GROUNDBREAKING NG P7.89B CANDABA 3RD VIADUCT PROJECT ISINAGAWA NG NLEX

Pinangunahan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez kasama ang iba pang opisyales na sina Pampanga 1st District Rep Jon Lazatin, Pampanga Gov Dennis Pineda, Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., MPTC President and CEO Rogelio Singson, NLEX Corp President and Gen Manager J. Luigi Bautista, TRB Director Alvin Carullo makaraang isagawa ang groundbreaking ceremony ng Candaba 3rd Viaduct project na ginanap sa Barangay Dulong Bayan, Pulilan, Bulacan nitong Miyerkules. Photo by ELOISA SILVERIO PULILAN, Bulacan – Nagsagawa ng groundbreaking ang NLEX Corporation para sa konstruksyon ng five-kilometer Candaba 3rd…

Read More

BSKE HILING NA IPAGPALIBAN SA NEGOR

HINILING ni Senador Francis Tolentino na ipagpaliban ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa limang cluster sa Negros Oriental. Gayunman, inanunsyo ng Commission on Elections na ang public consultations sa mungkahi na ipagpaliban ang BSKE ay isasagawa sa June 27 hanggang 29. Ayon sa Comelec, gaganapin ito sa limang clusters na binubuo ng iba’t ibang lungsod at bayan sa Negros Oriental. Nauna nang iminungkahi ni Senador Tolentino na sa Oktubre 30 itakda ang BSKE, ngunit ibig nitong ipagpaliban ang botohan sa lalawigan dahil sa mga kaso ng political violence.…

Read More

BAHA, LANDSLIDE RUMAGASA SA DIGOS CITY

NAGPATUPAD ng force evacuation ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa mga flood at landslide-prone area sa 12 barangay sa Digos City, Davao del Sur nitong Martes ng gabi. Inilikas ng mga awtoridad ang ilang pamilya na apektado ng mga pagbaha at landslide partikular sa mga lugar sa bayan ng Sta. Cruz at Digos City sanhi ng patuloy na pag-ulan sa lugar dala ng Inter-Tropical Convergence Zone o ITCZ. Maging ang Digos PNP ay tumulong sa evacuation ng ilang pamilya sa Barangay Aplaya at dinala sa evacuation…

Read More

9 KINASUHAN NG NBI SA PALUWAGAN SCAM

SIYAM na opisyal ng isang investment group ang kinasuhan ng NBI Lucena District Office ng 40 counts ng syndicated estafa matapos na mangolekta ng milyong pisong halaga ng contributions mula sa tinatawag nilang “investors” sa kanilang “paluwagan” scheme sa lalawigan ng Quezon. Ayon sa rekomendasyon ni Atty. Bernard de la Cruz, Agent-in-Charge ng NBI-Lucena, sinampahan sa Provincial Prosecutors Office sa bayan ng Infanta, Quezon ng kasong paglabag sa Article 315, Paragraph 2 ng Revised Penal Code in relation to Presidential Decree no. 1689, at ng kasong paglabag sa Securities Regulation…

Read More

DLSUMC NABULABOG SA BOMB THREAT

BAHAGYANG nagdulot ng tensyon sa mga doctor, guro, mag-aaral at staff ng De La Salle University Medical Center (DLSUMC) ang natanggap na text messages na umano’y may nakatanim na bomba sa paligid nito sa Dasmariñas City, Cavite noong Huwebes ng hapon. Ayon sa ulat ni Police Corporal Arthur Rejano ng Dasmariñas City Police, dakong alas-3:09 ng hapon nang makatanggap ng text si Mansueto Ibabyo y Mejia, 60, security guard ng DLSUMC, mula sa number na 09329788456 na may mensaheng: “Mga guro, estudyante at opisyal ng HIS, gusto ko malaman ninyo na kaming CPP-NPA-NDF ay…

Read More

35 KASO NG RESPIRATORY DISEASE NAITALA SA MT. MAYON

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 35 kaso ng respiratory disease sa evacuation centers sa Albay sa pagpapatuloy ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon. Kabilang sa mga ito ang mga nakaranas ng ubo, sipon, at sore throat na iniulat noong Hunyo 13. Ayon sa DOH, ang iniulat na mga kaso ay hindi pa tiyak kung adverse effects ng sulfur dioxide at ashfall.  “We would like to assure the general public that the Department of Health is on the ground and continuously monitoring the affected population,” sabi ng DOH. Hindi bababa sa…

Read More

LGUs HINIMOK TAAL VOLCANO ISLAND GAWING OFF-LIMITS

HINIMOK ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang LGUs sa paligid ng Taal Lake at Taal Volcano na mahigpit na bantayan at gawing off limits sa mamamayan ang volcano island. Ito ay matapos bisitahin ng mga opisyal ng PDRRMO, kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, ang mismong isla ng bulkan. Noong Miyerkoles, nagsagawa ng inspeksyon ang naturang departamento kasama ang mga tauhan ng Office of Civil Defense IV-A, Philippine Coast Guard, Batangas  PNP, at at mga kinatawan mula sa tanggapan ng Taal Volcano Protected Landscape sa Taal volcano island at…

Read More

18 SUGATAN SA PAGSABOG NG BODEGA NG PAPUTOK

UMABOT sa 18 katao ang sugatan matapos na sumabog ang isang bodega ng paputok kahapon ng madaling-araw sa Barangay Bundukan, Bocaue, Bulacan. Ayon kay Bocaue Bureau of Fire and Protection (BFP), nangyari ang pagsabog dakong alas-2:10 ng madaling-araw na nagsimula sa bodega ng paputok na pag-aari ng isang Nenita Oprecio. Nabatid mula kay Fire Senior Insp. Earl Mariano, Fire Marshal ng Bocaue BFP, nagsimula ang pagsabog nang mayroong mag-spark sa bodegang nabanggit at ilang minuto ang makalipas ay bigla na itong sumabog at unti-unti nang kumalat ang apoy sa mga kalapit-bahay.…

Read More

HEPE NG MGA SEKYU PATAY SA MGA TAUHAN

PINAGBABARIL ng kanyang mga tauhan ang OIC ng mga security guard ng isang ceramic store sa garahe ng kanyang bahay sa JP Laurel highway, Brgy. San Fernando, Malvar, Batangas, Linggo ng umaga. Kinilala ang biktima na si Clarence Sualog, security OIC ng Mariwasa Siam Ceramics Inc. sa Sto. Tomas City. Batay sa report, dakong alas-6:25 ng umaga, naghahanda na sa pagpasok sa trabaho ang biktima nang dumating ang dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo. Pinagbabaril ng mga ito ang biktima na tinamaan sa ulo at agarang ikinasawi nito. Patakas na…

Read More