LAGUNA – Isinailalim sa alcohol test ang babaeng driver ng Ford Raptor pick-up na nakabangga sa dalawang tricycle sa national highway sa Barangay Bucal, Calamba City na ikinamatay ng apat na magkakapamilya noong Miyerkoles ng madaling araw. Ayon kay Calamba City chief, P/Lt. Col. Melanie Martinez, hinihintay na lamang nila ang resulta nito mula sa hospital kung saan naka-confine din ang nasabing driver na si Alyssa Mae Pacrin Abitria, at ang kasama nitong lalaki dahil sa mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan, para makumpirma ang lumabas sa…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
19 PATAY, MAHIGIT 20 SUGATAN SA BSKE 2023 ELECTION PERIOD
UMABOT sa 19 katao ang namatay habang 20 naman ang nasugatan sa buong panahon ng election period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Subalit ayon sa Commission on Elections, kasalukuyan pa nila itong bineberipika base sa datos at mga police report na nakalap sa buong bansa sa loob ng nasabing election period. Sinasabing mas mababa ang nasabing bilang kumpara sa 2018 barangay polls. Sa isang panayam, inihayag ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco, “…while the numbers were ‘quite low’ compared to the previous 2018 village polls, the figures were…
Read More5 TULAK LAGLAG SA BUY-BUST
CAVITE – Swak sa kulungan ang limang hinihinalang tulak ng ilegal na droga na nasa listahan ng Street Value Individuals (SLIs) matapos maaresto sa buy-bust operation noong Lunes ng gabi. Kinilala ang mga naaresto na si alyas “Tol”, “Louie”, “RJ”, “Elmer” at “Will”, pawang nasa hustong edad at mga residente ng Brgy. Molino 2, Bacoor City, Cavite. Ayon sa ulat ni Police Corporal Jerome Asid ng Bacoor City Police Station, dakong alas-11:40 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Bacoor…
Read More26 ARESTADO SA LIQUOR BAN SA LAGUNA
LAGUNA – Umabot sa 26 katao ang naaresto sa ipinatupad na liquor ban sa lalawigan kaugnay ng Barangay at SK elections. Bilang pagtalima sa COMELEC Resolution 10924, ipinatupad ng Laguna PNP ang liquor ban noong Oktubre 29 hanggang 30, 2023 na nagresulta sa pagkakaaresto sa 26 na lumabag dito. Ang mga naaresto ay mula sa mga bayan ng Pila, Victoria, Bay, Cavinti, at Calamba City. Ang mga naaresto ay nahuli sa akto na umiinom ng alak sa mga pampublikong lugar. Ang mga lumabag sa naturang kautusan ay maaaring makulong ng…
Read MoreILANG PAARALAN SA BARMM SINILABAN
NANAWAGAN ng pagkakaisa at kooperasyon ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa publiko para maging maayos at matiwasay ang eleksyon ngayong Lunes lalo na sa bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao. Ito ay kasunod ng ulat na pagsunog sa ilang paaralan sa Mindanao na gagamiting polling precinct. Ayon kay 103rd Infantry (Haribon) Brigade commander Brig. Gen. Yegor Rey Barroquillo Jr., kailangan ng gobyerno ang tulong mula sa sambayanan upang maging bahagi sila ng solusyon para sa matagumpay, tapat at maayos na halalan. Tiniyak naman ng…
Read MoreDQ VS BRGY KAPITAN NG MASAGANA, PANDI
SINAMPAHAN ng “Petition for Disqualification” sa Commission on Elections (COMELEC) ang Kapitan ng Barangay ng Masagana, Pandi, Bulacan kaugnay ng umano’y paglabag sa Omnibus Election Code (OEC) nitong Biyernes. Sa limang pahinang complaint affidavit ni Manilyn Goc-Ong, nasa hustong gulang, residente ng Ignacio St., Purok 1, Barangay Masagana ng nasabing bayan, pinaratangan nito si incumbent Barangay Captain Francisco “Kikoy” Sandil ng pamimili ng boto. Nabatid na si Sandil ay re-electionist sa Barangay Masagana. Ayon sa petitioner, ipinatawag siya ng isang political leader kasama ang marami pang mga ka-barangay upang pumunta…
Read MoreVAN SUMALPOK SA BACKHOE 1 PATAY, 10 SUGATAN
QUEZON – Patay ang driver habang 10 pasahero ang sugatan nang sumalpok ang sinasakyang van ng mga ito sa isang nakaparadang backhoe sa gilid ng kalsada sa bayan ng Agdangan sa lalawigang ito, nitong Linggo ng madaling araw. Ayon sa report ng Agdangan Police, galing sa Lucena City Grand Central Terminal ang van at maghahatid ng mga pasaherong pauwi sa kanilang mga bayan sa Bondoc Peninsula area sa Quezon, ngunit habang binabagtas ang Barangay Road ng Brgy. Sildora, ay bumangga ang unahan nito sa nakaparadang backhoe na naka-standby para sa…
Read MoreKANDIDATONG KAPITAN, PATAY SA ATAKE SA PUSO
QUEZON – Dalawang araw bago ang halalan ng Barangay at Sangguniang Kabataan, pumanaw ang isang kandidatong kapitan sa bayan ng San Andres sa lalawigang ito, matapos atakihin sa puso. Ayon sa report, naghahanda na para sa huling araw ng pangangampanya nang biglang mag-collapse at mawalan ng malay si Cornelio Pepito, 55, incumbent barangay kagawad, at kandidato sa paka-barangay chairman sa Brgy. Pansoy. Isinugod ito sa ospital subalit binawian ng buhay makalipas ang ilang minuto. Ayon sa kaanak nito na si Claudio Mahinay Jr., posibleng dahil sa pagod, stress, puyat, at…
Read MoreP70K HALAGA NG GADGETS, NILIMAS NG AKYAT-BAHAY
CAVITE – Tinatayang P70,000 halaga ng gadgets ang nilimas ng hinihinalang mga miyembro ng akyat-bahay gang sa Carmona City sa lalawigang ito. Pinaghahanap ng Carmona City police ang suspek na kinilalang si alyas “Marco” at isang kasama nito dahil sa reklamo ni “Roselle”, dalaga, 34, ng Brgy. Lantic, Carmona City, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-5:00 ng umaga nang magising ang biktima at nadiskubreng nawawala ang ilang gadgets nito sa kanyang bahay na umabot sa P70,000 ang kabuuang halaga Nawawala rin aniya ang padlock sa kanilang gate at ang aluminum…
Read More