SUPER TYPHOON EGAY NAG-IWAN NG 6 PATAY

NAKAPAGTALA ng anim na nasawi at dalawang sugatan ang pananalasa ng Super Bagyong Egay. Subalit sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon ay lima pa lamang ang kumpirmado, apat sa mga ito ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR) habang ang isa ay mula sa CALABARZON. Mayroon ding naitalang dalawang sugatan na patuloy pang bineberipika ng NDRRMC. Dahil sa patuloy na mga pag-ulan ay lumobo na ang bilang ng mga apektadong indibidwal. Sa kasalukuyan ay nasa 89,639 pamilya o katumbas ng 328,356 na katao ang…

Read More

PABAHAY SA 6M PAMILYANG BACOOREÑO KASADO

TARGET ang mahigit anim na milyong pamilyang Pilipino na mga Bacooreño, na mabiyayaan ng pabahay hanggang sa taong 2028. Ito ang laman ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng City Government ng Bacoor sa pamumuno ni Mayor Strike Revilla, at ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) na pinamumunuan ni Secretary Jose Acuzar, na nagpapatibay sa kanilang kooperasyon sa pagpapatupad ng pambansang pabahay para sa Filipino (4H) Program. Layunin nito na magbigay ng solusyon sa pabahay at sa pamamagitan ng programang ito, ang mga benepisyaryo na may…

Read More

3 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 5 SASAKYAN

CAVITE – Tatlo katao ang sugatan makaraang nagkarambola ang limang sasakyan sa bayan ng Kawit sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng umaga. Nilalapatan ng lunas sa ospital ang mga biktimang sina Susan Esteba Doromal, driver ng Toyota Vios; Freddie Galura Zita, driver ng motorsiklong Yamaha Aerox, at Jayvee Ferlino Marbella, driver ng Honda Click, dahil sa mga sugat sa katawan, habang nasira naman ang minamanehong Mitsubishi Montero ni Denis Velasco Francisco at Nissan Urvan na minamaneho ni John Michael Pallugna Ferrer. Ayon sa ulat, dakong alas-7:45 ng umaga nang mangyari…

Read More

3 PROFESSOR PATAY SA ARARO NG JEEP

QUEZON – Tatlong college professor ang nasawi matapos masagasaan ng isang pampasaherong jeep sa Maharlika Highway, Brgy. Lagalag, sa bayan ng Tiaong sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang mga biktimang sina Salvo Ocampo Salvacion, 30, ng Tiaong, Quezon; Rosie Campus Dulay, ng Sampaloc, Quezon; at Sheryl Bundalian, 28, pawang professor sa Southern Luzon State University (SLSU) -Tiaong Campus. Ayon sa report ng Tiaong Police, dakong alas-7:30 ng gabi nang masagasaan ang tatlong biktima ng jeep na minamaneho ni Zaldy Mosquera, 63, ng San Pablo City, habang tumatawid…

Read More

1 PATAY KAY ‘EGAY’

INIULAT ni NDRRMC Deputy Spokesperson Diego Mariano na may isang residente mula sa Cardona, Rizal ang hinihinalang nasawi sa flashflood. May naiulat din na dalawang nasaktan sa CALABARZON at Region 6 kaugnay ng walang patid na buhos ng ulan dala ng Bagyong Egay. Umakyat na sa 44,356 pamilya o 180,439 indibidwal ang naaapektuhan ng bagyo mula sa 261 barangay sa Regions 1, 3, CALABARZON, MIMAROPA, 5, 6, 10 at 12. Kaugnay nito, ipinag-utos na ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na magsagawa ng rapid assessment ang mga local…

Read More

11 MATATAAS NA URI NG BARIL, ISINUKO NG TALITAY LGU

CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – Ikinagalak ng pamunuan ng 601st Infantry (Unifier) Brigade ang pagsuko ng loose firearms mula sa mga residente ng bayan ng Talitay. Ayon kay Brigadier General Oriel Pangcog, commander ng 601st Brigade, ang hakbang na ito ng LGU ay malaking tulong upang mabawasan ang mga instrumento ng karahasan na isa sa mga hadlang upang mapaunlad ang bayan. Ito ang pahayag ng brigade commander matapos ang isinagawang ‘Balik-Baril Program’ sa Municipal Hall ng Brgy. Poblacion, Talitay, Maguindanao del Norte noong ika-25 ng Hulyo. Kabilang…

Read More

HVI HULI SA P136K SHABU

CAVITE – Swak sa kulungan ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga, na nasa listahan ng High Value Individuals (HVIs), matapos maaresto at makumpiskahan ng tinatayang P136,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Dasmariñas City, noong Martes ng gabi. Kinilala ang naarestong suspek na si Ruel Marinduque y Fortunato, 41, binata, ng Tagaytay City. Ayon sa ulat ni Police Corporal Marnol Cunanan ng Dasmariñas City Police, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Cavite Police Provincial Unit (PDEU) na nagresulta sa pagkakadakip…

Read More

2 AKYAT-BAHAY NABITAG SA FOLLOW-UP

CAVITE – Arestado ang dalawang hinihinalang mga miyembro ng akyat-bahay gang habang pinaghahanap ang isa pa nilang kasama, matapos tangayin ang P100,000 halaga ng gadgets mula sa isang bahay sa Bacoor City noong Martes ng madaling araw. Kinilala ang mga naaresto na sina Arnel Rodriguez y Baclas, at Marck Anthony Lagana y Guinez habang pinaghahanap ang kasama nilang Carlos Espella, pawang nasa hustong edad. Ayon sa ulat ni Police Master Sergeant Roberto Lacasa ng Bacoor City Police, dakong alas-3:00 ng madaling araw nang pasukin ng mga suspek ang bahay ni…

Read More

1K TAGA-MONTALBAN NAKINABANG SA TULONG PINANSYAL NI NOGRALES

UMULAN man at umaraw ay tuloy-tuloy pa rin ang “Tulong Pinansyal sa Montalban” ni Rizal, 4th District Congressman Fidel Nograles. Katuwang ni Nograles sa kanyang pamimigay ng ayuda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD). Tinatayang mahigit 1,000 mga kapos-palad na senior citizens, PWD, kababaihan, kabataang mag-aaral, at mga nawalan ng kabuhayan ang nabigyan ng tulong sa pamamagitan ng financial assistance, medical assistance, burial assistance, educational assistance, at livelihood assistance. Bukod sa pamamahagi ng “Tulong Pinansyal sa Montalban” ni Nograles, ay inihayag niya na malaking tulong ang pagtaas ng…

Read More