MATAPOS YANIGIN ng magnitude 6.8 tremor ang Southern Mindanao na kumitil ng siyam na katao, isang magnitude 5.6 tremor naman ang tumama kahapon sa lalawigan ng Samar, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council at Office of Civil Defense. Sa inilabas na report, bandang alas-12:57 kahapon ay naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang paggalaw ng lupa. Sinasabing tectonic ang origin nito at natukoy ang epicenter ng lindol na nasa 16 kilometro ng timog-silangan ng bayan ng Calbiga na nasa lalim na 77 kilometro,…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
3 TOTOY TIMBOG SA PAMUMUTOL NG KABLE
CAVITE – Arestado ang tatlong kabataan na may edad 12-anyos hanggang 15-anyos, sa aktong namumutol ng mga kawad ng kuryente sa CALAX, sa bayan ng Silang, sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek na sina alyas “Joshue”, 12; “Kenneth”, 15, at “Clarence”, pawang mga residente ng Brgy. Acacia, Silang, Cavite, dahil sa reklamo ni Karla Carizza Buhay Orozco, CALAX representative. Ayon sa ulat ni Police Corporal Ralph Jayson Santos ng Silang Police Station, dakong alas-1:30 ng hapon nang mangyari ang insidente sa…
Read MoreLASING NALUNOD SA RESORT
QUEZON – Patay ang isang lalaking lasing nang malunod sa beach resort sa Brgy. San Isidro, sa bayan ng General Luna sa lalawigang ito, noong Linggo ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Rodolfo Abrecillo Hernandez, 55-anyos. Ayon sa report, nag-overnight outing ang biktima kasama ang mga kaibigan sa resort at halos magdamag na nag-inuman. Dakong alas-3:00 ng madaling araw, nagpasya ang biktima na maligo sa dagat subalit makaraan ang ilang minuto ay hindi na ito lumutang. Agad itong hinanap ng mga kasama hanggang natagpuang nakalutang at walang malay dakong…
Read MoreJEEP NAHULOG SA BANGIN; 2 PATAY, 8 SUGATAN
QUEZON – Dalawa ng namatay habang walo ang sugatan nang mahulog ang isang owner type jeep sa bangin sa gilid ng Marilaque Highway, Barangay Magsaysay, sa bayan ng Infanta sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Ayon kay Infanta police chief, Police Major Fernando Credo, nangyari ang insidente dakong alas-3:30 ng hapon, habang sakay ng owner type jeep na minamaneho ng isang American pastor, ang walong pasahero na pawang miyembro ng katutubong Dumagat, kasama ang isa pang Canadian pastor. Habang tinatahak ang Marilaque Highway, nawalan umano ng preno ang jeep…
Read More8 BIKTIMA NG ILLEGAL RECRUITMENT NASAGIP SA ZAMBOANGA
NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Zamboanga International Seaport (ZIS), ang walong Malaysia-bound workers na gumagamit ng bogus na mga dokumento, ayon sa report na nakarating sa main office ng ahensiyang ito. Ayon sa naturang report, pasakay sa isang pump boat na MV Antonio ang walo patungong Sandakan, Sabah. Nagkunwari silang mga turista ngunit hindi kumbinsido ang mga tauhan ng Immigration sa naging paliwanag ng bawat isa. May nagsasabi na bibisita sa kanilang mga kaibigan, at iba naman ay bibili ng welding machines, kung kaya’t ipinadaan…
Read MoreBELENISMO SA TARLAC
MASAYA at makulay ang final judging ng 16th Belenismo sa IWS Parking Area Robinson Luisita, Tarlac City nitong Sabado na dinaluhan nina Tarlac Heritage Foundation founders Isabel Cojuangco at Dra. Isa Suntay. Kasama sa larawan ang mga taga-media at AFP personnel na nag-poser sa “Belen” entry ng AFP. Ang Belenismo ay pinasimulan ng foundation noong 2007 upang itaguyod ang sining ng belen (nativity scene), paggawa at pagyamanin ang diwa ng bayanihan (kooperasyon) sa mamamayan ng Tarlac. (DANNY BACOLOD) 794
Read MoreAPPROVAL NG NEPC FRANCHISE MAHALAGA SA NEGROS PROVINCE – BENITEZ
MILESTONE para sa Bacolod ang approval ng Negros Electric and Power Corporation (NEPC) franchise, ayon kay City Mayor Albee Benitez. Hindi lamang maayos at murang elektrisidad ang maaasahan ng mga residente at negosyo kundi mapoprotektahan ang kalikasan sa paggamit ng renewable energy sources. Kaya inaasahan ni Benitez ang mga positibong pagbabago na idudulot ng NEPC sa Bacolod City. “With the approval of the Joint Venture Agreement with Central Negros Electric Cooperative (CENECO), the city anticipates the entry of NEPC, promising cheaper and more efficient power supply, and most importantly, a…
Read More3 ARESTADO SA ILEGAL NA BARIL SA BATANGAS
BATANGAS – Tatlong lalaki ang natimbog ng mga awtoridad dahil sa pag-iingat ng mga ilegal na baril sa magkakasunod na operasyon sa bayan ng Bauan, at Sto. Tomas City noong Huwebes ng gabi. Isa sa mga suspek ang nanlaban pa sa mga awtoridad na ikinasugat nito. Dahil sa kadiliman ng gabi, nakawala ang suspek na kinilalang si Christian, subalit dahil tinamaan pala ito matapos makipagbarilan sa mga pulis, ay naaresto ito sa kanyang pinagtataguan na masukal na lugar. Una itong nasita ng mga awtoridad sa Sitio Pandayan, Brgy. Manghinao Proper…
Read MoreNANALONG KAGAWAD ITINUMBA SA MINIMART
DAVAO DEL NORTE – Patay ang isang nanalong barangay kagawad nitong nakaraang BSKE, matapos na pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa loob ng kanyang minimart sa Purok Mahogany, Barangay Sawata, sa bayan ng San Isidro sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Jay Glen Dela Rama, 46, nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa ospital. Si De Rama na retired member ng Philippine Army, ay kapapanalo pa lamang bilang kagawad ng Barangay Sawata. Sa kuha ng CCTV ng minimart, makikita ang biktima na abala sa…
Read More