LAGUNA – Sinampahan ng kaso ng isang animal welfare organization ang magkapatid na nakita sa viral video na kumakaladkad sa isang aso habang sakay ng kanilang motorsiklo sa highway sa San Pablo City. Ayon kay Heidi Caguioa, program director ng Animal Kingdom Foundation, sinampahan nila ng kasong paglabag sa RA 8485 o ang Animal Welfare Act ang dalawa. Batay aniya sa naturang batas, ipinagbabawal ang pagmamaltrato o ang pag-inflict ng cruelty sa mga hayop. Base sa video na kumakalat sa social media, makikitang buhay pa ang aso habang kinakaladkad nang…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
EX-BF IPINAARESTO NG NEGOSYANTE SA SEXTORTION
CAVITE – Arestado sa entrapment operation sa bayan ng Silang ang isang lalaki makaraang pagbantaan ang kanyang dating karelasyong negosyante na ipakakalat ang hubad na larawan nito at mga video noong Martes ng gabi. Kasong paglabag sa Art 286 “Grave Coercion” ng RPC in relation to Sec. 6 ng RA 10175; RA 11313; RA 9995 at RA 9262 ang kinahaharap ng suspek na si Raymart Guingab y Baguna, 28, binata, ng Brgy. Maguyam, Silang, Cavite dahil sa reklamo ng isang 27-anyos na negosyanteng dalaga. Ayon sa reklamo ng biktima, dati…
Read More2 ARMAS NABAWI SA PATAKAS NA CTG SA SULTAN KUDARAT
DALAWANG M-16 armalite rifle ang na-recover ng 57th Infantry (Masikap) Battalion mula sa CPP-NPA Communist Terrorist Group kasunod ng sagupaan sa Barangay Batang Bagras, Palimbang, Sultan Kudarat. Ayon kay Lt. Col. Guillermo Mabute Jr., 57IB commander, habang nagsasagawa ang kanilang tropa ng combat security operations ay naka-engkwentro nila ang isang grupo ng mga komunistang terorista at tumagal ng halos 15 minuto ang sagupaan. “Agad nagsagawa ng pagsisiyasat sa encounter site ang ating kasundalohan at nadiskubre nila ang naiwang dalawang armas, dalawang magazine, personal na kagamitan, subersibong dokumento at mantsa ng…
Read MorePH FLAG BINASTOS, 4 DAYUHAN ARESTADO
CAVITE – Apat na dayuhan na kinabibilangan ng tatlong Pakistani at isang Romanian national, ang dinampot ng Cavite Police dahil sa kawalan ng galang sa ating Pambansang Watawat sa bayan ng Ternate sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga. Kasong paglabag sa Sec. 34 (I) Paragraph (a) ng RA 8491 (An Act Prescribing The Code of the National Flag) ang kinahaharap ng mga suspek na sina Sharoon Manzoor, 29; Shahid Manzoor, 45, at Shamail Jalal, 36, pawang Pakistan nationals, at Loan Oprescu y Emil, 36, isang Romanian national. Ayon sa ulat, dakong…
Read MoreMAG-AMA NAKURYENTE SA PAGHABOL SA MUSANG
QUEZON – Patay ang isang magsasaka habang nasugatan ang anak nitong 14-anyos na babae nang makuryente habang hinahabol ang isang “musang” (wild cat) sa bayan ng Mulanay, sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi. Kinilala ng Mulanay police ang namatay na si Mario Guevarra Sabalboro, 38, residente ng Brgy. Patabog. Batay sa report ng Mulanay police, patungo ang biktima kasama ang anak na dalagita sa lugar na kanilang pinag-uulingan sa Barangay Ilayang Yuni, nang makakita ang mga ito ng isang musang dakong alas-10:30 ng gabi. Hinabol ito ng mag-ama hanggang sa makarating sila…
Read MoreMAGPINSAN BINARIL NG TIYUHIN, PATAY
KAPWA nalagutan ng hininga ang magpinsan mula sa Barangay Poblacion Ilaya, Lambunao, Iloilo matapos barilin ng kanilang sariling tiyuhin. Ayon sa Lambunao Municipal Police Station, namatay sa pamamaril sina Ramil Opiane, 51, at Joven Besite, 41-anyos. Nahaharap sa kasong double homicide ang suspek na si Gil Casiple, 63, residente ng nabanggit na barangay. Base sa ulat na ibinahagi ni Police Major Jogen Suegay, hepe ng Lambunao PNP, nakikipag-inuman ang suspek sa isang tindahan nang puntahan ng magpinsan na kapwa mga nakainom din. Dito nagkaroon umano ng pagtatalo kaugnay sa matandang…
Read MoreFORWARD NEGOSYO NI CONG. FIDEL NOGRALES UMARANGKADA
BUKOD sa pagkakaloob ng pangkabuhayan ni Cong. Fidel Nograles sa mga residente ng ika-4 distrito ng Rizal (Montalban), ay sumabak din siya sa pagluluto ng hotdog sa isang food cart na kanyang ipinamimigay. UMARANGKADA na ang first batch ng programang pangkabuhayan (Forward Negosyo) ni Rizal 4th District Congressman Fidel Nograles para sa kanyang constituents sa Montalban sa nasabing lalawigan kamakailan. Katuwang ni Cong. Nograles ang Department of Labor and Employment (DOLE) na namahagi ng food carts na may kasamang sari-saring kasangkapan, rekados, at kagamitang panluto tulad ng kawali, kalan, sandok,…
Read More2 PATAY SA KAMBAL NA AKSIDENTE SA QUEZON
QUEZON – Patay ang isang menor de edad na babae at isang motorcycle rider, habang kritikal ang dalawa katao sa magkasunod na vehicular accident sa Maharlika Highway sa bayan ng Atimonan, Linggo ng hapon. Sa unang aksidente, namatay ang 16-anyos na si Coleen Lagdameo, matapos na ito at ang dalawa pa nitong kaanak na sina Dolce Lagdameo, 41, at Joel Bituin, 27, ay araruhin ng wing van truck na minamaneho ng 38-anyos na si Eric Timbal na patungo sa direksyon ng Maynila, habang nakatayo sa gilid ng highway sa Barangay…
Read MoreTarget na vice mayor nakatakas PULIS PATAY, 9 PA SUGATAN SA SULU OPS
PATULOY na tinutugis ng mga awtoridad ang puganteng dating vice mayor ng Maimbung, Sulu na nakatakas sa ikinasang law enforcement operation na ikinasawi ng isang pulis at ikinasugat ng siyam na iba pa kamakalawa ng umaga. Sa ibinahaging ulat ni Armed Forces of the Philippine chief of staff General Andres Centino, sinabi nitong walo sa mga miyembro ng PNP ang nasugatan at isa ang nasawi habang isang sundalo mula sa 41st IB ang isa pang sugatan. Paglilinaw ni General Centino, “We would like to correct the impression, it’s not an…
Read More