HIRIT NA TRO SA JVA NG CENECO AT PRIME ELECTRIC IBINASURA NG KORTE

IBINASURA ng Bacolod Regional Trial Court ang apela na magpalabas ng Preliminary Injunction at Temporary Restraining Order (TRO) upang pigilan ang Joint Venture Agreement (JVA) na nilagdaan noong Hunyo 3 sa pagitan ng Central Negros Electric Cooperative (Ceneco) at Prime Electric Holdings Inc. Sa dalawang pahinang desisyon ng korte, sinabi ni RTC Branch 6  Presiding Judge Maria Lina Gonzaga na nilabag ng petitioner na sina Pepito Pico, Rommel Pido at Aaron Sorbito ng Negros Consumers’ Watch (NCW) at Convenors of Anti CENECO JVA Coalition (ACJC) ang proseso sa paghahain ng…

Read More

300K LABI NG JAPANESE SOLDIERS IUUWI SA JAPAN

TARGET ng Japanese government na mahanap at maibalik na sa bansang Hapon ang 300,000 sundalong Hapones na namatay noong World War II at nanatiling nasa Pilipinas. Tiniyak naman ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. na susuportahan at tutulong ang kanilang kagawaran sa pagpapauwi sa labi ng libo-libong Japanese soldiers na nalibing sa Pilipinas. Ito ay kasunod ng pagpupulong sa pagitan ng DILG at ilang Japanese officials kasabay ng pagtiyak ng kanilang kooperasyon sa repatriation efforts. Nakaharap ni SILG Abalos sa nasabing pagpupulong…

Read More

Nakialam sa kaso ng nobyo LADY JUDGE KAKASUHAN NG OBSTRUCTION OF JUSTICE

LAGUNA – Sasampahan ng kasong obstruction of justice ng Laguna PNP ang isang lady judge na nakialam sa kaso para hindi makulong ang umano ay nobyo nito na nahulihan ng baril sa isang checkpoint sa Calamba City. Ayon kay P/Col. Randy Glenn Silvio, provincial director ng Laguna PNP, ang tinutukoy ay ang isang presiding judge sa isang bayan sa Laguna. Ayon kay Silvio, ‘very unusual’ sa isang honorable judge na mag-intervene sa kaso kung wala naman itong “personal connection” sa isang suspek. Nakatakda rin ang pulisya na gumawa ng report…

Read More

5 TULAK LAGLAG SA P350K SHABU

CAVITE – Umabot sa halagang P345,000 halaga ng umano’y shabu ang nasamsam matapos maaresto ang limang hinihinalang tulak ng ilegal na droga isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang mga suspek na sina Francis Hayag y Remolador, nasa listahan ng HVIs; Vincent Nazareno y Baltazar; Darius Icoy y Duyan; Rona Buenavista y Rubio, at Auria Lorelei Leaching y Lirio. Ayon sa ulat, dakong alas-4:30 ng hapon, nagsagawa ng buy-bust operation ang pinagsamang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Cavite Police Provincial Office…

Read More

LEADER NG DRUG GROUP SWAK SA SELDA

CAVITE – Swak sa kulungan ang lider ng Cavanan drug group at nasa listahan ng high value individuals (HVIs), matapos mahulihan ng tinatayang P75,208 halaga ng umano’y shabu at baril sa buy-bust operation sa Imus City noong Huwebes ng gabi. Kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng Art. II ng RA 9165 at RA 10591 ang kinahaharap ng suspek na si George Cayanan Jr. y Pagcibigan @ Badong, 46, tricycle driver, at residente ng Imus City, Cavite. Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Joseph G. Jader ng Imus…

Read More

VOLCANIC ROCKS NAGLUTANGAN SA TAAL LAKE

(Photo courtesy: TBST Batangas) NABAHALA ang mga residente ng Barangay Boot at Barangay Wawa sa Tanauan city, Batangas nang makita ang mga naglutangang bato sa Taal Lake nitong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa barangay officials ng Barangay Boot, nag-amoy asupre ang paligid matapos biglang lumitaw ang mga bato dakong alas-10 ng umaga. Agad naman itong inusyoso ng mga residente na ang iba ay nakaramdam ng takot. Pero paliwanag ni Engr. Ronald Pigtain, OIC, Phivolcs-Taal Volcano Observatory, base sa pagsusuri ng mga geologist, ang mga lumutang na bato ay mga scoria…

Read More

KOREAN RESTAURANT NILOOBAN NG 2 KALALAKIHAN

CAVITE – Tinutugis ng Cavite police ang dalawang kalalakihan makaraang looban ang isang Korean barbecue restaurant at tinangay ang cash at gadgets sa Bacoor City noong Miyerkoles ng umaga. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga suspek na pumasok sa Wagyuniku Sangyup, sa Brgy. Molino 4, Bacoor City, Cavite. Ayon sa ulat ni Police Master Sergeant Armando Perez ng Bacoor City Police, dakong alas-10:00 ng umaga nang matuklsan ni Michelle Anne Ann Marinas Gonzales ang nawawalang cellphone (P10,000), isang tablet, isang laptop at P28,000 cash mula sa cash register, pagbukas nito sa nasabing…

Read More

ZERO CRIME RATE SA CAVITE IBINIDA

IBINIDA ng pamunuan ng Cavite Police na sa pangalawang pagkakataon ay nakasungkit ng zero crime rate ang lalawigan. Sinabi ni Police Lt. Col Jack E. Angog, Deputy Provincial Director for Operation sa isinagawang “Dialogue with Cavite Press Corp” sa Camp BGen. Pantaleon Garcia, Imus City, Cavite, simula alas-6:00 ng umaga noong Martes hanggang alas-6:00 noong Miyerkoles ng umaga ay walang anomang naitalang krimen sa buong lalawigan sa Cavite. Pero paliwanag ni Angog, ito ay partikular lamang ang crime against property, at crime against person. “Natuwa rin ako kanina kasi simula…

Read More

PASLIT NALUNOD SA HUKAY NA MAY TUBIG

CAVITE – Hinihinalang nahulog at nalunod ang isang 4-anyos na lalaking paslit nang matagpuan ito mula sa isang hukay na may tubig sa isang covered court na under construction sa Trece Martires City noong Miyerkoles ng hapon. Isinugod pa sa General Emilio Aguinaldo Hospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival. Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Larz Salem Celestino ng Trece Martires City, nagtungo umano ang biktima at isa pang menor de edad na kaibigan nito sa covered court sa Brgy. Hugo Perez, Trece Martires City na under…

Read More