156 KILO NG MARIJUANA BRICKS HULI SA KALINGA

HALOS umabot sa P20 milyong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine National Police na nagbabantay sa nakalatag na checkpoint sa Barangay Calanan, Tabuk City, Kalinga. Ayon kay Police Capt. Ruff Manganip, spokesman ng Kalinga Police Provincial Office, nasa 156 dried marijuana bricks na tumitimbang ng isang kilo ang bawat isa, ang kanilang nakumpiska sa ikinasang checkpoint sa Barangay Calanan. Sinasabing itinawag sa kanila ang isang kahina-hinalang passenger van na nakalusot sa checkpoint ng Commission on Elections sa Barangay Dinakan, Lubuagan na nasa ilalim…

Read More

NEGOSYANTE PATAY SA ACCIDENTAL FIRING

CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Cavite Police hinggil sa pagkamatay ng isang 59-anyos na negosyante na umano’y nabaril sa ulo sa kanilang bahay sa Dasmariñas City noong Huwebes ng hapon. Idineklarang dead on arrival sa Dasmariñas City Medical Center ang biktimang si alyas “Mar”, may asawa, isang negosyante, ng Brgy. Salawag, Dasmariñas City, dahil sa tama ng bala ng kalibre .45 sa ulo. Ayon sa salaysay ng asawa ng biktima kay Police Master Sergeant Benjamin De Leon Jr. ng Dasmariñas City Police Station, dakong alas-5:00 ng hapon nang makita…

Read More

KAGAWAD NA KANDIDATONG KAPITAN, SUGATAN SA AMBUSH

QUEZON – Sugatan isang incumbent barangay kagawad na kandidato sa pagka-kapitan sa bayan ng General Luna sa lalawigang ito, matapos na pagbabarilin ng hindi kilalang suspek noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Ruben Ilagan, residente at kandidatong kapitan ng Brgy. Malaya, General Luna. Ayon sa report ng pulisya, nangyari ang pananambang pasado alas-9:00 ng gabi habang ang biktima ay naglalakad sa Sitio Central 1 pauwi sa kanyang bahay galing sa pagpupulong sa malapit sa kanilang Barangay Hall. Dalawang lalaking nakasuot ng face mask ang biglang sumulpot mula sa…

Read More

LALAKI BINARETA SA ULO NI KUYA

CAVITE – Agad nalagutan ng hininga ang isang 45-anyos na lalaki matapos pukpukin ng bareta sa ulo ng nakatatanda nitong kapatid dahil sa awayan sa lupa sa bayan ng Alfonso sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si alyas “Lolito” dahil sa sugat sa ulo mula sa baretang ginamit ng nakatatanda nitong kapatid na si alyas “Abet”, 50, kapwa residente ng Brgy. Mangas 2, Alfonso, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-4:40 ng hapon nang mangyari ang insidente sa Brgy. Mangas 2, Alfonso, Cavite…

Read More

ULO NG TRAFFIC ENFORCER, NAPISAK SA TRUCK

CAVITE – Patay ang isang 52-anyos na traffic enforcer nang mabangga at magulungan ng isang truck na tinangkang mag-overtake sa Bacoor City noong Miyerkoles ng umaga. Kinilala ang biktimang si alyas “Obet”, traffic enforcer, ng San Nicolas I, Bacoor City, dead on the spot sa insidente. Ayon sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo at binabagtas ang kahabaan ng Molino Boulevard , Molino III, Bacoor City dakong alas-8:20 nang umaga nang masagi siya ng Fuso truck na may plakang CCO 9559 na minamaneho ni alyas “Ronald”, 54, nang tinangka…

Read More

NAWAWALANG PASLIT, NATAGPUAN SA SEPTIC TANK

APAYAO – Natagpuang walang buhay sa loob ng isang septic tank ang 4-anyos na batang babae na iniulat na nawawala sa bayan ng Pudtol sa lalawigang ito. Ayon sa report ng Pudtol Police, Martes ng gabi nang madiskubre ang katawan ng biktima sa loob ng septic tank sa Barangay Mataguisi . Natagpuan ito matapos mapansin ng naghahanap na mga residente ang kakaibang amoy na nanggagaling sa septic tank na ginagamit para sa sanitation purposes sa lugar. Nasa ‘early state of decomposition’ na ito nang matagpuan na walang anomang saplot sa…

Read More

BSKE BET SA LANAO DEL SUR PATAY SA PAMAMARIL

LIMANG araw bago ang halalan, patuloy na nadaragdagan ang nangyayaring karahasan kaugnay sa paparating na Barangay at Sangguniang Kabataan election (BSKE). Kabilang sa pinakabagong naitala ay ang pagkamatay ng isang kandidatong kapitan sa Barangay Sigpang, Kapatagan, Lanao del Sur, na pinagbabaril umano ng mister ng kanyang kalabang incumbent barangay chairman sa lugar. Sugatan naman ang asawa at anak nito na kasama ng biktima nang mangyari ang krimen dakong alas-6:25 noong Miyerkoles ng umaga. Kinilala ang napatay na si Barangay chairman aspirant Camar Bilao Bansil habang sugatang ang misis nito na…

Read More

PERSONS OF INTEREST SA OAMINAL AMBUSH TINUTUGIS NA NG PNP

PINAGHAHANAP na ng Philippine National Police (PNP) ang persons of interest sa pananambang kamakailan kay Misamis Occidental Gov. Henry Oaminal. Sinabi ni PNP spokesperson Col.Jean Fajardo na kumikilos na ang PNP upang mahanap ang mga suspek. Gayunman, tumanggi ang opisyal na idetalye ang mga personalidad o grupo na nasa likod ng pag-atake upang hindi makompromiso ang imbestigasyon. Pinakilos na rin ng Northern Mindanao Police ang kanilang mga tauhan sa Misamis Occidental kasunod ng pag-atake. Sinabi ni Fajardo na isang sasakyan ang namataan sa Barangay Lapasan sa bayan ng Clarin bago…

Read More

FERNANDO NAMAHAGI NG P28-M EMERGENCY CASH SA 5,496 BULAKENYO

LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan nina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alex Castro ang pamamahagi ng emergency cash assistance sa 5,496 na Bulakenyo sa isinagawang “Emergency Cash Transfer sa mga Biktima ng Bagyong Egay at Habagat” na ginanap sa The Pavilion sa Hiyas ng Bulacan Convention Center noong Martes, Oktubre 24, 2023. Umabot sa halagang P28,000,167 ang nasabing tulong pinansyal mula kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. at Kalihim ng Department of Social Welfare and Development Rex Gatchalian, na ipinamahagi sa mga Bulakenyo mula sa mga Lungsod…

Read More