan ng regalo kasama sina Tarlac Heritage Foundation Founder Isabel Cojuangco at Dr. Isa Suntay sa Macara Compound, Zone 7, Sitio Molave, San Isidro, Tarlac City noong Sabado. Bahagi ito ng mga aktibidad para sa 16th Belenismo sa Tarlac Awards Night na dinaluhan din ni Armed Forces Chief of Staff General Romeo Brawner. (DANNY BACOLOD) 449

Read More

TAIWANESE PATAY SA AMBUSH SA LAGUNA

LAGUNA – Patay ang isang Taiwanese national matapos barilin ng riding in tandem sa isang restaurant sa San Pablo City noong Sabado ng umaga. Ayon sa ulat ng San Pablo CPS, kinila ang biktimang si Hsien Chieh Chang, 63, residente ng nasabing lugar. Batay sa imbestigasyon, dakong alas -7:00 ng umaga, ang biktima ay nakatayo sa labas ng receiving area ng isang restaurant sa Brgy. Del Remedio, nang dumating ang dalawang hindi kilalang riding in tandem. Lumapit umano ang isa sa mga suspek at nagpakilalang ahente ng LPG at pinagbabaril…

Read More

DALAGA TIMBOG SA FB, GCASH SCAM

CAVITE – Arestado ang isang dalaga makaraang makagoyo ng halagang P14,500 mula sa pekeng Facebook at GCash account na kanyang nilikha, sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Sabado ng umaga. Kinilala ang suspek na si alyas “Allyn”, inaresto dahil sa reklamo ng biktimang si alyas “Catherine”. Ayon sa ulat ni Police Staff Master Sergeant Glen Soriano ng Silang Police Station, nag-message ang ‘tiyuhin’ ng biktima sa pamamagitan ng Facebook account at humingi ng halagang P14,500 sa pamamagitan ng GCash account. Matapos na ipadala ng biktima sa ‘tiyuhin’ ang…

Read More

3 BATA UMABSENT SA KLASE, NALUNOD

DAVAO CITY – Tatlong batang lalaki na tumakas sa klase para maligo sa ilog, ang nalunod Liloan Riverside, Purok Sunflower, Barangay Mandug, sa lungsod na ito, noong Biyernes ng hapon. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Takie Sanico, 13; Jerick Redulla, 12, at Kian Bituin, 12-anyos. Ayon sa report, limang magkakaklase ang nagtungo sa ilog subalit apat lamang sa mga ito ang naligo. Ayon sa batang si Mark na hindi lumusong sa ilog, napansin niya na biglang lumaki at tumaas ang tubig at pagkaraan ay nakita niyang natangay ng…

Read More

MAHIGIT P1-M DROGA NASABAT SA BUY-BUST

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam matapos maaresto ang isang bigtime tulak sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang naaresto na si alyas “Armando”, nasa listahan ng High Value Individuals (HVIs) ng Dasmariñas City Police. Ayon sa ulat ni Police Corporal Jerwin Anacan ng Dasmariñas City Police Station, dakong alas-9:30 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Cavite Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Dasmariñas City Police Station,…

Read More

BABAE PATAY SA PAGSABOG NG PABRIKA NG PAPUTOK

BULACAN – Patay ang isang babaeng trabahador ng pagawaan ng paputok nang sumabog ang mga sangkap na pulbura sa Barangay Bunlo, sa bayan ng Bocaue, sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang biktimang si Riza Villanueva, 45-anyos. Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, gumagawa ng kuwitis si Villanueva nang aksidente itong sumabog. Sa lakas ng pagsabog, nasunog ang malaking bahagi ng katawan ng biktima at naputol ang kaliwang binti. Agad itong isinugod sa ospital ngunit namatay dahil sa mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan at mukha.…

Read More

2 PATAY, 14 SUGATAN, SA KARAMBOLA NG 5 SASAKYAN

SOUTHERN CEBU – Dalawa ang patay habang 14 ang sugatan sa aksidenteng kinasangkutan ng pampasaherong bus, dalawang motorsiklo at isang cargo truck sa national highway sa Barangay Uling, Naga City, sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa report ng Naga City Police, nangyari ang aksidente dakong alas-10:45 ng umaga, nang magkarambola ang limang sasakyan na nagsimula sa delivery truck. Kinilala ang mga namatay na sina Waynares Dien Parame, 23, driver ng motorsiklo, at ang helper ng truck na si “Junior”. Base sa CCTV footage, patungo ang truck sa…

Read More

PH-US NAGPAPATROLYA SA WEST PHILIPPINE SEA

ISINASAGAWA na ang joint maritime at air patrols sa West Philippine Sea sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. Sa post ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang social platform X, winika nito na ang mga nasabing patrolya ay “collaborative effort between the Armed Forces of the Philippines and the United States Indo-Pacific Command” sa naturang lugar. “This significant initiative is a testament to our commitment to bolster the interoperability of our military forces in conducting maritime and air patrols,” ayon sa Pangulo sa kanyang naging post sa social media…

Read More