LAGUNA – Nakumpiska ng mga operatiba ng Laguna PNP -PDEU/PSOU at mga tauhan ng Biñan City Police ang P6.9 milyong halaga ng illegal drugs sa buy-bust operation sa Biñan City sa lalawigang ito, nitong Biyernes ng madaling araw. Arestado ang target sa buy-bust operation na si alyas “Kamal”, nakatala bilang high value individual sa PNP drug watch list. Isinagawa ang buy-bust operation sa Brgy. Sto. Niño, dakong alas-1:30 ng madaling araw at nakatransaksyon ng isang police poseur buyer ang suspek na dumating sakay ng SUV. Nakumpiska sa suspek ang isang…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
72-ANYOS PINAGNAKAWAN, SINAKSAK NG KAPWA SENIOR
CAVITE – Pinagsasaksak ang isang 72-anyos na senior citizen nang nanlaban sa kapwa nito senior nang tangkain siyang pagnakawan sa loob ng isang kilalang restaurant sa isang mall sa Imus City noong Huwebes ng hapon. Nilalapatan ng lunas sa Pilar Hospital ang biktimang si alyas “Arnolfo”, 72, ng Anabu 1-C, Imus City dahil sa mga saksak sa katawan. Arestado naman ang suspek na kinilalang si Manuel Jovillano y Pasupil, 63, ng Lucena City. Ayon sa ulat, dakong alas-4:05 ng hapon nang mangyari ang insidente sa loob ng isang restaurant sa…
Read More5 PASAHERO NASAGIP SA LUMUBOG NA BANGKA
QUEZON – Nailigtas ng lokal na mga mangingisda ang limang pasahero ng isang bagka na lumubog sa karagatan sakop ng bayan ng Polillo sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Ayon sa report ng Philippine Coast Guard – Southern Tagalog District, patungo sa port sa Real, Quezon ang motorbanca upang mag-deliver ng isda nang abutan ito ng masungit na panahon sa karagatan malapit sa Sitio Macnit, Brgy. Languyin, Polillo dakong alas-3:00 ng hapon. Sakay nito ang limang mangingisda na kinilalang sina Engelbert Negrite, Buddy Torres, Botan Espesua, Renzy Naredo at…
Read More2 PATAY SA PAMAMARIL SA LOOB NG BUS
NUEVA ECIJA – Patuloy ang isinasagawang malalimang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa nangyaring pamamaril na ikinamatay ng dalawang pasahero ng tumatakbong Victory Liner bus sa bayan ng Carranglan sa lalawigang nito, noong Miyerkoles ng hapon. Ayon kay Police Chief Master Sergeant Vincent Castañeda ng Carranglan Police, may lead na sila sa kaso, bagama’t hindi pa aniya pwedeng ilabas habang patuloy pang nangangalap ng iba pang mga impormasyon. Hawak na rin nila ang dash cam video kung saan nakita ang pamamaril ng dalawang suspek na isang naka-camouflage at isang naka-face mask.…
Read MoreAMYENDA SA OMNIBUS ELECTION CODE, INAASAHAN NG COMELEC
HABANG naghahanda ang Commission on Elections (Comelec) para sa 2025 elections, umaasa ito na maaamyendahan ang Omnibus Election Code upang mas mapadali ang mga botohan. Ayon sa Comelec, sa 2025 ay magkakaroon ng dalawang halalan — ang midterm elections sa Mayo at ang BSKE elections. Ngunit ang Batas Pambansa Bilang 881 o ang Omnibus Elections Code, naisabatas noong 1985, ay may mga probisyon na maaring malabo o hindi na naaayon sa panahon ngayon, ayon kay Comelec Chairman George Garcia. Aniya napakahirap sa bahagi ng komisyon, kapag ang ipinatutupad ay isang…
Read MorePCG NAGLUNSAD NG SAR OPS SA 4 MISSING FISHERMEN
PINAGHAHANAP ng Philippine Coast Guard (PCG), katuwang ang Philippine Air Force (PAF), ang apat na mangingisda na iniulat na nawawala habang sakay ng motorbanca sa karagatan ng Brgy. Cato, Infanta, Pangasinan. Ayon sa PCG, nakatanggap sila ng tawag kaugnay sa “Pepito 3” motorbanca na nagsagawa ng fishing venture at hindi na nakabalik pa. Nagpatulong naman ang PCG sa PAF upang mabilis ang paghahanap sa nawawalang mga mangingisda . Nagpadala ito ng air assets upang tumulong sa search and rescue (SAR) operations. Umaasa naman ang pamilya ng mga mangingisda na sumilong…
Read MorePANGAKO NG NEPC: KURYENTENG RELIABLE AT UNINTERRUPTED SA NEGROS
LUMIWANAG ang pag-asa ng mga taga-Negros makaraan ang preliminary approval ng House Committee on Legislative Franchises sa House Bill 9310, na nagbibigay ng prangkisa sa Negros Electric and Power Corporation (NEPC). Sa pamamagitan ng NEPC, magiging maayos ang electric power distribution system sa key cities kabilang ang Bacolod, Silay, Talisay, at Bago, maging sa mga munisipalidad ng Murcia at Don Salvador Benedicto—pawang nasasakop ng probinsya ng Negros Occidental—at matitiyak ang tuloy-tuloy at walang patid na supply ng kuryente sa mga nabanggit na lugar. Sa ginanap na hearing na pinamunuan ni…
Read MoreFORENSIC EVIDENCES SA MISSING BEAUTY QUEEN PINOPROSESO NA
SINISIMULAN na ngayong iproseso ng mga Forensic Expert ng Philippine National police ang hinihinalang forensic evidences na nakalap mula sa Honda CRV na sinasabing pinaglipatan sa nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon. Ayon sa ulat, sinasabing may nadiskubreng mga hibla ng buhok at hinihinalang mga bahid ng dugo ang PNP Forensic group mula sa pulang CRV na sinasabing pinagsakyan kay Camilon. Ayon kay PNP PIO chief, P/Col. Jean Fajardo, isinasailalim na ngayon sa proseso ng Regional Forensic group ang nakalap na forensic evidences. Nabatid na nakikipag-ugnayan na rin ang…
Read MoreRORO VESSEL SUMADSAD SA QUEZON, 76 NASAGIP
QUEZON – Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard at ng lokal na mga mangingisda ang mga pasahero ng RORO vessel na sumadsad sa karagatang sakop ng bayan ng San Andres sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon. Ayon sa report ng Coast Guard District Southern Tagalog, patungo sa San Andres Port sa Southern Quezon ang barkong MV Virgen De Peñafrancia I nang sumadsad ito sa mababaw na bahagi habang papalapit sa port dakong alas-4:00 ng hapon. Ayon sa kapitan ng barko, malalakas na alon at poor visibility ang…
Read More