QUEZON – Anim ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Balubad sa bayan ng Atimonan, sa lalawigang ito, pasado alas-12:00 ng tanghali noong Miyerkoles. Ayon sa report ng Atimonan police, ang mga nasangkot sa karambola ay isang Toyota Avanza na minamaneho ni Eugene Anthonue Sarino Palostre, 32; isang Isuzu Rebuilt Jitney na minamaneho ni Ramelito Perez Lucila, 51, at isang dump truck na minamaneho naman ni Loreto Boria Bernardino, 45-anyos. Batay sa imbestigasyon, nasalpok ng dump truck ang hulihang bahagi ng jeep habang…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
PUGANTENG KANO, TURKISH HINARANG SA NAIA
HINARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang convicted American sex offender, at Turkish national fraudster. Kinilala ang mga suspek na sina Michael David Steinborn, 57, American national, at Amos Awasthi, 48-anyos, Turkish national. Ayon sa impormasyon, dumating si Steinborn noong Nobyembre 26, sakay ng United Airlines flight galing San Francisco, at si Awasthi ay dumating noong Nobyembre 27, sakay ng Emirates Airlines mula sa United Arab Emirates. Si Steinborn ay nakulong noong 1994 sa Kissimmee, Florida dahil sa indecent exposure…
Read MoreTROPA NG SUGAROL, NAHULIHAN NG DROGA
CAVITE – Nabuking ang itinatagong halos P100,000 halaga ng umano’y shabu nang magsagawa ng operasyon ang mga awtoridad kontra illegal gambling sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Martes ng madaling araw. Kinilala ang naarestong mga suspek na sina alyas “Jay”, “John” at “Marvin’, pawang mga residente ng Brgy. Bagtas, Tanza, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-3:40 ng madaling araw nang makatanggap ng tawag ang Tanza Municipal Police Station hinggil sa nagaganap na sugalan sa larong tong-its sa Brgy. Bagtas, Tanza, Cavite. Agad ikinasa ang operasyon kung saan naaktuhan…
Read More1 PATAY, 8 SUGATAN SA RAMBOL NG VAN, MOTOR AT TANKER
DAVAO DEL SUR – Patay ang isang motorcycle rider habang sugatan ang walo pang biktima matapos magkarambola ang isang pampasaherong van, motorsiklo at oil tanker sa national highway sa Digos City sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga. Ayon sa report ng Digos City Police, nangyari ang insidente sa harap ng Davao Del Sur Provincial Coliseum sa Barangay Matti dakong alas-11:45 ng umaga. Magkasunod na tumatakbo ang oil tanker at van sa Davao-Cotabato highway nang tangkaing mag-overtake ng van subalit sumabit ito sa tanker kaya nawalan ito ng kontrol at…
Read MoreMAGKAPATID NA SENIOR, SUGATAN SA SAGI NG VAN
CAVITE – SWAK sa kulungan ang isang van truck driver makaraang masagi ang motorsiklo na sakay ang dalawang senior citizen, nang mag-overtake ito subalit tinakasan gayunman ay naaresto ang suspek sa Gen. Trias City noong Lunes ng gabi. Kapwa nilalapatan ng lunas sa Gen Tri Doctors Hospital ang biktimang sina alyas “Ernesto”, 69, at alyas “Pedro”, 64, kapwa residente ng Brgy. Buenavista 2, Gen. Trias City, dahil sa malubhang sugat sa katawan. Kinilala naman ang driver ng isang Fuso wing van truck na may plakang NGR 2029, na si alyas…
Read More3 ‘KILLERS’ NG HIGH SCHOOL TEACHER ARESTADO
LEYTE – Naaresto na ang tatlong suspek sa pagpaslang sa isang 38-anyos na high school teacher na si Bernabe Basiano na natagpuang tadtad ng saksak sa damuhan, ilang metro ang layo sa kanyang bahay sa Tacloban City noong Sabado. Ang mga suspek ay kinilalang sina Mark Justine Conde, 23; Yasse Ivan Yu, 18, at Darwin Versoza, 18, pawang ng Barangay 68, Anibong, Tacloban. Sinampahan ang mga ito ng kasong robbery with homicide sa Office of the Prosecutors sa Tacloban. Ang nasabing mga suspek ay naaresto sa isinagawang follow-up operation ng…
Read MoreUS, BRITISH PEDOPHILES ARESTADO NG BI SA CEBU
ARESTADO ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang foreign pedophiles na wanted sa mga awtoridad sa kanilang bansa, dahil sa pagmolestiya ng bata. Sa pahayag ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, kinilala ang dalawang dayuhang pugante na sina John Tomas Minor, 42, American national, at Derek Gordon Heggie, 40, British national, na naaresto sa magkahiwalay na operasyon noong Lunes ng mga operatiba mula sa BI Fugitive Search Unit sa Cebu province. Naaresto si Minor sa condominium unit sa Cebu Business Park sa Cebu City habang si Heggie ay nasukol sa kanyang…
Read More3 NALUNOD SA BEACH SA QUEZON PROVINCE
QUEZON – Tatlong lalaki ang nalunod sa magkahiwalay na insidente sa lalawigang ito, nitong Linggo. Parehong malalaking alon at masamang panahon ang sinasabing dahilan ng pagkalunod ng mga biktimang pawang bakasyunista at dumayo sa Quezon para mag-outing. Ayon sa report ng Quezon Police Provincial Office, unang nalunod ang isang rider habang naliligo sa Real Fantasea Beach Resort, sa Brgy. Tignoan, Real dakong alas-8:40 ng umaga noong Linggo. Ang biktimang si Gabriel Austria Francisco, 29, ay natangay ng malalaking alon habang naliligo kasama ng kanyang kapwa riders mula sa Metro Manila.…
Read More5 MANGINGISDA NAWALA SA LAOT
INIULAT ng Philippine Coast Guard (PCG) na limang mangingisda mula sa Quezon at Oriental Mindoro province ang umano’y nawawala. Nagsagawa na ng search and rescue operation ang PCG-District Southern Tagalog (PCG-DST) para kina Reneboy Alva at Jovinal Gamitin, kapwa residente ng Barangay Caridad Ilaya sa Atimonan, Quezon. Sakay umano ang dalawa ng bangka at nawala simula pa noong Biyernes, Nobyembre 24 ng gabi habang mangingisda sa bisinidad ng Isla ng Jomalig sakop ng Pacific Ocean. Iniulat din ng PCG-DST na ang mangingisdang si Sanny Frias ay nawala rin noong Sabado,…
Read More