CAVITE – Tinatayang umabot sa P244 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa arestadong dalawang suspek sa isinagawang buy-bust operation sa Imus City noong Sabado ng gabi. Kinilala ang dalawang arestado na sina Datu Ali Sampulna y Dayo, 38, at Almira Sampulna y Karao, 30, online seller, kapwa ng Poblacion 7, Cotabato City. Ayon sa ulat ni Corporal Archie Agustin ng Imus City Police Station, dakong alas-7:20 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng PDEG, SOU 4B (lead unit), at Imus CPS sa Block 1, Lot…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
19 SUSPECTS TIMBOG SA ONE-DAY ANTI-DRUG OPS NG LAGUNA PNP
LAGUNA – Arestado ang 19 indibidwal sa isinagawang one day anti-illegal drugs operations ng Laguna PNP noong Biyernes. Ang one day anti-illegal drugs operations ng Laguna PNP ay nagresulta sa pagkakaaresto sa 19 drug personalities, sa isinagawang 14 operasyon sa buong probinsiya, kumpiskado naman ang 9.62 gramo ng hinihinalang shabu at 52 gramo ng hinihinalang marijuana, na may kabuuang halaga na umabot sa P46,190. Kasalukuyang nasa kustodiya ng kanya-kanyang operating units ang naarestong mga suspek habang ang kumpiskadong mga ebidensya ay isusumite sa Crime Laboratory para sa forensic examination. Nahaharap ang…
Read MoreCABANATUAN DRUG DEN NABUWAG
ISANG makeshift drug den ang nabuwag matapos ang isinagawang joint anti-narcotics operation ng PDEA Nueva Ecija Provincial Office – Region 3, kasama ang lokal na pulisya, sa Barangay Lourdes ng nasabing siyudad. Tatlong drug personality ang naaresto sa isinagawang pagsalakay at nahulihan ng ilegal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng P102,000. Kinilala ang mga naaresto sa entrapment operation na sina Vergel Ignacio y Pascual alyas “Red Horse”, 41; Joseph Lanticse y Requilme alyas “Budjong”, 50, at Lea Lanticse y Manalang, 41-anyos. Batay sa report ng mga operatiba ng PDEA-RO3 kay Regional…
Read MoreISINALANG SA LIVE FIRE EXERCISES
NAGSAGAWA ng tatlong araw na live fire exercises ang Philippine Army Field Artillery Battalion para masubok ang bagong armas na pamuksa ng Armed Forces of the Philippine sa Brgy. Talisawa, Datu Abdullah Sangki, Maguindanao del Sur. Isinagawa ang live fire test para sa bagong biling armas ng AFP, ang truck mounted 155 Howitzers, bilang bahagi ng isinagawang pag-aaral ng Field Artillery Battalion. Ayon kay Lt. Col. Chamberlain Esmino, commander ng 10th Field Artillery Battalion, ang nasabing aktibidad ay bahagi ng pagtatapos ng 10FAB Battalion Organizational Training na mangangasiwa sa nasabing 155…
Read MoreMAGSASAKA NAPATAY NG KAPATID SA INUMAN
PATAY ang 48-anyos na magsasaka makaraang umano’y tagain ng kanyang kapatid sa inuman sa Sitio Balangiba, Brgy. Basiawan, bayan ng Sta. Maria, Davao Occidental noong Martes ng gabi. Kinilala ang namatay na biktimang si Christopher Sumaday alyas “Ogoy” ng nabanggit na lugar. Sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Lino Sumaday, 26, na umamin sa krimen. Ayon sa suspek, nakonsensiya siya sa nagawa niya sa kapatid. Batay sa imbestigasyon ng PNP, nauwi sa alitan ang inuman ng magkapatid. Matagal na umanong nagtanim ng sama ng loob si Lino sa…
Read MoreDENTAL CLINIC SA CAVITE HINOLDAP NG ‘PASYENTE’
CAVITE – Tinutugis ng Cavite Police ang isang 27-anyos na lalaki na nagpanggap na pasyente sa isang dental clinic makaraang holdapin ang nasabing establisimyento at tinangay ang P25,000 cash at gadgets sa Dasmariñas City, Huwebes ng gabi. Personal na dumulog sa tanggapan ng pulisya ang mga biktimang sina Ria Anne Valenzuela y Animas, 25, dentista; Patricia Kaye Mendoza y Sambrano, 25, dental assistant, at Melody Dela Cruz y Gustilo, 30, pasyene. Kinilala naman ang suspek sa pamamagitan ng gallery ng pulisya na si Jeffrey Encarnacion y Malimban, ng Satellite II, Brgy. Sabang…
Read More4 TRABAHADOR NAKURYENTE, 1 PATAY, 3 SUGATAN
QUEZON – Isa ang patay habang tatlo ang sugatan matapos makuryente habang naglalagay ng poste ng solar lights sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Talisay, sa bayan ng Tiaong sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktimang si Christian Caalaman, residente ng Lucena City, dahil sa mga pinsala sa ulo at katawan. Nalapnos naman ang ilang bahagi ng katawan ng tatlo pang mga biktimang sina Arnel Dela Cruz, 42, kapatid nitong si Ronel Dela Cruz , 34, at Jomel Benuza, 23, pawang taga Lopez, Quezon. Base sa imbestigasyon ng…
Read MoreAKTIBONG PULIS HULI SA SEXTORTION
ISANG aktibong kasapi ng Philippine National Police ang inaresto sa loob ng motel ng mga tauhan ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) sa San Jose Del Monte, Bulacan. Ito ay matapos na ireklamo ng kanyang dating karelasyon na pinagbantaang ikakalat ang kanilang mga sex video kung hindi makikipagtalik sa kanya. Kinilala ni IMEG Director Police Brig. Gen. Warren de Leon ang suspek na si Patrolman Julius Ramos na nakatalaga sa Service Support Division, Intelligence Group sa PNP Headquarters sa Camp Crame. Huli sa akto sa ikinasang entrapment operation ang pulis…
Read MoreOPERATOR NG SABUNGAN PATAY SA PANANAMBANG
BATANGAS – Nalagutan ng hininga ang isang negosyanteng operator ng isang sabungan matapos tambangan ng hindi kilalang mga suspek habang pauwi sa kanilang bahay sa Tanauan City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi. Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktimang si Joselito de Chavez dahil sa mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Batay sa report ng Tanauan City Police, dakong alas-8:30 ng gabi, minamaneho ng biktima ang kanyang pick-up pauwi sa kanilang bahay mula sa sabungan, nang tadtarin ng bala ang…
Read More